Eight

155K 3.4K 113
                                    

Naramdaman ko ang paghaplos sa pisnge ko na dahilan para magising ako mula sa pagkakatulog. As i open my eyes, i saw my husband.

"Good morning Mrs. Lawrence." He greeted, smiling.

"Nag alarm na ba?" Tanong ko.

"No, not yet. Mas maaga akong nagising sa alarm kaya naisip kong gisingin ka."

"Mmm." I just hummed, closing my eyes again. Inaantok pa kasi talaga ko eh.

Naramdaman ko ang labi ng asawa ko na lumapad sa cheek ko pero 'di ko pinansin 'yun at na nanatili lang nakapakit. "I love you." He whispered.

"Mmm." I hummed.

This time 'yung neck ko naman ang naramdaman kong hinalikan niya. "I love you." He murmured.

Haay! Siguradong hindi 'to titigil nang ka-ka-i love you hangga't hindi ako sumasagot.

"Baby, mahal din kita pero please patulugin mo pa 'ko ng five minutes."

I heard him chuckled. "Masusunod, Mrs. Lawrence."

See? Ganyan 'yan eh. Samantalang dati ang tagal bago ko narinig sa kanya 'yan, ngayon siya na madalas ang nagsasabi. Haha!

Wala na 'di na 'ko makakatulog nito.

Minulat ko na ulit ang mga mata ko at nakita kong mukhang babangon ng kama ang asawa ko. Hinawakan ko siya sa kamay para pigilan na dahilan din para tumingin siya ulit sa direksyon.

"Stay! I still want to enjoy your warmth arms." Paglalambing ko.

Ngumiti siya bilang tugon sa sinabi ko tsaka siya humiga ulit sa tabi ko. Pinagamit niyang unan ang isa niyang braso habang 'yung isa naman ay iniyakap niya sa'kin.

Hmmm... gusto ko talaga pag nasa bisig niya.

"Hindi ka na ba inaantok?" Tanong niya.

"Dahil sa pilyo kong asawa mahihirapan na talaga akong makabalik sa pagtulog."

He kissed my forehead. "Sige. Ganito lang tayo habang hinihintay 'yung alarm."

"Mmm."

Just like what he said, magkayakap lang kaming hinihintay na mag ingay 'yung alarm clock namin. Pero mabilis lang na dumating 'yung oras. Si Damon ang nag patay ng alarm tsaka kami sabay na bumangon sa kama.

Ako ang unang lumabas ng kwarto namin habang nag pupusod ng buhok ko. Dumiretso ako sa kusina para naman simulan ang pagluluto ko ng breakfast namin.

Ngayong naka bangon na 'ko feeling ko tuloy bigla na naman akong inantok. Para magising ako naisip kong mag patugtog ng music pangtanggal antok. Pumunta muna ako ng sala dahil naalala kong iniwan ko 'yung cellphone ko dun kagabi after ng maliit na away namin ni Damon.

Pagkuha ko ng cellphone sa lamiseta bumalik na 'ko sa kusina at pinatugtog ang kanta ni Meghan Trainor na Lips are Movin.

Itinabi ko lang sa lamesa 'yung cellphone ko. Habang i-ni-enjoy ko ang bawat beat ng music, sinimulan ko na ang pagluluto ko na may kasamang pagkanta at very light na sayaw.

Habang busy ako sa pag sasayaw- i mean sa pagluluto pala. Nahinto ako sa pagsasayaw dahil naramdaman ko ang pag hawak ng asawa ko sa bewang ko kaya humarap ako sa kanya. Ano ba 'yan nag e-enjoy ako eh. Haha!

"Ang galing naman gumiling ng asawa ko." He comments, jokingly.

Gumiling? Eh pang hip-hop nga 'yung sinasayaw ko. Haha!

"Hindi naman ako gumigiling ah?"

He laughed. "What i mean is... ang galing mong sumayaw."

"Sus! Pati ba naman sa pagsasayaw ko bo-bolahin mo pa 'ko?" Ngumiti lang siya sa sinabi ko tsaka niya hinawakan ang magkabila kong pisnge at hinalikan sa labi.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now