Seven

161K 4K 208
                                    

Habang busy ang asawa ko sa pagluluto niya dahil toka niya na mag luto ng dinner para sa'min. I decided na mag shower muna para hindi siya guluhin sa pag luluto niya.

Sa pag tapos ko namang mag shower, kumuha agad ako ng pwedeng ipangtulog ko mamaya. T-shirt niya syempre ang napili ko tsaka ko 'to isinuot.

"Mrs. Lawrence," Dinig kong tawag sa'kin ng mahal ko, sakto sa pagtapos kong mag bihis.

Tumingin ako sa kanya at ewan ko ba napapangiti talaga ako kapag nakikita siyang may suot na apron. Ang cute kasing tignan sa kanya.

"Ano 'yun Mr. Lawrence?" Tanong ko.

"Luto na 'yung dinner, gusto mo na bang kumain?"

"Yup!" Isinabit ko lang 'yung tuwalyang gamit ko tsaka ako lumapit sa asawa kong gwapo.

Umakbay siya sa'kin, habang ang kamay ko ay inilagay ko sa bewang niya. Sabay kaming naglakad papuntang dining at sa lamesa nakita ko na 'yung niluto niya. Ako ang unang umupo sa silya habang siya itinabi muna 'yung suot niyang apron.

Pag upo niya sa tabi ko sinimulan naman agad namin ang kumain habang nakapatong 'yung binte ko sa legs niya.

"Nakapag usap na ba ulit kayo ni Lexi?" Pag o-open ko ng topic habang kumakain.

"Hindi pa. Magka-iba naman kami ng department eh. Sa Production ako, siya naman sa Marketing."

Alam niya talaga 'yun ah! Sabagay baka natanong na din niya 'yun kay Lexi.

"Mmm." I just hummed.

"Nag seselos ka pa din ba dun kay Lexi?" Nakangisi niyang tanong.

"Oo. Nakalimutan mo na bang nilapitan niya 'ko noon para sabihing gusto ka niya." Nag away pa nga kami nun eh.

"Ang tagal na nun."

"Parang kailan lang sa'kin."

He chuckled. "Mukhang nahahawa ka na sa pagiging seloso ko ah."

I just pout. Bigla niya 'kong hinalikan sa labi ng mabalis dahil sa pag pout ko. So, bilang ganti hinalikan ko din siya. Hihi.

Nang matapos kaming dalawa sa pagkain ako na ang nag hugas ng pinagkainan namin habang 'yung asawa ko mag sha-shower muna. Sa pag tapos ko namang linisin ang lababo at lamesa pumunta muna akong sala para dun tumambay habang nakikinig ng music sa Dvd player at nag babasa ng novel book.

Hindi ko alam kung gaano na 'ko katagal na nag babasa dito sa sala ng biglang tumabi sa'kin ang asawa ko at hinalikan ang balikat kaya napunta din sa kanya 'yung focus ko tsaka niya pinakita 'yung cellphone ko.

"Si Majah tumatawag sa'yo." He said. Kinuha ko 'yun at kinausap si Maj sa kabilang linya.

"Oh napatawag ka? Nag away ba kayo ni Mario?"

Damon laughed at my words, iniligay ko lang 'yung pointing finger ko sa labi ko para sabihing wag siya maingay. Tsaka sinenyasan ko din siya na hinaan 'yung music.

Tumayo din naman siya agad at sinunod 'yung sinenyas ko.

"Sira! Hindi nu! Bakit 'yun ba lagi itinatawag ko sa'yo?"

"Oo! Kulang nalang gawin mo 'kong si Dj Chacha para labasan ng hinanakit mo kay Mar eh." I joke.

"Ewan ko sa'yo! Tumawag ako kasi hinihingi ni Ian number mo, ibibigay ko ba?"

Shit! Oo nga pala sinabi ni Ian na kay Maj nalang niya hihingiin number ko. Haay! Kaloka!

Tumingin ako sa asawa ko, nakatingin lang siya sa'kin na tila inaalam kung anong pinaguusapan namin. "Hinihingi daw ni Ian number ko." Sabi ko sa kanya.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now