Thirty Eight

79.7K 2K 301
                                    

Nasa harap lang ako ng salamin habang nag a-apply ng light make-up for work. Hindi pa din mawala sa labi ko ang ngiti dahil sa balitang nagdadalang Lawrence na 'ko.

I can't wait na mag pa checkup para malaman ko na kung ilang weeks na si Little Lawrence sa tummy ko.

After kong makapag handa sa pag pasok ko sa trabaho. Lumabas na 'ko ng kwarto. Dumiretso ako sa sala dahil dun ako hinihintay ng asawa ko. Pero pag dating ko naman ng sala wala siya dun kaya na isip kong pumunta naman ng kusina at dun ko nga siya nakita at narinig pa na may kausap sa cellphone nito.

"I don't give a shit! Wala na tayong paguusapan! Pwede ba tigilan mo na ang kakatawag sa'kin?! Tigilan mo na 'ko! Kaka-ayos palang namin ng asawa ko at hindi ko hahayaang sirain mo ulit 'yun-"

"Damon," Tawag ko sa kanya kaya naputol ang pakikipag usap niya sa kung sino man 'yun.

Lumingon siya sa'kin ng may halong gulat at kaba akong nakitang reaksyon sa mukha niya.

"Sino 'yang kausap mo?" Tanong ko.

"Uhm uh ano si uhm uh si Lexi." Hobby ba talaga ng babaeng 'yun na sirain ang mood ko? Well congratulations sa kanya, consistent siya!

"Tinatawagan ka niya ng ganitong oras?"

He shakes his head. "Ngayon lang 'to."

"Bakit daw?"

"Gusto niya daw magkita kami bago pumasok, pero hindi naman ako pumayag."

"Dapat lang!" Napa buntong hininga ako dahil sa inis na nararamdaman ko.

May magandang balita nga tungkol sa Little Lawrence namin eto namang si Lexi biglang maninira! Bwiset!

"Baby don't mind her okay?"

"Paano ko gagawin 'yun? Kung tumatawag pa siya sa'yo?!"

Nag lakad siya papalapit sa'kin at Inabot niya ang cellphone niya. "Magpalit muna tayo ng cellphone hanggang sa makabili lang ako ng bagong simcard."

Kinuha ko 'yun. "Sige." Pagsangayon ko.

Nag lakad na 'ko papuntang sala dahil nandun ang bag ko. Ramdam ko lang ang pag sunod niya sa'kin.

Kinuha ko sa couch 'yung bag ko at 'yung cellphone naman mula sa loob ng bag ko tsaka ko 'to inabot sa kanya.

"Baby let's not fight about her again, okay?" He said.

"Ayokong mangako Damon." Naiinis na nga ako marinig palang pangalan niya eh.

"Just try."

"Okay."

Hinawakan niya 'yung kamay ko at iniyakap niya ako sa kanya. "Ayoko talagang nagagalit ka sa'kin, lalo na ngayong may Little Lawrence na. Please, 'wag na tayong mag away."

"Maniwala ka, 'yan din ang gusto ko. Mahirap nga lang panindigan 'yan dahil may history ka ng ginawang kalokohan."

"I know. I'm really sorry Mommy."

Bigla naman akong napa ngiti dahil sa narinig kong tinawag niya sa'kin. Mukhang na dagdagan na naman siya ng ipanguuto sa'kin.

Bumitaw na 'ko sa pagkakayakap niya sa'kin. "Mabuti pa umalis na tayo. Baka ma-late pa tayo sa trabaho. Ihahatid din pala kita ngayon sa office mo dahil, coding ka."

He shakes his head. "Ako ang mag hahatid sa'yo. Ayokong mapagod ka dahil baka pati si Little Lawrence mapagod."

Inabot niya sa'kin ang kamay niya. "Akin na ang susi ng kotse mo. Simula ngayon bawal ka ng mag drive. Ihahatid at susunduin na kita mula ngayon."

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now