Thirty Three

82.1K 2.4K 224
                                    

"Amber, tara na?" Tanong ni Majah mula sa labas ng kwarto ko.

Papunta kami ngayon sa Club na pinagiinuman namin dati noong studyante palang kami. Ngayon na kasi na ang pa celebration ni Luisa at Justin para sa kasal nila. Kaya nandito noon si Luisa noong nag away kami ni Damon dahil kay Ian ay para sabihin ang tungkol dito.

Simula din nung gabing 'yun hindi ko na nakikita si Damon o kahit paramdam wala siyang ginawa. Si Ian din naman tinutoo ang sinabing hindi na magpapakita. Tuwing lunch break namin sa trabaho hindi na namin siya nakikita ni Joanne.

Lumabas nalang ako ng kwarto. Nakita ko si Mar at Majah na nasa sala lang habang tila hinihintay ako.

"Mar alam mo ba kung pupunta si Damon?" Tanong ko kay Mario.

He shakes his head. "Hindi ko alam eh."

Mukhang pati ngayon hindi din kami mag kikita.

Talagang sinunod na niya ang space na hiningi ko ah.

Hanggang kailan kaya kami ganito?

"Ganun ba? Sige, alis na tayo."

Nag simula na silang mag lakad palabas ng Apartment habang ako naman ay naka sunod lang sa kanila.

Dumiretso kami sa kotse ni Mario dahil iisang kotse lang naman ang gagamitin namin para sabay-sabay nalang din kami umuwi.

Sa backseat nalang ako umupo habang 'yung dalawa sa harap.

"Hanggang kailan ka ba sa Apartment?" Tanong ni Majah sa'kin. "Hindi sa pinapaalis kita dahil Apartment mo rin 'yun kaso kung magkalayo kayo ni Damon lalo lang kayong hindi magkakaayos."

I shake my head, sighing. "I don't know."

'Pag umuwi ba 'ko magkakaayos na talaga kami?

Sinimulan na ni Mario ang pag mamaneho papunta sa Club. Tahimik lang ako habang nasa byahe silang dalawa lang ang nag uusap. Honestly umaasa akong makita si Damon sa Club 'pag dating namin dun.

Sana nga nandun ka Mr. Lawrence, gusto kitang makita.

Monthsary na pa naman namin bukas.

Nang makarating kami sa Club. Pagpark ni Mario at pag-patay ng makina, bumaba naman agad kami.

Sabay-sabay na din kaming nag lakad papasok ng Club. Nakasunod lang ako sa dalawa hanggang sa makarating kami sa table na pina-reserved nila Luisa. Pag-dating namin dun kompleto na silang lahat maliban lang kay Damon kaya hindi ko maiwasang ma-disappoint.

"Nag confirm ba sa inyo si Damon kung pupunta siya?" Maj asked the couple.

"Hindi eh." Justin said.

"Hayaan nyo na. Ma-upo na tayo!" I told them.

Susubukan ko nalang enjoyin ang gabing 'to kahit wala si Damon.

Umupo na kaming lahat tsaka naman nag order ng maiinum namin si Justin.

"Kailan nyo pala planong mag pakasal?" Tanong ni Majah kay Luisa habang nag hihintay kami ng inorder namin.

"Wala pa kaming naiisip na date pero sure na this year."

"Kayo?" Justin asked Maj.

"This year din." Sagot ni Mario habang naka ngiti.

"Seryoso na ba talaga kayong mag papatali na kayo sa babae?" Biro ni Lucas.

"Ingit ka lang dude!" Raffy told him.

"Dude, masarap pang maging single. Walang problema."

I rolled my eyes. Pa-simpleng parinig din 'tong mokong na 'to eh.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now