Twelve

110K 3K 114
                                    

Nakarating kami ni Damon ng parking nang hindi nag uusap. Badtrip na naman kasi ako sa pag seselos niya ng walang dahilan. Alam na nga niyang iba ang pinuntahan ni Ian sa office nag se-selos pa din. Nakakainis!

Ako ang unang bumaba sa'min sa kotse at 'di ko na rin siya hinintay sa paglalakad papuntang elevator. Pinindot ko lang 'yung button at nag hintay na mag bukas ito.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Damon sa ulo ko. "Sorry." He apologized.

"Hindi ka ba nag sasawang mag sabi ng sorry, tapos mauulit lang naman 'yung dahilan nang pag so-sorry mo?" Inis ko pa ding sabi.

"Seloso ako baby, alam mo 'yun."

"Alam ko 'yun! Hindi ko 'yun nakakalimutan, nakatatak na nga 'yun sa utak ko eh. Pati pa nga ata sa pagtulog ako naiisip ko pa rin na seloso ka."

He just chuckled.

"May nakakatawa?" Irita kong tanong.

He holds up his hands, smiling. "Wala."

"'Wag ka ngang ngumiti!"

"Bakit naman?"

"Dahil naiinis ako!"

"Naiinis kang nakangiti ako?" Pagtataka niya.

"Naiinis akong nakangiti ka kahit na alam mong naiinis ako sa'yo!"

"Ang init na naman ng ulo mo." He comments.

"Sinong hindi iinit ang ulo-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya 'kong hinalikan sa labi ko ng mabilis.

"Sorry na." He sincerely apologized. "Please," He makes a pa-cute face. I just rolled my eyes. Bigla niya 'kong niyakap. "Sorry na talaga, siguro nga makakaya ko pang marinig na banggitin mo pangalan niya pero hindi ko pa talaga kaya na makitang kausap mo siya. Nag seselos talaga ako baby, lalo na't alam kong minsan sa buhay mo na minahal mo siya at natikman niya 'yung labi mo. Hindi ko pa kayang makita mag kasama kayo, hindi pa sa ngayon pero susubukan kong masanay para sa'yo."

Huminga ako ng malalim para pahupain na 'yung inis ko at niyakap siya sa bewang niya. "Okay, you're forgiven."

I kissed his chest tsaka ako bumitaw sa pagyayakapan namin. Narinig ko na din kasing nag open 'yung elevator eh.

"Pumusok na tayo, may pag uusapan pa tayo sa Unit." I said.

"May pag uusapan pa tayo?" Pagtataka niya.

"Oo! 'Yung about kay Lexi."

"Ah, yah! Tama."

Hinila ko na siya papasok ng elevator para makarating na sa Unit at makaupo na 'ko.

Nang makarating kami sa tamang floor. Dumiretso na kami sa Unit namin. Pag pasok na pag pasok namin dumiretso ako sa couch at umupo. Nilagay ko sa lamiseta 'yung bag at tinanggal ko 'yung sapatos ko gamit lang din ang paa ko.

Tumabi sa'kin si Damon. Hinawakan niya 'yung mga binte ko at pinapatong sa legs kaya napahiga ako sa couch.

Minasahe niya 'yung paa ko na talaga namang masarap.

"Pag usapan na natin si Lexi." Pag o-open ko ng topic. Tumingin lang siya sa'kin bilang tugon.

"Bakit hindi mo sinabing nagkasama pala kayo sa Bar kagabi?"

"Nakalimutan ko lang."

"Nagiging makakalimutin ka ata nitong mga nakaraan na araw." Pabalang kong sabi.

He chuckled. "Hindi naman kasi siya importante kaya 'di ko na iniisip."

"Kinuha mo number niya?"

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon