08. 21. 21

1.8K 84 23
                                    

(Ayan, Year 2021 na sa calendar ng buhay nina Wyatt at Demi kasi nga ang author niyo, advance mag-isip. Ha-ha!)

🐼 Wyatt's Point of View:

Hindi naman malaki o malalim 'yong sugat ko. Dahil nagpanic si Demi, sumunod na lamang ako sa gusto niya. Binuksan ko ang bag niya para hanapin ang kit na tinutukoy niya. Pero iba ang nakita ko. Scrapbook na gift ni Gia sa'kin no'ng Christmas six years ago na ibinigay ko kay Demi kasama ang singsing.

"You keep them."hindi makapaniwalang sambit ko nang makita siyang tumakbo pabalik ng bedroom.

She took the stuff from me and kept it back to her bag. Her hands are trembling as she tried to close the zipper. Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ng kamay niya.

"Wyatt, stop this. Please just stop."aniyang nagpipigil ng luha niya.

Why wouldn't she give our love another chance? She still loves me.

"You want this, Demi. You still want us."

After swatting my hands away, she ran outside, towards the clear waves, towards the beach.

"Demi—"

Humarap siya sa'kin na may luha ang mga mata. Nasasaktan ako habang pinapanood siya.

"Bakit ang dali-dali lang sa'yo lahat? Kung umasta ka parang wala lang sa'yo 'yong nangyari noon? Ano? Ganito nalang kadali? Iiwan mo 'ko, susukuan mo 'ko, papalayain mo 'ko, at ano? Pagbalik ko, gusto mo, isang ngiti mo lang, isang yakap mo lang, isang halik mo lang, tayo na ulit? Gusto mo, ikaw parin 'yong mahal ko?"umiiyak na sumbat niya.

Ang selfish pakinggan pero oo, 'yon ang gusto ko.

"Tang*nang puso 'to! Oo Wyatt, mahal parin kita! Mahal na mahal parin kita! Pero hindi ibig sabihin no'n, posibleng maging tayo pa ulit. Hindi na 'yon mangyayari."

There. That's it. That's the reason why I chose to give up before. She asked me to leave before or she'd hate me. I don't want her to hate me so I walked out of her door.

Siguro maling pinalaya ko siya ng gabing 'yon pero iba ang ngayon. Pwede ko pang itama 'yong mali ko. Pwede pa kaming maging masaya ulit. Isang pagkakataon lang ang kailangan ko.

"You still love me and I love you more than I did before. I want to make it right. Pagbigyan mo 'ko. Isang pagkakataon lang. Let's make 'us' happen again, Demi. Isang pagkakataon lang."I pleased.

"Isang pagkakataon?"She iterated and then laughed sarcastically. "Isang pagkakataon Wyatt? I  already gave you that! Naalala mo? No'ng malasing ako? Paggising ko no'n, naalala ko lahat."

Hindi siya nagpatuloy sa sasabihin niya. Malalim ang hininga niya na para bang nahihirapan siya. I panicked and I walked towards her.

"No! Lumayo ka."awat niyang nagpaurong naman sa'kin. "Naalala mo pa 'yon, Wyatt? Yakap-yakap ko no'n 'yong kamay mo, nagpapanggap ako na tulog, para malaman mong gusto kitang bumalik. Na namimiss kita. Pero ano'ng ginawa mo? Umalis ka Wyatt. Umalis ka at sumuko ulit."

Tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina ko pa pinigilan. Tama siya, five years ago, nagpakaduwag ako. Nagpadala ako sa selos, nagpadala ako sa paulit-ulit na sinasabi niyang hindi na ulit magiging kami.

"At alam mo, hindi lang 'yon 'yong pagkakataon na binigay ko sa'yo. When you danced with me on my parents' wedding, I waited for you to tell me to stay. But you didn't. You just freaking asked me if it's time to say that you'll miss me again. Tanga ka ba? Gano'n ka ba ka-manhid? Mahal na mahal kita at gusto ko lang naman no'n na pigilan mo 'ko! Na ipaglaban mo 'ko. Kasi kung ginawa mo 'yon, Wyatt, I would stay."

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now