XLIX- Her Dream

1.6K 56 15
                                    

🌺 Demi's Point of View:

Wyatt, being a genius, suggested that we follow mom and dad to Cebu. I have no choice but to agree because Gia just texted Wyatt that they will be staying there for another week. Do'n nalang daw sila magce-celebrate ng fifth wedding anniversary nila. The beach must be so beautiful dahil sobrang attached si mom.

"Hindi ka na takot lumipad."komento niya nang magtake-off 'yong plane.

"I conquered my fear when I was heartbroken."I answered him. "What doesn't kill you makes you stronger, sabi nga nila."

Ngumiti siya, kinuha ang kamay ko at hinalikan 'yon.

"I'll make it right this time, Demi. I promise."

Kung sobrang minamalas ka nga naman, nasa isla na kami ni Wyatt pero kailangan muna naming maghanap ng mapaglilipasan ng gabi. Mom and dad and as well as Gia aren't answering their phones. Hindi raw alam ni Wyatt kung saang resort sila.

We stayed at Camp Sawi for night, sharing one hut. Si Wyatt 'yong nagdala ng bag at iba pang gamit ko.
Nagto-toothbrush ako no'n nang marinig kong umaray si Wyatt. Agad akong tumakbo sa kwarto.

"Anong nangyari?"I asked with the toothbrush in my mouth.

"I'm okay wifey."He answered, smiling, but I got a sight of blood on his finger.

"Ano'ng ginawa mo?"naiinis na tanong ko.

"I just opened a canned pineapple juice..."sagot niya sabay turo ng juice sa mesa.

"Hindi ka ba marunong mag-ingat?"

"Okay lang ako, Demi. Maliit na sugat lang 'to."paninigurado niya.

Inirapan ko siya at saka tumalikod. Nakakainis! Hindi marunong mag-ingat. Ugh. Pagpasok ko ng banyo, sumigaw ako.

"May first-aid kit ako diyan sa bag!"

Wait. No! Mabilis akong nagmugmog at tumakbo pabalik sa bedroom. I was late. He saw it.

"You keep them."saad niyang nakatingin sa'kin.

Kinuha ko mula sa kanya ang scrapbook at ang kahon ng singsing na hawak niya. On New Year's eve, kinuha ko sila sa closet, tiningnan ko 'yong scrapbook, si Gia pala ang gumawa no'n at gift niya 'yon para sa kuya niya. He gave it to me. In it are photos of us, looking so happy together. But most pages have stolen pictures of me, pictures na nakita ko noon sa phone niya. Naaalala ko pa, may sulat siyang inipit sa gitna ng scrapbook, a handwritten letter from him explaining what happened during that night he was with Willow.

Hindi ko pa nabasa 'yong sulat niya, bago pa mag-December, bago niya ako pakawalan, alam ko na 'yong dahilan. Alam ko na 'yong totoong nangyari. Just two weeks after it happened, Paulo talked to me. He called me that night saying sorry because he also has taken the sleeping pill which in his words is partially his fault. Partly, he blamed himself for the set up Willow has involved Wyatt with. Kung hindi lang din siya nakatulog, hindi sana mangyayari 'yon kay Willow at Wyatt. Partly, he also regretted why he called me.

No'ng malaman ko 'yon, gusto kong makipagbalikan sa kanya pero mas nangibabaw parin 'yong sakit. I was so insecure because we almost tried doing it together. Wyatt would always stop me. Feeling ko no'n, Willow is so much better than me in all ways. Kaya ginusto kong magpa-hard-to-get. Ginusto kong makita siyang sinusubukang patunayan sa'kin na ako 'yong mas mahalaga, na ako na 'yong mahal niya. I kept pushing him away but all I really wanted is to see him not stopping from proving me that I'm the one he loves. Kaya nga no'ng huminto siya, no'ng sumuko siya, galit na galit ako sa kanya kasi sobra akong nasaktan. Pinili kong kalimutan siya pero sobrang hirap. Kaya pagkatapos agad ng graduation, umalis ako. Pero takteng puso 'to, limang taon—pitong taon na, pero siya parin 'yong gusto ko. Siya parin 'yong mahal ko.

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now