Eighteen

105K 2.8K 244
                                    

Time to work...

Nasa kotse ko ngayon ang asawa ko dahil plano ko siyang ihatid. Coding na naman kasi siya kaya mag papaka driver muna ako sa asawa ko.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ewan ko kung bakit nakatitig ang asawa ko sa'kin habang nakikinig lang kami ng music ni Issues ni Julia Michaels.

"What?" I asked him.

"Why don't you just give up?" Tinutukoy niya ata 'yung trip naming challenge.

I chuckled. "Bakit ko naman gagawin 'yun?"

"Para mahalikan mo na ulit ako."

"Para makahalik na 'ko ulit sa'yo o makahalik ka na ulit sa'kin?"

"Both! Wala namang lugi sa'tin."

"Kung ganun, bakit hindi ikaw ang sumuko? Ikaw na din nag sabi wala naman sa ating lugi."

He pouts shaking his head. "Hindi na nga kita matalo sa inuman pati ba naman dito?"

I laughed. "Oh baby, you're so funny." Kasalanan ko ba kung mas nauuna siya laging malasing? Haha.

Sa wakas nakarating kami ng work place niya, inihinto ko lang 'yung kotse sa tapat nito.

"Susunduin ba kita mamaya?" Tanong ko sa kanya.

"Mmm. Depende kung hindi ka pagod mamaya sa trabaho."

"Hindi 'yan kaya susunduin kita mamaya."

"Okay." He was about to kiss my lips pero huminto siya at pisnge ko nalang ang hinalikan. Sa pag baba niya ng kotse bago niya sinarado ang pinto nag salita ulit siya.

"Drive safe Mrs. Lawrence, i love you."

"I love you too baby." Nag flying kiss pa muna ako, sinalo niya 'yun at itinapat sa labi niya tsaka siya nag pout at nag make ng fake sad face na parang nag sasabi miss ko na labi mo.

Pag bigyan ko na kaya? No! Wag muna, pasabikin pa natin. Haha.

Isinara niya 'yung pinto ng kotse at sinimulan nito ang mag lakad ako naman inilibot ko din muna ang tingin ko sa paligid ng building, baka kasi makita ko na naman si Lexi pero hindi ko naman siya nakita kaya sinimulan ko na din agad ang byahe baka ma-late pa 'ko.

Nang makarating naman ako sa trabaho ko, pagpark at pagkapatay ko ng makina bumaba din naman agad ako ng kotse.

Nag lakad naman agad ako papuntang office ko at sa pag dating ko, na daanan ko sa table niya si Joanne. Tinapik ko lang siya sa balikat niya bilang pag bati at dumiretso din naman sa table ko. Work work work again. Para sa bakasyon! Next week na 'yun kaya dapat mag sipag.

Nang dumating ang lunch break...

Hinintay lang ako ni Joanne para sabay kaming bumaba. At nang simulan naman namin ang mag lakad papuntang canteen, naalala ko 'yung inuman namin sa Bar.

"Nahatid ka ba ni Ian sa inyo noong nag inuman tayo?" Tanong ko.

"'Yup."

"Pasado na ba?"

"Wala pang isang linggo mula nang magkakilala kami kaya hindi ko pa masasagot 'yang tanong mo."

"Mmm. Sabagay may point ka, pero nanliligaw na ba siya?"

"He asked me kung pwede nga daw and... pinayagan ko na naman."

Aba! Ligawan stage na nga talaga sila.

Nakarating kami ng canteen ni Joanne, nag order lang kami ng makakain namin tsaka naman kami umupo sa lagi naming pinupwestuhan dito sa canteen. Habang mainit pa 'yung pagkain naisip kong i-check ang cellphone ko para tignan kung may text mula sa husband ko.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon