III- Meeting Prince Charming

2K 96 24
                                    

🌺 Demi's Point of View:

Carlene, the President of our oganization, Dance Troupe, was so busy with her boyfriend. She only knew today about my Prince Charming, that he will be a guest for the upcoming festival. My Bae requested for one member to do a Dance Prod with him. Automatically, si Carlene na dapat 'yon dahil siya naman ang president. Kung gugustuhin niya. Kaya lang, gusto niyang ako ang makasayaw ni Future-Boyfriend ko kaya magpapa-audition sila, kami.

"Bessy, thank you."I told her over lunch.

"Thank you? For what?"

"Kasi 'di ka kaagad pumayag na ikaw yong maging partner ni Poster Bae, 'yong famous dancer."sagot kong abot mata 'yong ngiti.

"Famous ba 'yon eh di ko nga kilala eh. Paano kung pangit pala yon sa personal at famous lang yon sa ibang bansa?"

Pangit pala ah. Bahala ka. Hindi ko na babaguhin 'yang pananaw mong 'yan para wala akong kakompetensiya. Pero alam kong pagsisisihan niya ang sinabi niya kapag nakita niya ang napaka-gwapong nilalang na 'yon.

Papalapit ng papalapit 'yong screening at excited na excited na ako! Sunday ngayon at gusto ko ng hilahin ang oras para maging Monday na. Para screening na at makita ko na si Prince Charming ko. To make it fair to every member of our organization, Carlene opened the screening to all members who are interested to be paired with the famous dancer.

MONDAY EVENTUALLY CAME. I went to the university having everything prepared for the screening! I'm confident naman that I'll pull off a good performance. Pero kinakabahan ako, baka hindi ako ang mapili.

While I was having my quiz, I heard over the radio station my bestfriend's voice announcing all members who will audition to prepare and be at the auditorium before 2. Napatingin ako sa wrist watch. Dang. It's quarter to 2. Kailangan kong matapos 'tong quiz. Special Quiz na kasi 'to kasi nag-absent ako no'ng last session. Bigla kasing may naghanap sa'kin. Natakot ako kasi feeling ko, may connection 'yon sa taong nagtext sa'kin. Paano kung si Wyatt 'yon? Paano kung nag-exist siya di ba?

"Demi?"

"Prof. Okay na po 'yan. Hindi na po ako babagsak niyan."I told him after passing my paper. I answered only half of the quiz. Hanggang 2:30 kasi ang subject but I have to leave early for the audition.

Muntik na akong kapusin ng hininga nang makarating ako sa Auditorium. Gosh. Ang daming tao! hindi ako makadaan! Kahit sa entrance, nagkumpulan sila. I glanced at my wristwatch, saw that it was already 2 so I panicked. Hindi naman kasi sila mag-a-audition e. Gusto lang naman nilang makita si Prince Charming ko. Ano'ng gagawin ko? Brain, function please. I need you to work right now. Think of a way para makadaan ako!

Kung kakanta kaya ako? Tapos sa sobrang ganda ng boses ko, malu-lure sila o kaya ay makatulog tapos malaya na akong makakadaan.

Takte Demi, uunahin mo pa ba 'yang imagination mo!? Mag-isip ka ng paraan para makapasok, tanga!

"Oh my gosh! Nasusunog 'yong library!"I heard myself shout. I know it will cause panic and that it will definitely solve my problem. Pero kapag may nagsumbong sa ginawa ko, malamang masa-sanctioned ako. Cross my fingers!

Good Riddance! They left though. Haha. Almost half of the population na nakabara kanina sa entrance ay nagtakbuhan palabas para mang-usisa sa nasusunog kunong library. Kaya naman, tawa ako ng tawa habang naglalakad ako papalapit kay Carlene. Sinalubong niya naman ako ng masamang tingin.

"Late ka na pero may gana ka pang tumawa diyan!"pangaral niya.

"Ito naman, nasusunog 'yong library e."

"Ano? Totoo ba 'yan?"

Napahagikhik ako. Haha. Nakakatawa 'yong reaksiyon ng mukha niya.

"Tama na. Nakakatawa ka na. Hindi  naman totoo."

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now