Eleven

123K 3K 159
                                    

Papasok na kami ngayon sa trabaho ng asawa ko. Medyo bitin sa tulog dahil maliban sa late na kaming nakauwi kagabi mula sa Apartment. Late pa kami nakatulog.

Feeling ko tuloy aantukin ako nito sa trabaho, 'wag naman sana ang dami ko pa namang tatapusing trabaho para matuloy ang bakasyon ko.

"Mukhang inaantok ka pa ah." My husband comments.

"Yah." Pag-amin ko.

"Ihahatid nalang kita."

"Hindi na, baka ma-late ka pa."

"Ayos lang, baka mamaya niyan antukin ka pa sa pagmamaneho at maaksidente ka pa."

"'Wag na."

"Baby, 'wag na makulit! Ihahatid kita!"

"Sige na po." I give up. Mamaya magalit pa 'to eh.

Dumiretso kaming dalawa sa kotse niya at sa pag start niya ng makina sinimulan na namin ang byahe. Habang nasa byahe kami 'di ko maiwasang antukin lalo na't tahimik kami sa byahe.

"Baby," Tawag ko sa kanya habang focus siya sa pagmamaneho.

"Bakit?"

"Magsabi ka nga ng kahit na anong kapilyuhan, gusto kong magising."

He laughed, softly. "Tapos 'pag nag sabi ako ng kapilyuhan hahampasin mo 'ko."

"Promise, hindi ko gagawin 'yun ngayon." Tinaas ko 'yung kanang kamay ko para convincing pero ang totoo depende 'yun sa sasabihin niyang kapilyuhan.

"Sige," Saktong naabutan kami ng traffic kaya tumingin siya sa'kin at naka ngisi ng mapangasar. "Tumataba ka na, baby."

My mouth fells open, shockingly. What the... Tumingin ako sa katawan ko dahil sa pagkabiglang kumento ng asawa ko sa katawan ko. Okaaaaay, effective pang pa gising 'yun.

I looked at my husband. "'Di nga?"

Tumawa siya ng malakas. "Biro lang baby."

Hinampas ko siya sa braso niya. "Siraulo ka talaga!"

"Aww!! Akala ko ba 'di ka mananakit?"

"Dapat i-expect mo na 'yan dahil sa biro mo!"

"Gumana namang pang pa gising diba?" Natatawa niyang sabi.

I just rolled my eyes. Puro talaga siya kalokohan!

Nang finally makarating kami sa office ko...

"Susunduin kita mamaya, hintayin mo 'ko ah." My husband said bago pa 'ko bumaba.

"Sige, i-text mo 'ko kapag papunta ka na." Tumango lang siya bilang sagot. Hinalikan ko lang siya ng mabilis sa labi niya bago ako tuluyang bumaba ng kotse.

"Ingat sa pag mamaneho baby, gagawa pa tayo ng little Lawrence." I playfully said.

He laughed. "Sige gagawa tayo ng twelve little Lawrence."

"Two little Lawrence!" Pagtatama ko. Grabe! Pinu-push talaga niya 'yung twelve ah!

"Sige, two lang muna to be follow nalang 'yung ten." Sinarado ko nalang 'yung pinto ng kotse dahil mukhang hindi na naman matatapos ang mga kapilyuhan niya kapag pinatulan ko pa.

Nag simula nalang ako sa paglalakad hanggang sa maranig kong siyang sumigaw. "I love you baby!"

I face him and blow him a kiss. "I love you too baby."

Pinag patuloy ko na ang paglalakad papunta sa office ko at nang makarating ako diretso na 'ko sa table ko para makapag focus naman sa trabaho.

Salamat sa biro at kapilyuhan ng asawa ko nagising ng tuluyan ang diwa ko.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now