XX- First Goodbye

1.5K 51 16
                                    

🌺 Demi's Point of View:

Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. Alam kong mawawasak 'yong puso ko, but I still went on.

"Ayoko na. Hinding pwedeng gamitin mo 'ko para lang maipakita sa kanya na okay ka kahit hindi naman."sabi ko habang nagsimula ring pumatak ang luha ko. "Hindi ko kayang magbulag-bulagan. Ayoko na, Wyatt. I won't save your ego. I can't save you. Balikan mo nalang siya dahil ayoko na."

"Ayaw mo na? Tss. Sagutin mo 'ko Demi, ba't mo pinuntahan si Willow at binigyan siya ng—"

"Come on!"I shouted in disappointment. "Wyatt, sa tingin mo ba talaga gagawin ko 'yon? I'm not that childish! Nagpunta ako do'n dahil gusto ko siyang makausap. Magpapaliwanag lang naman ako sa kasalanang nagawa ko. I wouldn't do that cruel thing to anybody!"

"Yan! Ba't mo ba kasi ako ipinagpipilitan sa kanya? Ha? Demi? Ba't mo 'ko pinapangunahan sa gusto ko? Di ba sinabi ko sa'yong ayaw ko na siyang bumalik? Ano'ng mahirap intindihin do'n?"he blared back.

"Wala na akong pakialam diyan. Ayoko na, ayoko na!! Narinig mo? Ayoko na Wyatt! Tama na, itigil na natin 'to!"umiiyak na singhal ko sa kanya. "Wala akong pakialam kung gusto mo siyang bumalik o hindi! Ang gusto ko lang, itigil na natin 'to, matapos na 'to! Ayoko na! Ayoko ng makialam sa inyong dalawa!"

"Sige."he muttered, breaking my heart once more. "Tama na. Naiintindihan ko. Ayaw mo na. Pero Demi, hindi ka ba naging masaya no'ng magkasama tayo?"

"No."I lied quickly. "Bakit ako magiging masaya? Wala namang totoo sa'tin. Lahat imbento lang! You weren't supposed to exist in my life in the first place. Hindi ako naging masaya sa pagpapanggap na 'to, Wyatt. Walang tangang magiging masaya sa ganito."

"Well, masaya ako Demi."wika niyang gustong magpahagulhol sa'kin. I stopped myself. "Gusto kitang kasama lagi. Gusto kong lagi kitang nakikita—"

"Ayoko... na gusto mo lang ako."matapang na pahayag ko. "Ayusin mo o tapusin mo muna 'yong 'kayo'. Ayaw kong maipit sa gulo niyong dalawa kasi masakit."

"Demi."

"Wyatt. Just leave."

"Demi —"

Ako na ang umalis. Tumakbo ako papasok ng bahay. At nang matiyak kong mag-isa nalang ako, saka lang ako humagulhol. Napaupo ako sa damuhan at doon pinakawalan 'yong sobrang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko, hiniwa 'yong dibdib ko hanggang sa leeg at mamamatay na ako. Ang hirap huminga sa sobrang sakit.

Namumugto 'yong mata ko na pumasok sa klase ngunit wala akong pakialam. Mukha ngang nawe-weirduhan 'yong mga kaklase ko dahil lumalayo sila sa'kin. Hindi nila ako kinakausap. Wala ring pakialam ang mga professors ko nang harap-harapang gumamit ako ng cellphone at naglaro lang. Siguro nga kasi, alam nilang wasak 'yong puso ko. Alam nilang patay na ako.

"Demi, sandali."

Tss. Napangisi ako nang mapagtanto kung sino ang pumigil at humarang sa'kin. It's Harvey.

"Ano na naman ang kailangan mo?"

"I just want to apologize."

"Iyon na ba 'yon? Okay na. Pwede ka ng umalis."

"Demi—"

"Harvey, 'yong ginawa mo? Sobrang gago no'n pero wala lang 'yon sa kalingkingan ng sakit na nararamdaman ko ngayon. So forget about it. It really didn't break me anyway."I told him frankly.

"Alright. I'm sorry Demi. Pero... Alam mo, we can be great partners. Pwede kang sumama sa'kin abroad and make a career with me."

"Thanks. But, just leave Harvey."

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now