EPILOGUE

124K 2.7K 547
                                    

3 Years After...

Narinig ko ang isang malakas na giggle ng anak ko na dahilan para magising ako sa pag tulog. Pero nananatili lang akong nakapikit at nag kunyaring tulog.

Naramdaman ko pag halik niya sa pisnge ko. "Mama!" Pag gising niya sa'kin.

Nakuha niya ang pag halik sa pisnge ko bilang pag gising dahil sa Daddy niya. Nag mana sa ka-sweetan ng Tatay niya ang baby boy namin. Yup! Ang pangarap kong baby boy ay binigay sa'kin at ang binigay ni Damon na name sa Little Lawrence namin ay...

Laurence Lawrence.

Masyado niyang pinagisipan ng malalim ang pangalan ng anak namin. Sa sobrang pagiisip niya sumakit ang tyan ko kakatawa.

He kissed my cheek again. "Sing na Ma!"

I giggle as i heard him na nabubulol. Just to clarify hindi niya ako pinapakanta. Ginigising niya ako.

I open my eyes and look at him, smiling. Ang gwapo-gwapo talaga ng anak ko. Hindi ko 'to sinasabi dahil anak ko siya, kundi totoo talaga. Kamukha siya ni Damon. Lahat ng friends namin nag agree na talagang carbon copy siya ni Damon.

"Okay Sweetheart, Mommy is awake."

Tumakbo na agad siya palabas ng kwarto dahil nagawa na niya ang pakay niya na gisingin ako.

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko habang humihikab pa. Bumangon na 'ko ng kama at inayos lang ang kama namin.

After kong ayusin ang kama nag lakad na ako palabas ng kwarto.

"Boys, where are you guys?" Tanong ko pag labas ko ng kwarto. Kaso wala namang sumagot sa'kin. Dumiretso ako sa sala pero hindi ko naman sila dun nakita.

Are they playing hide and seek again? usually kasi lagi silang na sa sala kapag tulog pa 'ko kaya nakakapag takang wala sila dito.

Lagi nila 'tong ginagawa kapag walang pasok sa trabaho si Damon. Ako nalang lagi ang taya nila, hindi na bale. Masaya din namang maging taya dahil pag nahanap ko sila may kiss na kapalit. Pero syempre ang laging unang nag papahanap ay ang asawa ko para makapag good morning kiss din sa'kin.

Dumiretso ako sa kusina baka sakaling nandun sila at hindi naman ako nagkamali. I saw my husband na katatapos lang mag luto habang may apron pa na suot. 'Yan ang lambing sa'kin ng asawa ko. Kapag wala siyang pasok at maaga siyang magising siya na ang nag luluto para sa'min.

Habang 'yung anak ko ay nakaupo na at handa ng kumain. Now i know kung bakit pinipilit niya akong gisingin kanina.

"Good morning my loves." Bati ko sa kanila kaya na patingin sila sa direksyon ko.

"Good morning Mommy." They both greeted.

"Where's my kiss?" I asked.

Sabay silang lumapit sa'kin. Pero ang unang nakayakap sa'kin ay ang anak kong copy paste ng mukha ng Tatay niya. Lumuhod ako para lumevel sa height niya tsaka niya ako hinalikan ulit sa pisnge.

Tumayo naman ako para ang asawa ko naman ang halikan ko. Pero bago 'yun niyakap ko muna ang asawa ko ng mahigpit.

"Good morning Mommy Lawrence." Pabulong na bati ng asawa ko.

"Good morning too Daddy Lawrence." I greeted back.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin at mabilis na hinalikan ako sa labi.

"Kain na tayo?" He asked me.

"Nakapagluto ka na pala." I comment.

"Yup! Maaga akong nagising eh kaya na isip kong mag luto, alam ko naman kasing pagod ka lagi mag hapon kaka-bantay kay Laurence."

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now