Nineteen

97.8K 2.6K 170
                                    

Bumitaw agad ako sa halik na binigay ko sa kanya tsaka nag simulang mag lakad papuntang elevator. Talo ako! Well, 'yun din naman ang plano kong gawin eh pinapatagal ko lang ng kunti kaya lang hindi ko na rin kasi napigilan sarili ko eh dahil sa pagseselos.

Haay! Bakit ganito nalang ang epekto ng selos sa'kin sa babaeng 'yun? Siguro dahil maganda siya at may gusto siya sa asawa ko, dati. Ngayon pa din kaya, kahit na may asawa na 'to? Haay! Makakampante lang ako kapag nalaman kong may idini-date na 'yung babaeng 'yun.

"Baby," Dinig kong tawag niya sa'kin. Huminto lang ako sa pag lalakad nang makarating ako sa tapat ng elevator. "Baby," Tawag niya ulit nang makalapit siya.

"Ta-" Pinahinto ko siya sa pag sasalita sa pamamagitan ng pag tapat ng kamay ko sa mukha niya.

"I know talo ako, 'wag mo nang ipa-mukha!" Pikon kong sabi.

He laughed. "Sayang naman may naiisip pa naman akong paraan na pangaakit para sumuko ka na agad."

"Ayoko nang alamin kung ano 'yun." Saktong nag bukas ang elevator kaya pumasok na agad ako. Sumunod lang sa'kin ang asawa ko tsaka ko naman pinindot kung saan kaming floor.

Tahimik lang si Damon habang nandito kami sa elevator at gusto ko 'yung pananahimik niya. Sana mag tuloy-tuloy dahil baka kapag nag salita pa siya about pagkatalo ko baka mapikon ako lalo.

Nang makarating kami sa tamang floor, pumasok na agad kami sa Unit. Dumiretso ako sa kwarto habang naka sunod lang sa'kin si Damon.

Hinubad ko lang 'yung sandals damit ko tsaka ako nag tapis ng tuwalya sa katawan ko. Hinarap ko 'yung asawa ko na, naka sandal lang siya sa gilid ng pinto habang naka titig sa'kin at bitbit padin niya 'yung bag ko at bag niya.

"What?" I asked crossing my arms.

He shrugged. "Hinuhulaan ko lang kung saan ka badtrip, sa pagseselos mo kay Lexi or sa pagkatalo mo."

"Pareho!" Tumalikod na ulit ako at sinimulang mag lakad papasok ng bathroom pero bago ko isinara ang pinto nag salita muna ako.

"Palamigin mo muna ulo ko." Sinara ko na 'yung pinto. Isnabit ko lang 'yung tuwalya at sinimulan na ang shower. Nang matapos naman ako, lumabas naman agad ako at wala akong nakitang kahit na anong sign ni Damon. Siguro nag luluto na 'yun.

Nag bihis na muna ako at nag patuyo ng buhok, nang parehas kong magawa 'yun lumabas ako ng kwarto bitbit ang librong hindi ko pa natatapos. Dumiretso ako sa sala, nilapag ko sa lamiseta 'yung libro at nag patugtog muna sa Dvd player namin. All Taylor Swift songs ang naisip kong patugtugin.

Umupo na ako sa couch tsaka kinuha 'yung libro at sinimulan na ulit itong basahin kung saan ako natapos kagabi.

Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa pagbabasa hanggang sa narinig kong tinawag ako ni Damon.

"Baby,"

Tumingin ako sa direksyon niya at may hawak na paper flower.

"Malamig na ba ulo mo?" Tanong niya. Nag lakad siya papalapit sa'kin at inabot 'yung papel na bulaklak. "Bati na tayo?"

"Hindi naman tayo nag away ah."

"Oo nga pero mainit naman ulo mo sa'kin."

Huminga ako ng malalim. "Tama ka."

Sinaradi ko na 'yung libro ko at nilapag ito sa lamiseta tsaka ko kinuha 'yung paper flower sabay tayo. Ngumiti siya sa'kin pagkakuha ko ng bulaklak tsaka ako inakbayan.

Sabay na kaming nag lakad ng papunta sa dining at dun nakita namin ang niluto ng asawa ko para sa'min.

Nilapag ko lang sa tabi ng plato ko 'yung bulaklak tsaka kami sabay na umupo. Pinaghain pa niya 'ko, nag lalambing siguro dahil badtrip ako kanina kaya todo siya asikaso sa'kin.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon