VI-He Exists

1.9K 79 25
                                    

🌺 Demi's Point of View:

Ano na ang gagawin ko? Papunta na sila ng bahay. Ba't naman kasi pumayag si Keam na samahan 'yong asungot sa'min? Pwede niya namang sabihin na hindi niya ako kilala. Eeeeeh. Ano na ang gagawin ko ngayon? At saka, ano 'yong atrasong sinasabi no'ng lalaki? Wala akong atraso sa kanya o sa kahit na sino!

"Yaya, kapag may naghanap po sa'kin. Pakisabi po patay na ako."utos ko kay Yaya Lydia nang makita ko siya.

"Demi, hija? May problema ba?"usisa nitong nagpaasim ng mukha ko.

"Basta Yaya. 'Yon 'yong sabihin niyo."sabi ko nalang at agad na umakyat ng kwarto.

Naghanda na ako ng pepper spray, ng maliit kong kutsilyo at duct tape. 'Yan 'yong starter-pack ni Cher. Character siya ng binabasa kong libro. She's just really invincible when she has those three things. Malay niyo, magwork din sa'kin.

Teka. Ba't ba ako takot sa Wyatt na 'yon? Wala naman akong ginawang masama a. Hindi ba dapat magpasalamat siya at naturingan na siyang gwapo ngayon dahil sa pag-angkin ko sa kanya? Tsk. Eww. Nakakadiri nga. Ba't ko nga ba kasi sinabing boyfriend ko siya!

Kasalanan ko ba kung totoo pala siya? Sino naman kasing mag-aakalang totoo siya! I just combined the names I had in mind that day. 'Yong McFries ang may kasalanan nito e. 'Yon 'yong kinakain ko ng araw na nag-imbento ako ng boyfriend. Wala akong maisip na apelyido, tapos nakita ko ang large fries na hawak ko.

Wyatt Ryuu McDonalds.

Tsk. Sinong mag-aakalang mag-eexist ang pangalan na 'yan? Arrrrggggh! Ba't ba paborito akong asarin ng pagkakataon!

Haharapin ko siya. I will apologize. He will accept my sorry. We will forget that it happened. Solved!

Pero paano naman kung mukhang-maligno ang Wyatt McDonalds na 'yon? O paano kung mukha siyang clown? Takot ako sa clowns dahil kay Killer Clown. Nope. Nope! Hindi ko siya pwedeng makita.
Hindi rin sinabi ni Keam kanina 'yong hitsura niya. Shemaaay. Ayoko na sa earth.

Paano kung pangit siya o kaya manyakis? O mukha ngang maligno at gusto niyang totohanin 'yong pagiging mag-girlfriend-boyfriend gaya ng inanunsiyo ko? Puteeeeeek. Hindi ko kaya 'to! Aatakihin ako sa puso!

Nangangatog ang tuhod na tumakbo ako pababa para kumuha ng tubig.
Hindi ko talaga kaya. Iniimagine ko palang, mamamatay na ako. No, no, no, no! I will not meet McDo. I will not.

"Sa'n po kayo, ma'am?"panggigising no'ng taxi driver sa nagliliwaliw kong isip.

Paano kaya kung kamukha ni Bentong 'yong McDo na 'yon? Yikes.

"Yuck."

"Ma'am, sa'n po 'yong Yuck?"

Gagong driver!!! Hindi lugar 'yon! Pinagloloko yata ako nito e. Demi naman kasi, tinatanong ka ng maayos ng mama. 'Wag kang absent-minded. Ano naman kung kamukha ni Bentong o ni Wacky Kiray o ni Mark Logan ang lalaki na 'yon? Wag kang judger, tao parin sila!

Napailing ako't umayos ng upo.

"Ang sabi ko po, sa park. Hindi po Yuck."

"Ay sorry, ma'am. Nabibingi na yata ako."natatawang tugon no'ng driver na nagpakonsensiya naman sa'kin kahit papaano. "Sorry po ulit."

"Okay na kuya. Dito nalang ako bababa."napipikong sabi ko.

Pakonsensiya masyado e. Argh. Teka, nasa gitna ako ng daan! Hindi pa naman ako marunong tumawid. Ba't naman kasi ako bumaba ng taxi!

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now