Thirty Four

88.2K 2.5K 224
                                    

Bumalik na kami ni Damon sa table namin. Nag palakpakan ang mga kaibigan namin sa pag-lapit namin na may kasama pang hiyawan.

"Bati na kayo?" Tanong ni Lucas.

"Hindi!" Pagbasag ko sa pagsasaya nila.

"Pero ang sweet nyo na kanina sa dance floor." Mario said.

"Uminum na nga lang kayo!" I told them. Kantyawan daw ba kami?

Umupo nalang kami ni Damon. 'Yung kaninang halos 8 inches niyang layo ng upuan inilapit na niya sa'kin.

Pinag patuloy niya lang ang pag inum niya habang ako, huminto na. Ni hindi ko nga naubos ang beer ko. Itong ugok kong asawa kasi trip na trip atang malasing.

"Hoy magmamaneho ka pa pauwi!" I scolded him.

"Don't hoy me, I'm your husband." He scolded back.

"Okay my playboy husband, pwede bang ihinto mo na ang paginum kasi mag mamaneho ka pa pauwi. Please?" Medyo may pagka-sarcastic ang tono ng boses ko.

Hindi siya sumagot basta pinagpatuloy lang pag inum niya. Pambihira talaga!

Gusto niya ba talaga kaming magkabati? Bakit ayaw niyang makinig?

Sa pag tapos ng inuman namin...

Nag patulong ako kay Mario na alalayan si Damon na maisakay ito sa kotse niya dahil hirap siyang mag lakad sa sobrang kalasingan niya.

Nang ma-i-sakay naman namin ni Mario si Damon sa passenger seat nito. Nag paalam na kami sa mga kaibigan namin.

Sumakay na din ako sa driver's seat para ihatid ang asawa kong lasing.

Pag start ko naman agad ng makina, sinimulan ko agad ang mag byahe. Kung ako focus sa pag mamaneho ang asawa ko naman sa pagtulog niya.

Sana lang magawa ko siyang alalayan mamaya pa akyat ng Unit.

Nang makarating kami sa parking. Pagpatay ko ng makina, bumaba agad ako. Pumunta ako sa pinto ng passenger seat at binuksan ito.

"Damon, we're here wake up!"

Hindi siya nag respond sa sinabi ko. Malalim na siguro ang tulog.

Hinawakan ko siya sa balikat niya para gisingin. "Mr. Lawrence wake up!"

"Mmm." He just hummed.

"Wake up na baby, hindi kita kayang buhatin."

Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at tumitig lang sa'kin.

"Don't just stare Damon, umakyat na tayo."

Hinawakan ko na siya sa kamay niya para hilain pababa. Sinubukan naman niyang igalaw ang katawan niya kaya nakababa siya pero muntikan na siyang matumba buti nalang na alalayan ko agad siya kaya hindi ito natuloy.

Ini-akbay ko ang braso niya, nilagay ko din ang kamay ko sa bewang niya para alalayan na siyang mag lakad. Medyo nahirapan nga lang ako dahil ang bigat niya kaya pati ako halos matumba na buti nalang 'yung sense of balance ko ay okay na okay.

Nang maka sakay namin kami ng elevator, isinandal ko muna siya para makapag pahinga naman sa pag akay sa kanya.

Sa pag bukas naman ng elevator sinimulan ko na ulit siyang akayin papasok ng Unit. Diniretso ko siya sa kama at hiniga.

Hinubad ko lang ang polo niya at sando niya kaya shirtless na siya ngayon. Kinuha ko din sa bulsa ng pantalon niya ang wallet at cellphone niya. Nilapag ko lang 'to sa side table. Sunod ko namang hinubad ang sapatos at medyas niya.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now