Thirty Seven

87.2K 2.7K 401
                                    

Lumabas ako ng bathroom ng nakatapis lang. Katatapos ko lang kasing mag shower. Pag-labas ko nakita ko ang asawa ko na nakahiga lang sa kama. Na una kasi siyang nag shower kaya nakahiga na siya.

Since okay naman na talaga kami kaya hahayaan ko na siyang matulog kami ng magkatabi. Miss ko rin naman siyang makatabi eh.

Kumuha nalang muna ako ng T-shirt niya sa closet namin tsaka ko 'to sinuot. Nang makapag bihis ako, humarap ako sa salamin para naman punasan ang buhok para matuyo ito. Gumamit nalang din ako ng blower para mas mabilis matuyo ang buhok ko.

After kong makapag patuyo ng buhok, nag lakad na 'ko papalapit ng kama kung saan nakita ko ang asawa ko na ang laki ng ngiti habang humahakbang ako papalapit sa kanya.

Humiga na din ako sa kama tsaka naman tila automatic na gumalaw ang katawan niya para tandayan ako at i-yakap ang braso niya sa'kin.

"I miss cuddling with you Mrs. Lawrence."

"I miss this too, Mr. Lawrence."

Ginamit kong unan ang braso niya at ini-yakap din ang kamay ko sa kanya.

"Matulog na tayo." I told him. Sana lang maka tulog agad ako para bumilis ang oras at mag umaga na para makapag test na. Gusto ko ng malaman kung buntis nga ako ay ma-ibalita ko na sa kanya 'yun.

"Okay." Naramdaman ko ang pag-halik niya sa ulo ko tsaka ang bahagya niyang pag higpit ng yakap sa'kin. Ipinikit ko nalang din ang mga mata ko para makatulog na.

Nagising ako mula sa pagkakatulog at ang una ko agad na ginawa ay i-check ang asawa ko kung tulog pa.

Tumingala ako para tignan siya. Ang lalim pa din ng tulog niya base sa mahina niya pag-hilik.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pag-kakayakap niya sa'kin para hindi siya magising. Nang magawa ko 'yun, na bigyan na 'ko ng pag-kakataong maka galaw at bumangon ng kama.

Dahan-dahan kong nag lakad papunta papunta sa drawer na katabi lang ng closet namin. Kinuha ko dun ang tinagong kong PT. Nang makuha ko ito, nag lakad na ulit ako dahan-dahan papasok naman ng bathroom.

Sinimulan ko ang process ng test na inabot lang ata ng kulang-kulang limang minuto. Next ko namang gagawin ay mag hintay sa result.

Nang oras na para tignan ang result. Sabay kong tinignan ang dalawang PT na binili ko at kumabog ng malakas sa tuwa at excitement nang makita kong both postive ang results.

Nag badyang tumulo ang mga luha ko. Hindi dahil sa lungkot kundi sa umaapaw na saya.

Daddy na si Mr. Lawrence.

Lumabas na 'ko ng bathroom, still ang asawa ko ay ang sarap pa ng tulog. Ngayon ang tangi ko namang iisipin ay kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa pag-bubuntis ko.

Hmm.

Dahan-dahan ulit akong nag lakad papuntang side table para hindi siya magising. Kumuha ako ng papel at ballpen at nag sulat.

MR. LAWRENCE, CONGRATULATIONS DADDY KA NA!

♡ Mrs. L.

Pinatong ko lang 'yung papel na sinulatan ko sa side table at ipinatong ko naman sa papel na 'yun ang dalawang PT para makita din niya 'yung results.

Nang magawa ko 'yun nag lakad naman ako palabas ng kwarto namin. 'Yung kabog ng dibdib ko ganun padin. Kung ganito ang epekto sa'kin ng nalaman ko, paano pa kaya sa kanya?

Oh gosh! I can't wait na makita ang reaction niya.

Dumiretso nalang ako sa kusina at umupo sa silya then tumayo naman agad tsaka nag lakad paikot ng lamesa. Ewan parang hindi ako mapakali, ang tagal naman kasi niyang magising.

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz