Forty One

85.9K 2.2K 143
                                    

I'm at the dining table with my husband. Tapos na niyang lutuin ang lumpia na hiniling ko sa kanya. Hinahain na niya 'to ngayon para sa'kin. Gustuhin ko man siyang tulungan sa paghahain ayaw na naman niya.

"Try and taste it now, baby." He said.

Kumuha na 'ko ng isa at kinain ito. Masarap siya as expected sa asawa ko pero parang iba. I don't know kung ano 'yun. Siguro dahil hindi siya kuhang-kuha ng luto ni Mama, eh 'yung gusto ko 'yung katulad talaga kay Mama. 'Yun ang hinahanap ko.

Umupo si Damon sa tabi ko. "How is it?"

"Masarap siya baby kaso hindi katulad ng kay Mama."

Kumuha siya ng isa at kumain din. "Oo nga, 'di bale baby babawi ako bukas. Tatanungin ko si Mama kung paano niya niluluto 'yung paborito mong lumpia but for now, eto lang muna. Okay ba 'yun?"

I nodded. "Sige, masarap din naman 'to eh."

Sa ngayon pag ta-tyagaan ko muna 'to tsaka may pizza din naman kaya ayos na din.

Sinimulan ko na agad ang kumain, since gutom na gutom na din talaga ako. At dahil nga gutom ako, naka focus lang ako sa pagkain galit-galit muna.

Ako lang ang halos nakaubos ng isang box ng pizza, isang slice lang ang nakain ni Damon habang sa lumpia naman, medyo madami din akong nakain. Siguro kung hindi pa namin alam na buntis ako baka pinagtawanan na 'ko ng asawa ko.

Sa pag tapos naming dalawa na kumain. I offer na ako na ang mag hugas, tumanggi siya pero pinilit ko pa din. Ayokong siya na lang lahat gagawa dito sa bahay dahil lang sa buntis ako tsaka isa pa alam ko namang pagod pa siya sa trabaho niya at dahil na rin sa kamay niya.

Pumunta na lang siya sa kwarto namin para mag shower na habang ako maghuhugas pa muna.

After ko namang mag hugas, nag lakad na 'ko papasok ng kwarto kung saan nakita ko si Damon na katatapos lang mag shower. Shirtless siyang nakaharap sa salamin habang pinupunasan ang basa niyang buhok.

I bite my lower lip and stare at his hot body. Bakit kahit ilang beses ko na 'tong nakita, hindi pa rin ako nag sasawa? Bakit din parang mas lalo siyang naging hot ngayon?

Tumigil sa pag pupunas ng buhok niya at tumingin sa direksyon ko.

"Enjoying the view?" He asked.

"I always do!"

He opens his arms, smirking. "Come here Mrs. Lawrence." He sexily said.

Nag lakad ako papalapit sa kanya at niyakap siya sa bewang niya. My face is on his chest, savoring his scent. Naramdaman ko ang pag yakap sa'kin pabalik ng asawa ko at pag halik naman niya sa balikat ko.

"Let's go to bed now." He whispered.

I smiled, biting my lower lip. "Hindi ka na ba makapag hintay?"

"Yah!"

I kissed his chest then bumitaw ako sa yakap ko sa kanya. "Mag sha-shower muna ako."

He grins. "Okay!"

Kinuha ko sa kanya 'yung towel na ginamit niya tsaka ako nag lakad papuntang bathroom.

"'Wag mong tagalan ah!" Dinig kong sabi niya bago ako tuluyang pumasok sa bathroom.

Excited na naman siya.

Nag proceed na lang agad ako sa pag sha-shower. Binilisan ko lang kasi malamig.

Nang matapos naman ako, lumabas agad ako ng bathroom. Nakita ko ang asawa ko na nakahiga na sa kama, ginagamit niyang unan ang braso niya.

Nag lakad na lang ako papalapit ng closet. Kumuha ako ng T-shirt ng asawa ko at short at sinimulan ko ang mag bihis.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now