XXXVIII- Million Tears, One Night

1.1K 45 8
                                    

🌺 Demi's Point of View:

Nakaabang sa labas ng bahay si Wyatt nang dumating ako. He didn't look happy. Mukha siyang galit pero nagpipigil lang. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Are you okay? Did something happen today?"

He didn't answer; he just gave me a sharp stare. It was too sharp that it broke my heart in two.

"Do you really love me, Demi?"

Nanlamig ako sa tanong niya. Is he doubting my love for him? Hindi ba sapat lahat ng ginagawa at pinapakita ko? Napaatras ako. Naramdaman kong nangingilid na naman ang luha ko.

"Answer me, Demi."he ordered authoritatively.

"Why are you suddenly questioning me, Wyatt? Hindi mo ba nararamdaman 'yon?"umiiyak na tanong ko.

"Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magtiis sa sakit at pagseselos. Gusto kitang intindihin ngayon pero hindi ko na kaya. Nasasaktan ako, Demi!"naluluhang balik niya sa'kin. "You wouldn't kiss him if you're in love with me."

What is he talking about? Was he there earlier?

"I saw you with him. I guess you really like your Jacob more than your Edward, huh?"He said sarcastically, sounding really hurt.

Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Gusto kong magsalita pero nanginginig 'yong labi ko sa ginagawa kong pag-iyak.

"Mahal na mahal kita, Demi. Sobrang mahal. At alam mo kung ano ang kayang gawin ng pagmamahal ko?"tanong niya habang sunod-sunod ang luhang lumalabas sa mga mata niya. "Kaya kitang palayain."

"Hindi ka naniniwalang mahal kita?"nasasaktang saad ko. "I didn't kiss him Wyatt!"I shrieked.

"I saw it with my own eyes."

"He kissed me! And if you just stayed, maybe you'd see what I did."I angrily said. "You know what. Tutal hindi ka naman naniniwala sa pagmamahal ko, e di itigil na natin 'to. Wala namang patutunguhan e."

Tumango siya.

"Alamin mo muna kung sino talaga 'yong mahal mo. Ayaw kong magmukhang tanga ulit, Demi. Ayokong masaktan mo 'ko ng sobra-sobra. Dahil ayokong dumating ang araw na gugustuhin ko nalang na kalimutan ka."pahayag niya at saka iniwan akong umiiyak.

Hindi ako pumasok ng bahay. Nakaupo lang ako sa tabi, humihiling ng tahimik na sana bumalik siya at bawiin lahat ng sinasabi niya.

"Bumalik ka, Wyatt. Please, bumalik ka."bulong ko sa hangin.

Ilang oras din akong naupo lang do'n sa tabi, sa may landscape, habang niyayakap ang mga binti ko. Hindi siya bumalik. Ayaw na niya.

Napaangat ako ng ulo nang may humintong kotse sa tapat ko. Lumabas si Wyatt at patakbong pumunta sa'kin.

"Please don't do this to me, Wyatt."umiiyak na sumamo ko. "Ayokong mawala ka. Maniwala ka sa'kin, mahal na mahal kita."

Nakatayo lang ako sa harap niya na nagmamakaawa. He's supposed to be hugging me by now but he didn't.

"Pumasok ka na Demi. Kanina ka pa hinahanap ng mommy mo."

Kaya siya bumalik dahil kay mommy, hindi para sa'kin. Hindi para bawiin 'yong sinabi niya.

"Wyatt, please."I begged again and even hugged him. "I promise, I will stay away from him. Please, just give me one more chance. Papatunayan ko sa'yo na ikaw 'yong mahal ko."

"Demi-"

"Please. Di ba sabi mo? Lahat deserve magkaroon ng second chance. Can I get mine this time? Can I make things right by not losing you?"

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now