Thirty Six

84.7K 2.3K 283
                                    

Bumalik naman agad kami sa dining area after naming mag make out ng asawa ko.

I must say, ang making out namin ang way para sa pagbabati namin. I mean nandun pa din ang inis ko sa ginawa niya pero iisip nalang ako ng positive para hindi na ganoong nakakainis.

'Wag lang sanang maulit dahil baka makasugod na talaga ako ng malandi.

"Mrs. Lawrence," Tawag niya sa'kin habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng cake. Actually, pangatlong slice ko na 'to.

"Kapag nag kumento ka na naman sa pagkain ko, i swear uupakan kita!" I warned making him laughed.

"Hindi naman 'yun ang sasabihin ko eh."

"Kung ganun ano?"

"Let's go on a vacation next weekend. Just a two days and one night vacation. What do you think?"

"Bakit bigla mong na isip 'yan?"

"Masyadong malalim ang pinag awayan natin nitong buong linggo. Bawiin natin sa pag babakasyon, tutal hindi pa naman tapos ang summer."

"Hmm. Good idea!"

"Really?"

"Where?"

"Sa malapit lang na resort. I don't know where. I'll search, since job ko naman 'yun."

I shrugged. "Okay."

Kumain nalang ulit ako ng cake hanggang sa maubos ko 'to. Inabutan din naman agad ako ng tubig ng asawa ko kaya hindi ko maiwasang makita 'yung may bandage niyang kamay.

"Hindi mo pa rin ba sasabihin kung anong nangyari dyan sa kamay mo?" Tanong ko.

Bigla siyang napa tingin sa kamay niyang may benda.

"Nagpaka-feeling Pacquiao kasi ako at sinuntok 'yung pader."

"Why?"

"Uh nakapag usap kasi kami ni Lexi."

"Nag usap kayo ni Lexi??!!" Gulat na may halong galit kong tanong.

"Yah! Usap lang. Nagalit ako sa kanya dahil sa mga pag-aaway natin at sa sobrang galit ko sinuntok ko 'yung pader. 'Yun lang 'yun, hindi naman nag tagal ang usapan namin."

"Sinong nag attempt na kumausap, ikaw o siya?"

"Siya."

"Bakit ba hindi niya magawang tigilan ka nalang?!"

"Actually 'yun ang pinag usapan namin. I told her na tigilan na 'ko at 'wag kausapin."

"Sumunod naman kaya siya?" I sounded like him kapag si Ian ang pinaguusapan.

"I hope so."

I rolled my eyes. Magkakaroon na ata ako ah! Napapadalas pagtataray ko sa kanya eh. Wait! Speaking of magkakaroon, teka kailan ba 'ko huling dinatnan?

Shocks! Hindi ko na maalala.

"Are you okay?" He asked.

"H-Ha?"

"Bigla kang na mutla."

Napahawak sa magkabilang pisnge ko dahil sa sinabi niya at napa-lunok.

"I'm okay!"

"Okay." Inabutan niya ako ng beer. "Sabayan mo na 'kong uminum."

I shake my head. "Pass muna baby."

"Bakit naman?"

Dahil hindi magandang uminum ako ngayong naiisip kong delayed ako at may posibilidad na baka... buntis ako.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat