Thirty Nine

82.9K 2.3K 477
                                    

Dami kong tawa sa comment nyo sa Chapter 38. Hahaha. Dahil halos hindi puro UD ang comment nyo mag u-update ulit ako. 😚

--

"Amber, mauna na 'ko sa'yo ah! Pupuntahan ko pa 'yung naka pulot ng cellphone ko." Pagpapaalam sa'kin ni Joanne nang dumating ang lunch break namin.

"Saan ba kayo magkikita nung kausap mo?" Tanong ko.

She told me where...

"Really? Pupunta din ako dun ngayon, sabay na tayo?" Tanong ko. Dun din kasi ang binigay ni Lexi na lugar para sa pag uusap namin.

"Anong gagawin mo dun?" Tanong din niya.

"Makikipag kita sa taong dahilan kung bakit sira ang mood ko noong nakaraang linggo."

"I see." She said nodding. "Tara na?"

"Okay."

Sabay na kaming nag lakad paalis ng officie ni Joanne. Dahil wala akong dalang kotse kaya magtataxi nalang muna kami. Dapat pala hinayaan na lang ngayon ni Damon na mag drive ako para sana kahit papaano hindi na kami ma-hassle sa byahe.

Nang maka sakay kami ng taxi nag simula na kaming dalawa sa byahe namin.

Habang nasa byahe kami na isip ko na i-text si Damon para sa plano kong 'to.

** Mr. Lawrence, makikipagkita ako ngayon kay Lexi. I'll explain everything later. I love you. **

I wonder kung anong magiging reaksyon niya sa paguusap namin ni Lexi.

Inabot lang ng kulang-kulang dalawampung minuto ang byahe namin ni Joanne dahil wala naman kaming na daanan na traffic.

Sabay kaming dalawa na bumaba ng taxi at ganun sa pagpasok. Pero papasok palang ako nang marinig ko na nag ring cellphone ni Damon. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita ko ang name na Mrs. Lawrence (Asawaq)♥ ang tumatawag. Ibig sabihin si Damon ang tumatawag.

Huminto ako sandali sa paglalakad at sinagot muna ang tawag nito sa'kin.

"Hello?"

"Where are you?" He asked.

"I'm at the coffee shop. Makikipag meet ako kay Lexi."

"No! Bumalik ka na sa office mo Mrs. Lawrence!" Utos niya.

"No! Sandali lang 'to!"

"Baby ayokong kausapin mo siya!"

"Bakit naman? Natatakot ka ba na baka may sabihin siya sa'kin na hindi mo sinabi sa'kin?"

"What??!! No! Wala akong tinatago sa'yo!"

"Kung ganun naman pala hahayaan mo 'kong kausapin siya."

"Ayoko lang na masira na naman ang mood mo kapag nakausap mo siya. Kakabati lang natin baby at ayokong mag away na naman tayo!"

"Mag uusap lang kami baby at kung talagang wala kang tinatago hindi tayo mag aaway!"

Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim.

"Amber," Dinig kong tawag sa'kin ni Joanne. Nilingon ko siya at nakita kong hinihintay niya ako bago pumasok. "Let's get in."

"Okay!" Finocus ko ulit ang sarili ko sa asawa ko.

"Ibaba ko na 'to, let's just talk later. I love you."

"Be careful, remember may Little Lawrence na sa'yo." Dinig kong pagaalala niya.

"No worries." I reassured.

Ibinaba ko na 'yung tawag tsaka ako nag lakad papalapit kay Joanne. Tuluyan kaming pumasok sa coffee shop.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now