XIX- After-Party

1.5K 53 11
                                    

🌺Demi's Point of View:

Everything went back to normal. I felt like normal too. Hindi na ako nawo-worry na biglang sumulpot si Wyatt sa school para sunduin ako. Madalang nadin akong mag-overthink tungkol kay Willow. Pero nagbago din agad nang makausap ko ang bestfriend kong medyo MIA sa mga nagdaang araw.

"Hoy!"panggulat ni Keam nang maabutan niya akong kumakain sa pantry. "Ikaw'ng babae ka."

"Why?"

"Ang daming nakakapansin sa inyo ni Noah. May namamagitan ba sa inyo?"usisa niyang nagpagulat din sa'kin.

I can still remember that I once planned to date him. Pero hindi naman nag-work. Hindi niya ako niligawan. At kahit lagi kaming magkasama, kay Wyatt parin ako nahulog.

"We're just friends, bess. Ano ka ba?"

"Talaga lang. Baka mahulog ka ha? Ingat-ingat din."makahulugang sabi niya. "Well, mukha namang sasaluin ka no'n."

"Wag ka ngang ganyan. Naawkwardan ako sa'yo. Magkaibigan lang talaga kami ni Noah."

"Magkaibigan. Fine."aniya't umismid pa.

"Wag ka nga kasing ganyan."

"Oo na. Siguraduhin mo lang din na hindi ka sasaktan ng Wyatt na 'yon. Baka naman mangyari sa'yo 'yong nangyayari sa pelikula." Pinandilatan niya ako. "Alam mo na, revenge-revenge-thing and all."

"Kung ano-ano nalang ang pinagsasabi mo. Hindi naman na ako nag-expect kay Wyatt. Ano lang, hangga't nandito siya, nandito din ako. Bawal kumapit. Kapag kailangan na niyang umalis, wala ng bitaw-bitaw. Hindi ko naman kasi hinahawakan."

"Gaga. In love ka nga. Bess, akong natatakot sa'yo. Pwede ka namang lumayo ngayon e. Hindi pa huli."

Napapaisip ako sa sinabi ng bestfriend ko. Wala tuloy ako sa sarili nang magkasama kami ni Wyatt. May ikinukwento siya pero hindi ko maintindihan. Hindi ko kasi naririnig ng maayos 'yong ibang sinasabi niya.

"Hey loser, are you okay?"tanong niya. Napansin niya siguro akong balisa.

"Oo naman."

"Okay. May lakad nga pala tayo bukas. My friend is hosting a party and he wants me to be there."

"May kaibigan ka? Seryoso ka ba, McDonalds?"panunukso ko.

"Busy lang sa trabaho pero oo, I have friends. Hindi nga lang tulad ng dati na halos araw-araw nagkikita. Gano'n na talaga siguro kapag nagma-mature na."

"Feeling-mature."

"Teka, ba't ang lakas mong mang-asar ngayon?"

"Wala. Nakakamiss lang makita kang naiinis sa'kin."sagot kong ngumingiti. "Wyatt, can we watch movies muna?"

"Hmm. Sure. Sa inyo? O sa condo ko?"

"Anywhere."

Gusto ko lang na makasama pa siya ng mas matagal kaya ako nagyaya. Gusto ko siyang kausap. Gusto kong malaman lahat tungkol sa kanila ni Willow. Gusto kong timbangin kung ano ako sa buhay niya. Gusto kong gawin kung ano ang tama. Baka tama si Keam, hindi pa huling lumayo.

Sa condo niya kami nagpunta. Nagpaplay kami ng sci-fi movie pero hindi naman ako nanonood mentally. Nakatitig lang ako sa screen pero wala akong maintindihan.

"Wyatt, nagagalit ka ba sa'kin kapag tinatanong kita tungkol kay Willow?"

"Nagagalit? No, naiinis."

Tumahimik ako. Ba't naman siya maiinis? Ayaw niyang pag-usapan kasi mahal niya parin. Malamang iyon 'yon, Demi.

"Bakit Demi? Ba't ba gusto mo siyang pag-usapan?"

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now