Forty Four

91K 2.1K 228
                                    

Katatapos ko lang sa pag sha-shower nang mag bukas ang pinto mula sa kwarto namin ng asawa ko. Tumingin ako dun at siya ang nakita ko.

"Baby, may mga bisita ka." He told me.

Mga? Si Maj lang naman ang pinapunta ko ah. Baka kasama si Mar.

"Okay, susunod ako." Sinarado na niya ulit ang pinto.

Pinunasan ko na lang muna ang buhok ko hindi na 'ko gumamit ng blower.

Lumabas din naman agad ako sa kwarto ko, dumiretso ako sa sala at laking gulat ko na makita na hindi lang si Majah ang bisita ko. Nandito lahat ng barkada namin ni Damon.

Ini-expect ko naman na sasabihin ni Maj sa lahat ang tungkol sa pag bubuntis ko pero 'di ko ini-expect na bibisita silang lahat, ngayon.

"BUNTIIIS!" Excited na tawag ni Majah sa'kin nang makita ako.

Tumakbo siya papalapit sa'kin at niyakap ako. "Congratulations, beb!" Sabi niya habang naka yakap sa'kin.

I giggle. "Salamat."

Bumitaw siya sa pagkakayakap niya sa'kin kaya kumaway naman ako sa mga kaibigan namin.

"Buntis! Ikaw ha! Ang lihim mo!" Luisa told me.

I chuckled. "Sorry."

"Ilang weeks ka ng preggy?" Luisa asked.

"Nine weeks."

"Congrats!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Salamat!"

Lumapit na 'ko sa kanilang lahat.

Bumeso lang ako kay Luisa habang nakipag high five lang ako sa boys.

Nakita ko din ang pitong box ng pizza na nakapatong sa maliit na lamesa.

"Ang dami naman niyan." Kumento ko sabay turo sa Pizza.

"Tig-iisa kami ng dala." Natatawang sabi ni Mario.

"Dalawa sa'kin!" Pagtatama ni Majah. "Tulad ng pangako ko." She winks at me.

"Grabe! Guys, buntis nga siguro ako pero tingin nyo ba kaya kong ubusin 'yan?"

"We can help you with that!" Lucas offered.

"Dude, para kay Amber 'yan hindi para sa'yo!" Raffy said.

Lucas shrugged, smiling. "Nag su-suggest lang."

"I think tama si Lucas. Share na lang tayong lahat dyan." Pagsangayon ko sa suggest ni Lucas.

Nilibot ko ang tingin ko sa sala pero hindi ko makita ang asawa ko.

"Where's my husband?" Tanong ko sa lahat.

"I'm here baby!" Dinig kong sabi ni Damon mula sa likod ko. Nilingon ko siya at nakita ko siyang may bitbit na mga beer.

Mag iinuman pala sila.

Inabutan niya isa-isa ang mga kaibigan namin ng beer tsaka naman kami pumwesto sa pag upo. At dahil bawal na 'kong uminum ngayon, pizza na lang ang kakainin ko.

"Baby, nasaan si Mama?" Tanong ko habang ngumunguya.

"She offered na mag luto for us. Nasa kusina siya."

"Mmm."

"Amber," Tawag sa'kin ni Lucas.

"Bakit?" Tanong ko.

"May boyfriend ba 'yung ka-trabaho mo?" Tanong niya sabay inum ng beer.

"Si Joanne ba? Wala! Bakit?"

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now