Six

171K 4.4K 207
                                    

"Ian?" Tawag ko sa kanya na hindi pa din makapaniwalang makita siya ulit pero this time dito lang mismo malapit sa trabaho ko.

"Hey." He greeted casually.

"W-what are you doing here?" Nauutal kong tanong.

"M-malapit l-lang t-trabaho ko dito." Ginaya yung pagkakautal ko pero yung kanya halatang pang ti-trip lang sa'kin.

I gave him a friendly glare. Nag peace sign naman agad siya. "Ikaw ba yung nang hihingi talaga ng number ko kanina?" Tanong ko.

"Yup, ako nga yun."

"Bakit iba pa pinahihingi mo?"

"Well, ginaya ko lang yung move na ginawa ko dati para makuha number mo." Oh!! Yun ba yun? Oo nga sa pagkakatanda ko si Andrew ang inutusan niyang humingin ng number ko noon.

"Hindi na gagana sa'kin yan ngayon kasi may asawa na 'ko."

He laughed, softly. "Oo nga eh. Dibale kukunin ko nalang kay Majah." Buti naman yan ang sinabi niya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko if ever ngang hingiin niya mismo sa'kin yung number ko. Alam ko kasing magagalit si Damon pag binigay ko number ko sa lalakeng pinagseselosan niya eh.

Alam kong sinabihan ko na siya na bawasan ang pagseselos kay Ian pero alam kong hindi parin niya magugustuhan na ibigay ko number ko kasi di ko rin magugustuhan kung may number siya ni Lexi.

"Saan ka nag ta-trabaho dito? Bakit ngayon lang kita nakita dito sa canteen?" Tanong ko para maiba ang topic.

He pointed the building blocks away. "Ngayon lang din namin kasi naisipang kumain dito kasi punuan sa ibang canteen kaya dito kami napadpad, sakto naman na nakita kita. Eh ikaw? Saan ka nag ta-trabaho?"

I pointed the nearest building.

"Magkalapit lang pala tayo." He comments.

"Oo nga eh." Akalain mo yun.

Joanne cleared her throat kaya sabay kaming napatingin sa kanya ni Ian. "Oh! I forgot, she's Joanne my workmate." Pagpapakilala ko. Dahil sa pagkabigla kong makita si Ian nawala sa isip ko si Joanne.

"Hi, I'm Ian." Nag offer siya ng handshake at inabot naman 'to ni Joanne. Binaling ulit ni Ian ang tingin sa'kin at ngumiti

"Anyways, hahayaan na kitang ubusin yang pagkain mo. Next time nalang tayo mag kwentuhan, hinihintay na rin kasi ako ng katrabaho ko."

"Sige." Matipid kong sabi.

After niyang mag paalam nag lakad na siya papunta dun sa kasama niya.

"Ano mo ba yun?" Tanong ni Joanne.

"Ex. ko."

"Mmm.. i see."

Again, nag focus nalang ulit ako sa pagkain ko na medyo minadali ko na din. Dahil sa naubos ang oras nang lunch break ko sa chikahan namin ni Ian.

Nang matapos naman din akong kumain at yung oras ng lunch break bumalik na kami ng office pero bago yun nagpaalam muna ako kay Ian pero, kumaway lang ako kasi nakatingin lang din naman sila sa dirkesyon namin.

Sa pag dating namin sa office namin, dumiretso na si Joanne sa table niya ganun din naman ako. Kinuha ko yung papers na kailangan ng Boss ko para ipasa na sa assistant niya tulad ng pangako ko kanina kay Mrs. Flores.

"Mrs. Flores, ito na po yung pina-audit ni Ma'am." Sabi ko pagkalapit ko sa table niya. Kinuha niya 'to sa'kin at chineck kung nagawa ko ba lahat.

"Salamat, ibibigay ko na 'to sa kanya."

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt