I - Crazy Demi

5.2K 120 49
                                    

🌺 Demi's Point of View:

"Are you sure Bessy? Sa dinami dami ng yummy at pogi rito sa university, until now? Wala ka paring boyfriend or crush man lang?" ang daily routine na pangungulit sakin ng aking best friend na si Carlene. Ewan ko ba kung ba't naturingan ko 'tong bestfriend eh ang kulit. Sobrang big deal sa kanya na wala akong crush. Feeling niya daw kasi minsan, bisexual ako at gusto ko raw siya. Ang kapal ng mukha ng sira-ulo. Haha.

"Wala nga eh! Ang kulit naman!" reklamo ko sa naiinis na tono. Kunwari.

"Ang kulit mo din! Eh ang dami ng admirers mo na puro pa heartthrobs! My gosh! Maloloka ako sayo Demi!" Singit ng isa pang maganda kong kaibigan, si Keam. "Kung ako lang sana ikaw, naku! Ang dami ko na sigurong boylets. Uunahin ko si Harrey. Ang hooooooooooot niya bess!"

"Aminin mo na nga kasi. May crush ka dito sa campus! Si Noah? Si Isaiah? Lucas? Crimson?"pangungulit ni Carlene.

"Wala nga talaga kasi! Alam nyo naman kasi na kapag nasa tuktok ka, magaling ka talagang pumili. Haha." Pambawi ko ng inis. Eh kapag payabangan na kasi naiinis nalang sila sa'kin kasi di nila ako matalo-talo.

Magaling akong magyabang. Pero hanggang yabang lang din talaga ang kaya ko. Haha.

"Aba! Parang sinabi narin ng love-less at boring na 'to na tayong mga may love life ay hindi nya kalevel!" react agad ni Carlene.

"Very well said! Obvious naman diba? Don't ever tell me na di niyo napansin ang mga mukha ng boyfriends nyo kahit lagi kayong magkasama?" mataray na saad ko. Hahahaha.

Dito lang yata ako makakabawi sa mga 'to eh. Ako lang kasi ang love-less kaya napagkakaisahan nila ako. Pero 'yon nga, magaling akong magyabang. Magaling ako sa pagdepensa ng sarili ko. Haha. Talent 'yon at sobrang expert ako do'n.

"Sinabi mo lang yan kasi wala kang boyfriend. Hahaha. Ang gwapo kaya ng mga boys namin! Palibhasa kasi walang sa'yo." mataray ding sagot sakin ni Keam.

"Gwapo? Kagwapohang parang hangin lang? Na-fefeel pero di nakikita? Kahit pa nga nakakairita ang ka-fc-han no'ng so-called-crush-ng-campus niyo eh kahit kalingkingan no'n walang sinabi ang boys niyo."

Nanlaki naman ang mga mata nila sa sinabi ko. Mukhang nagtagumpay ako sa pang-aasar ah! Hahaha. Alam ko naman kasing crush na crush nilang lahat si Harrey, siya nga minsan ang dahilan ng pag-aaway nila ng mga BFs nila. Ang mga kaibigan ko naman kasi, tumitili pa sa iba. Haha.

"Wait! Are you pointing out of Harrey Yu? Ang mayaman at perfect na si Harrey Yu?"Carlene blurted out in disbelief. "Ilusyunada ka rin pala bess no? My goodness! Nakakahiya ka Demi!"

Grabe 'to! Kung makapagsabi ng nakakahiya e parang nagsisinungaling ako. Parang di kapanipaniwala-paniwala lang. Tsk. Totooo naman ang sinabi ko ah! FC naman talaga sa'kin yung lalaking yon. Well, I know that he's just proving to everyone that he's the legendary womanizer pero nakakaasar talaga ang ka-feeling-close niya.

"And talking about crushes! Nandito na ang kambal ni Go Jun Pyoo!" biglang ingay ni Keam.

Dang. Si Isaiah Jimenez! Isa lang naman siya sa mga makukulit na nilalang sa buong universe. Hindi ko alam kung ano ang basehan nila ng gwapo at napapatili sila ni Isaiah. Siguro dahil siya 'yong star swimmer ng academy. Does that count?

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now