Thirty Five

97.4K 2.4K 186
                                    

Pauwi na 'ko sa Apartment habang naka sakay sa taxi. Pinilit ni Damon na ihatid ako kaso nag matigas ako kasi kung ihahatid pa niya 'ko ganun din sa separate car kami sasakay 'pag umuwi at galit-galitan mode pa din ako.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko sa hindi ko alam na dahilan. Well siguro dahil 'to sa maganda ang simula ng araw ko kasama ang asawa ko at sana walang sumira.

Nang makarating ako sa Apartment. Nag bayad lang ako ng pamasahe ko tsaka ako bumaba ng taxi.

Dumiretso ako sa pag pasok ng Apartment, kung saan naabutan ko si Mario at Majah na magka-cuddle.

"Nakauwi ka na pala." Maj said.

"Mmm-hmmm. Umuwi lang ako para kunin na 'yung gamit ko."

"Babalik ka na ng Unit nyo?"

"Yah! Tama ka naman sa sinabi mo na magkaka-ayos lang kami kung babalik na 'ko."

"Ayos na ba kayo?"

"Well, hindi na kami nag aaway 'pag nag uusap kaya tingin ko naman slowly nagkaka-ayos na kami."

"Good to hear that!"

"Papasok na 'ko ng kwarto."

"Okay!"

Nag lakad na ulit ako papasok ng kwarto ko. Inaayos ko lahat ng gamit ko at nilagay 'to sa bag. After kong gawin 'yun, kumuha ako ng towel at pangpalit na damit para dalhin sa bathroom dahil plano kong mag shower muna bago umalis.

Lumabas na ulit ako ng kwarto at dumiretso sa bathroom. Sinabit ko lang ang damit at towel na hawak ko tsaka ko sinimulang mag shower.

After kong mag shower, nag bihis lang agad ako tsaka ako lumabas bathroom at bumalik din naman agad sa kwarto ko.

Pag balik ko, pag-aasikaso naman sa pag-alis ang gagawin ko. Hahayaan ko nalang na matuyo ang buhok ko habang on the way ako papuntang Unit.

Binitbit ko na 'yung mga bag ko tsaka ako nag lakad papalabas ng kwarto ko. Sakto din naman na lumabas si Majah sa kwarto niya.

"Aalis ka na?" Tanong niya.

"Oo! Monthsary kasi din namin ngayon kaya maaga akong aalis."

"Okay, ingat ka." Bumeso lang siya sa'kin tsaka ko naman tinuloy ang mag lakad palabas ng Apartment.

Dumiretso ako sa kotse ko. Binuksan ko lang ang pinto sa backseat tsaka nilagay ang mga nag ko dito. Sumakay naman agad ako sa driver's seat at ini-start ang makina ng kotse tsaka ko sinimulan ang byahe pauwi ng Unit.

Pag dating naman ko naman sa parking ng condo. Bumaba ako ng kotse bitbit ang bag ko tsaka ako mag lakad papuntang elevator. Sa pag bukas nito, sumakay din naman agad ako hanggang sa nakarating ako sa tamang floor.

Nang makarating ako sa pinto ng unit may nakapaskil dito na isang papel na may naka sulat.

DOORBELL KA MUNA MRS. LAWRENCE.

Napa taas kanang kilay ako sa nabasa ko. Anong trip nito?

Since masunurin ako, nag doorbell ako pero binuksan ko agad din naman ang agad ang pinto kasi ang bigat ng bag na dala ko.

Sa pag bukas ko ng pinto sinalubong ako ng asawa ko na halos madapa sa pag mamadali.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko.

"May inasikaso lang." Hingal niyang sabi. Lumapit siya sa'kin ay kinuha 'yung bag na bitbit ko.

"Welcome home, baby."

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now