V- With Him

2K 89 25
                                    

🌺 Demi's Point of View:

Hindi na ako mapakali matapos kong matanggap ang text message na 'yon. Nakakaasar. Nababad-mood ako.

"Ah. After class nalang tayo magpapractice. Sasabay nalang ako kay Harrey."sabi ko para ipagtabuyan siya.

Gusto ko ng makita ang mga kaibigan ko. Feeling ko, ikakamatay ko 'tong gagong text ng text sa'kin.

"No. Susunduin nalang kita."Harvey insisted.

"Sasabay na nga lang ako kay Harrey eh."naiinis na sambit ko. "Ang kulit e."reklamo kong nagpangiti lang sa kanya.

"Ang sungit."aniya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

I actually didn't care. I didn't care until I realized that he kissed me on the cheek! Bumilog na lamang yong mga mata ko! Hindi ko siya masita dahil umalis na siya.

My gosh. Bakit niya gagawin 'yon? Gano'n ba siya kalandi? Napatingin ako sa paligid. Anak ng tupang bakla! Ang daming nakatingin sa'kin. Nakita kaya nila 'yon?

"I've seen that."wika ni Noah na nagpatigil ng tibok ng puso ko. I intentionally held my breath. Nagpipigil lang na 'wag gulpihin 'tong gago. "Could that mean, Goodbye McDonalds?"

"It meant nothing, Noah. 'Wag kang tanga."pagmamasungit ko. "What the hell!"sigaw ko ng dampian niya ng halik ang pisngi ko.

"What Demi? It meant nothing."nakangising sabi niya.

Magpasalamat siya at umalis siya agad! Dahil hindi na sana ako makapagpigil, pupukpukin ko na sana siya ng sapatos ko! Ang harot ng buwiset!

"Bess? Nasa'n na si Prince Charming mo?"tanong ni Keam na kararating lang kasama si Carlene.

"Ba't ganyan ang mukha mo oy?"puna ni Carlene.

"E nakakaasar ang Noah na 'yan e. At feeling ko ha, magkadugo sila nitong takteng gago na text ng text sa'kin ng death threats!"

"Anong death threats? Seryoso ba 'yan?"nag-aalalang tanong ni Keam.

"No. I mean, yes. I mean, look. Text siya ng text. Sa tuwing nababasa ko, nagkaka-heart attack ako. Death threat 'yon, diba?"

"Sira ulo ka! Pinakaba mo kami!"Keam scolded. "Ano'ng nangyari sa date niyo? Wag mo ng pansinin 'yang text ng text sa'yo. Balikan mo nalang 'yong nangyari sa date niyo."

Ano'ng ikukuwento ko? 'Yong kapraningan kong I-love-you conversation. Tss. Or I could tell them how flirt he was like when he stole a kiss from me.

"Ano na? Ano'ng nangyari?"pangungulit ng laging atat na si Carlene.

Sasagot na sana ako nang may biglang magsalita. Oh. Hindi ko alam may Speaker of the House pala ako. Tsk.

"Ano'ng nangyari?"Nathaniel iterated the question. "Demi, ang bilis naman yata."

"Nathaniel, anong pinagsasabi mo?"depensa ni Keam na nakaarko na ang kilay.

"Keam. Concern lang ako kay Demi."

"Concern? O baka nagseselos ka."pagtataray ng kaibigan ko.

"Nathaniel, ano ba kasing pinagsasabi mo?"singit ko na.

He smirked before saying something that broke my heart to tiny bits of pieces. I even want to cry.

"Pareho lang siya ng kapatid niya, babaero. May girlfriend si Harvey, Demi. Kaya kung ako sa'yo, sa Dance prod ka magfocus. Wag sa kanya."

I know it hurt to know about that but Nathaniel can't know my feelings. Hindi niya dapat alam na nasasaktan ako.

"Salamat sa concern. Pero kasi Nathan, may boyfriend din ako. Kung tungkol sa nangyari kanina ang ikinabahala mo, don't worry. It meant nothing."

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now