Twenty Six

74.6K 2.1K 122
                                    

Natapos si David sa pagkuha ng litrato sa'min ni Ian. Ang totoo hindi lang isang picture ang kinuha niya tingin ko mga nasa limang litrato 'yun.

Haay! Sana nga lang talaga itago niya lang sa cellphone niya 'yun.

Tinanggal ko na 'yung pagkakaakbay sa'kin ni Ian kasi masyado na siyang nag e-enjoy sa pag akbay niya.

"Pre, akala namin hindi ka pupunta?" Tanong ni Ronald kay Ian.

Oo nga!

"Naisip kong humabol sa pagpunta, tutal wala namang pasok bukas sa trabaho."

"Hindi ka ba makikipag date kay Joanne, bukas?" Tanong ko naman.

"Ang totoo pinatigil na 'ko ni Joanne sa panliligaw sa kanya."

"What?!!" Gulat kong tanong.

"Anong nangyari?" Tanong ni Majah.

"Wala pang isang linggong hindi ko kayo nakita, may ganun na agad na balita." Kumento ko.

Tumawa siya ng mahina. "Wala eh. Hindi talaga siguro kami para sa isa't-isa."

"You mean, na basted si Fafa Ian?" Tanong ni David na tila na mangha pa.

"Yah. Parang ganun na nga." Sagot niya habang kumakamot sa likod ng ulo niya.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko.

"Sa kanya mo nalang tanungin."

Tss. May pa mysterious pa siyang nalalaman.

Pero bakit nga kaya? Akala ko pa naman bibigyan ng chance ni Joanne si Ian.

"Sayang mukhang bagay pa naman kayo." Kumento ni Maj.

"Oo nga!" Pagsangayon ko.

Ngumiti lang siya bilang tugon.

Narinig ko naman na nag ring ang cellphone ko mula sa pouch ko. Kinuha ko 'yun at tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita kong ang asawa ko 'yung tumatawag kaya lumayo muna ako sa kanila sa sandali para sagutin ito.

"Hello baby?"

"Mangungumusta lang ako kaya ako tumawag."

"Uhm uh... ayos naman ang lahat dito baby. Wala kang dapat ipagalala." I reassured. Nilingon ko ang mga classmates ko at nakita ko si Ian na nakatingin sa direksyon ko.

Siguro dapat sabihin ko sa kanya 'yung tungkol kay Ian. Alam kong hindi niya kagugustuhan na malaman 'yun pero baka mas hindi niya magustuhan kapag sa iba pa niya nalaman.

"Mabuti naman kung ganun, enjoy ka lang dyan baby."

"Uh baby may sasabihin pala ako."

"Ano 'yun?"

"Nandito si Ian."

"What?!! Anong ginagawa niya dyan? Akala ko ba hindi siya pupunta?!" Gulat niyang tanong.

"'Yun din ang akala naming lahat baby, nagulat din kami na makita siya."

"Umuwi ka na!"

"What? No! Kakasimula palang ng party."

"Pero nandyan si Ian!"

"Eh ano naman? Hindi purket nandito si Ian aalis na 'ko!"

"Hindi ko gusto 'yung ideang nandyan si Ian at wala ako. Walang mag babantay sa'yo!"

"Hindi mo naman ako kailangang bantayan, wala namang gagawin si Ian!"

What the... hindi ko nalang pala sana sinabi na nandito si Ian edi sana hindi niya na naman ako inaaway.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now