Seventeen

102K 2.8K 133
                                    

Nakauwi na kami ng asawa ko mula sa double date namin. Dumiretso kaming dalawa sa kwarto namin para makapag bihis pa muna.

Hinubad ko lang 'yung T-shirt ko at jeans tsaka ako kumuha ng maong short at T-shirt naman ng asawa ko para suotin.

Kung ako bihis na ulit 'yung asawa ko naman hinubad lang 'yung damit niya at sando tsaka binagsak ang katawan sa kama. Napagod ata sa gala namin.

Kinuha ko nalang 'yung pinag hubaran niya at inilagay sa labahan namin kasama nung akin.

Kinuha ko lang din 'yung pinamile naming libro pati cellphone ko tsaka ako tumabi sa asawa ko pero ako nakaupo lang. Plano ko kasing basahin na 'to.

Nag patugtog din ako sa cellphone ko para habang nag babasa nakikinig ako ng music.

Binuklat ko na 'yung libro para simulan ang pagbabasa. Bigla ko din naman naramdaman pag patong ng kamay asawa ko sa tummy ko at pagtanday pa sa'kin kaya na i-focus ko sandali ang tingin sa kanya. Binaling ko na ulit ang focus sa binabasa ko habang ini-enjoy ang kanta ng Donna Lewis na I love you always forever.

Halos na sa kalagitnaan na 'ko ng binabasa nang makaramdam ako ng antok. Nahawa na din siguro ako sa asawa kong ang sarap ng tulog. Nilapag ko muna sa side table 'yung libro at pinatay 'yung music sa cellphone ko.

Humiga na din ako patalikod sa asawa ko habang ini-enjoy pa din ang yakap niya sa'kin mula sa likod tsaka ko ipinikit ang mga mata ko.

Naramdaman ko ang pagkilos ng asawa ko kaya nagising ako mula sa pagkaka-idlip. Nilingon ko siya, nakaupo na siya ngayon habang humihikab pa.

"Baby, anong oras na?" Tanong ko.

"8pm na baby." What? Shit! Gabi na pala. Hinalikan niya 'ko sa pisnge. "Magluluto lang ako ng dinner."

"Okay." Mahina kong sagot. Ipinikit ko nalang ulit 'yung mga mata ko. Narinig ko na 'yung footsteps ng asawa ko 'yung pag bukas din niya ng pinto at pag sara nito.

Dahio feeling ko hindi na rin naman na 'ko aantukin nito dahil gabi na tsaka matutulog pa mamaya kaya naisip ko bumangon nalang din ng kama ko.

Itinali ko lang pataas 'yung buhok ko tsaka ako nag lakad palabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para mapanuod ang Damon-cooking-show.

Hindi pa niya napapansin ang pag dating ko sa kusina, umupo lang ako sa silya para panuorin siya. Nang finally tumalikod siya at mapansin ako, ngumiti siya sa'kin.

"Gutom ka na?" Tanong niya. Pinakiramdaman ko 'yung tummy ko.

"Mmm. Hindi pa naman."

"Ang takaw mo ba naman kanina eh." He comments laughing.

I rolled my eyes. "Isa pang sabi ng matakaw ako, wala kang kiss ng isang linggo!" I warned.

"Kaya mo?" Pabiro niyang paghahamon. Aba't loko 'to ah!

"Kaya ko!" Kaya ko nga ba? Ang adik ko pa naman sa labi niya.

"Bring it on, Mrs. Lawrence."

"Aba! Kung makapag hamon ka parang kaya mo ah!"

"Let's see. I'm up to challenges you know."

"Okay, no kiss for one week." Kayanin ko sana.

"Alright. This is going to be fun." Naka ngiti niyang sabi.

"Don't cheat!" Pagpalaala ko ng may kasamang pag babanta.

He laughed. "Okay, i won't. Pero bago natin simulan ang challenge," Naglakad siya papalapit sa'kin. Pagkalapit niya, inalapit niya 'yung mukha niya sa'kin tsaka ako hinalikan sa labi ko ng matagal. "Pa-kiss muna." He winks.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon