Twenty Two

98K 2.6K 202
                                    

Nag simula na kaming mag swimming, syempre dito lang kami sa abot namin. Itong asawa ko kasi ayaw niya talagang mag pahila sa malalim. Tsk. 'Di ko tuloy magamit swimming skills ko. Kapag lalayo naman ako, nagagalit siya.

"Baby, kahit dun lang tayo sa abot mo tutal mas matangkad ka naman eh." Pagpupumilit ko.

"Please!" Nag puppy pa 'ko ng eyes para maawa na talaga siya at mapa-payag.

He sighed. "Sige na nga." Napilitan niyang sabi kaya napatili ako sa tuwa.

Sinimulan ko na siyang hilain sa malalim part ng tubig hanggang sa abot niya lang syempre. Nakarating kami hanggang sa  bandang neck niya, habang ako naman kung hindi ko ilalangoy paa ko lulubog ako.

Pinulupot ko 'yung binte ko sa bewang ng asawa ko tsaka ko ipinatong ang mga braso ko sa balikat niya. Iniyakap naman niya sa bewang ko 'yung mga kamay niya.

Nakatitig lang ako sa labi niya habang naka ngiti, habang siya ay ganun din. He started to hummed a song at 'yun ay ang making out anthem namin na Body Party na nag palaki ng ngiti ko.

"Nobody's invited but you maybe," Sinabayan ko ng lyrics ang pag-hum niya kaya napangiti siya. I bite my lower and kissed him on his lips kaya nahinto siya sa pag-hum dahil sa pagbalik ng halik sa'kin.

Naramdaman ko ang kamay niya unti-unting iniaangat papunta pa sa breast ko nahinto lang dahil may dumating na malaking alon kaya napag hiwalay kami. Kita sa kanya ang pagkadismaya dahil sa pagka-bitin kaya 'di ko maiwasang matawa.

"Tingin ko tama na muna para sa swimming." He said.

I giggle. "Sige."

Nag simula siyang maglakad habang ako nilangoy ko hanggang sa abo't bewang kaya nauna ako sa kanyang makarating ng pangpang. Nauna ako bumalik ng Tent kumuha ako ng towel at umupo sa labas ng Tent habang hinihintay ang asawa ko.

Pinagmasdan ko ang asawa ko habang nag lalakad ito papalapit sa direksyon ko. Ang hot niya, shirtless kasi. Tss. Pag ako ayaw niyang pumayag mag tanggal ng sando pero siya todo pakita ng katawan.

"What's with the pouting?" He asked, smiling.

I shake my head. Baka kasi magalit siya kapag sinabi ko 'yung nasa isip ko.

Tumabi siya sa'kin at naki-share na towel na naka harang sa dibdib ko.

"Do you want to eat?" He asked kissing my shoulder.

"Mmm." I hummed nodding.

Pinunasan niya muna ng towel ang basa niya buhok tsaka siya kumuha ng kakainin namin. Ilang sandali lang bumalik siya sa tabi ko bitbit ang isang plato na nag lalaman foods namin. Share na kami sa isang plato.

May bitbit din siyang beer para lang sa kanya.

Sinimulan ko ang pagkain at una kong pinagtripang kainin ay ang pamburito kong lumpiang shanghai. Ni-request ko 'to kay Mama.

"Ang takaw mo talaga, baby." Kumento ng asawa ko mula sa pang lima kong lumpia.

"Grabe ka!" I said chewing.

He chuckled. "Gusto mo?" He's referring to his beer.

"Mamaya na, bago matulog."

"Mmm." Ininum niya ulit ang beer niya hanggang maubos tsaka siya naki-share sa foods hanggang sa maubos namin 'to.

After naming kumain, we decided na mag banlaw na dahil mag ga-gabi na at ayaw niya daw akong lamigin. Sabay kaming dalawa na mag banlaw kaya naiwan ang Tent namin ng walang bantay pero sinigurado namin na safe siyang iwan para 'di kami manakawan.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now