Special Chapter: The Palmer Brothers

2.5K 104 150
                                    

Pagod na pagod ako sa pagbabantay kay Uno, Dos, at Tres buong araw. Ang tagal pang umuwi ni Wyatt. Tsk. Takbo ng takbo si Uno, kahit yaya niya, sumuko na sa kanya. Nagresign kaagad e kaha-hire lang namin sa kanya last two days. Three palang siya pero ang galing na niyang magprank, iyon ang dahilan kung bakit umalis ang yaya niya. Si Dos naman, two years old. Two years old na sobrang malikot. Sinama ko siya sa nursery room kung saan ko pinapatulog si Tres kanina. Do'n siya nagkalat. Pinakialaman niya ang mga gamit sa silid hanggang sa halos maiyak na ako sa kanilang dalawa ng kuya niya. Ang nine months old ko namang anak na si Tres, napakaiyaking bata. Kaya hindi ko siya maiwan-iwan. Ayaw niyang hindi ako nakikita.

"Asawa kong mahal."Tawag ni Wyatt na humahalik sa batok ko.

"Wyatt, I'm sleeping."

"Sorry, ang tagal kong nakauwi. Promise, whole day akong pipirmi sa bahay bukas."

"Okay."I answered lazily. I am really so sleepy.

"Babe, I miss you."Bulong niya ulit sabay dantay ng kamay niya sa puson ko. Hindi rin siya tumigil sa kakahalik sa likod ko. "I love you, Demi."

I can still feel how exhausted I was for the day. And my flirt husband is now distracting me from sleep. He's depriving me from rest.

"Wyatt, I'm really tired."I murmured when he slipped the strap of my night gown off my shoulders.

"Just sleep there if you're tired. Mali bang halikan ang asawa ko?"Pilyong saad niya at saka ibinalik ang atensiyon sa pagpaulan ng maliliit na halik sa balikat, batok at likuran ko.

"Palmer!"Asik ko na sa sobrang inis saka humarap sa kanya. I shouldn't have done it. Mabilis na naangkin ni Wyatt ang mga labi ko pagkaharap ko kaagad sa kanya. Fast hands daw kasi siya. Tsk. While our mouth are exploring on their own, Wyatt did his job which he's so expert at-undressing me.

"Pagod ka baby, bukas nalang."Pang-iinis niya matapos akong hubaran.

"Gusto mo bang matulog sa labas, Palmer?"

Napuno ang silid ng halakhak ni Wyatt bago niya inangking muli ang labi ko. Gently, his soft lips raced down and stopped when it found my neck. He planted feathery kisses there.

"Here comes baby Number Four!"Sigaw ng sira-ulo kong asawa. Na sobra ko namang mahal.

Nagbunga ng dalawa pa ang pagmamahalan namin ni Wyatt. Si Four at Five. Hindi na naman ako masyadong nahirapan sa pagbabantay sa kanila gaya ng dati dahil kahit CEO ng kumpanya, mas maraming oras si Wyatt sa'min. Binigyan nga siya ng Certificate of Best Dad Award ni Uno nitong Father's day. Umiyak si Wyatt no'n. Haha.

"Bess, gusto na naming magkaanak ni Noah talaga pero wala pa e. Nalulungkot na nga ako. Nagpacheck up kami last year, wala naman dawng problema."Malungkot na kwento ni Keam nang dalawin niya ako minsan. "Ano ba'ng ginagawa niyo ni Wyatt? Bakit taon-taon buntis ka?"

"Hoy. Kung pumunta ka dito para humingi ng advice, wala akong maibigay. Praning 'to."

"Sige na naman Demi-mine. Sabihin mo lang kung anong oras niyo ginagawa-"

"Praning ka talaga. Ginagawa namin 'yon kahit kailan namin gusto."

"Demi naman e. Five years na kaming kasal o. Wala parin kaming anak. Baka next week, buntis ka na naman tapos ako..."

"Keam, 'wag ka ngang nega. Baka naman kasi, may mga anxieties or stress ka these days. Don't think too much about not being able to be pregnant. Baka naman kapag nagla-love making kayo, 'yang takot na hindi ka mabubuntis ang iniisip mo. Try seeing a doctor again as well, okay? Pero alam mo, hingiin mo sa Kanya. Blessings ang pagkakaroon ng anak bess. At ang blessings, Siya lang ang nakakapagbigay."

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now