Twenty Nine

87.3K 2.1K 296
                                    

Nasa tapat na 'ko ngayon ng Apartment. But i decided na mag stay pa muna dito sa loob ng kotse ko habang nakayuko at tuloy-tuloy pa din ang luha ko sa pag tulo.

Simula ngayon, ayaw ko na ng bed time story niya.

Nakakainis talaga siya! Nakakaiyak ang sobra-sobra kong pagkainis sa kanya. Ang sakit sa puso kapag na i-imagine ko siyang kahalikan si Lexi. Hindi ko akalaing gagawin niya 'to! Akala ko nawala na ang pagiging Playboy niya pero nandun pa din pala talaga. Siya padin si Damon the playboy Lawrence.

Nakarinig ako ng katok mula sa bintana na bumasag sa pagiisip ko. Ini-angat ko ang ulo ko at nakita ko si Majah.

Pinunasan ko ang luha ko gamit lang ang kamay ko tsaka ko binuksan ang pinto sa kotse.

"Anong ginawa mo dito? Are you okay?" Pagaalala niya.

Hindi ako sumagot. Kinuha ko nalang 'yung bag ko sa passenger seat tsaka ako bumaba ng kotse.

"Dito muna ako."

"Bakit?"

"Nag away kami ni Damon."

"Mukhang malalang away 'yan dahil pumunta ka pa dito at may bitbit na gamit." Kumento niya.

Tumango lang ako bilang tugon.

Nag simula na 'kong mag lakad papasok ng Apartment, habang naka sunod lang si Maj. Bago pa kami tuluyang makapasok, nakarinig kami ng busina ng kotse.

Nilingon ko 'yun at nakita ko ang kotse ng asawa ko. Bumaba siya ng kotse kahit hindi nakapatay 'yung makina ng kotse.

Tumakbo siya papalapit sa'kin at huminto lang ng makatayo sa harap ko.

"Mauna na 'ko sa loob." Maj said.

Hinintay muna ni Damon na makapasok si Maj sa Apartment bago tuluyang mag salita.

"Baby, please naman oh. Umuwi na tayo." He begged.

"Umuwi ka na!" Pagtataboy ko.

"No! Hindi ako uuwi hangga't hindi ka kasama."

"Edi manigas ka dyan!" Tumalikod na 'ko at aakma na sana ulit pumasok pero hinawakan niya 'yung kamay ko para pigilan ako.

Hinila ko agad ang kamay ko at hinarap na naman siya. "Damon, hindi ba pumapasok sa utak mo na gusto ko ng space? Kaya umuwi ka na!"

"No! You don't need that."

"I do. Need. That. Go home!"

He kneeled down.

"Hindi mo 'ko madadaan sa pa luhod-luhod mo, Damon. Umuwi ka na!"

He shakes his head, looking down.

Tumalikod nalang ako, binuksan ko na 'yung pinto pero bago pa 'ko makapasok narinig ko siyang nag salita.

"Iiwan mo na ba 'ko?"

Hinarap ko siya. Nakaluhod pa rin siya habang naka yuko.

"Tingin mo ba magagawa ko 'yun? Kahit napaka gago mo, tingin mo ba magagawa kitang iwan?"

He looked up at me and i saw him crying. "Oo, after nang ginawa ko."

Kinagat ko ang lower lip ko dahil nag ba-badyang tumulo ang mga luha ko.

"Pwes mali ka! Kung ikaw nagawa mong makalimutan panandalian na asawa na kita dahil sa pagseselos mo kaya nakipag halikan ka na sa ibang babae, ako hindi. I just need time kaya umuwi ka na."

Tuluyan na 'kong nakapasok ng Apartment. Sa pag sara ko ng pinto, sumandal lang muna ako dito. Pinakiramdam ko ang asawa ko na nasa labas. Sana naman umuwi na siya. Oo nga galit ako pero ayaw ko namang mag hintay siya sa labas mag damag.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now