II- Poster Bae

2.2K 98 25
                                    

🌺 Demi's Point of View:

Napapadalas ang pagde-daydream ko sa Prince Charming ko at madalas rin akong nahuhuli nina Keam at Carlene. Nakalimutan kong panay ang pagdo-doodle ko sa notebook at binders ko kaya confident kong pinahiram sa kanila 'yon. I was caught off guard when they saw what I've written.

Demiteyr Abrahams. Bachelor of Science in Music. 19. In love.

Yown. Wala na akong kawala. Buong araw nila akong kinulit kung sino nga 'yong lalaki.

"Oy bess! Share na! Sino ba ang lucky guy?" pangungulit ni Keam habang naglalakad kami palabas ng campus.

"Oo nga! Dali na Demi! Sino ba?"tanong na rin ni Carlene na halatang atat na atat ng makarinig ng pangalan ng lalaki. 

Sasabihin ko ba? Eh? Si Poster Bae nga yon 'diba? Ipapakita ko nalangkaya 'yong picture niya at nang matahimik sila? Kinunan ko kasi ng picture yong poster eh kasi idinikit ko sa kwarto 'yong poster at kailangan ko ng may matitigan sa phone ko. Haha.

"ANG GWAPOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!"tili ni Carlene nang makita ang picture.

"Demi!!! Sino 'yan? Ba't ang gwapo?"Di naman paawat na tanong ni Keam.

"Hay nako! Niloloko mo lang yata kami e. Mukha namang artista 'to o. Halata sa physical features nya." Komento agad ni Carlene matapos ang ilang minutong pagtitig niya sa phone ko.

"Kung ayaw niyong maniwala e di 'wag. Di ko naman kayo pinilit ah!"

"E sino nga kasi 'yon? Alam mo Demi, iisipin ko talagang Lesbian ka kapag hindi ka parin nagkakaroon ng crush man lang. Dise-nuwebe ka na! Hindi ka pa nagkaroon ng boyfriend ni minsan o kahit crush man lang. Sino ba 'yong lihim mong nagugustuhan ha? Ako o si Keam?"Carlene interrogated which left my jaw open. What?

"Wait! I remember him!"Keam shouted. "He's the Prince of Dancefloor! I've heard about him  last year. Pinoy siya na very sikat internationally. He sings and dances. Pero mas sikat siya sa galing niyang sumayaw." pahayag ni Keam na nagpatitig sa'kin sa kanya. "May upcoming album siyang ire-release next month."

"Talaga! Anong pangalan niya!" atat na atat na tanong ko.

"Ano eh! Ah."She paused, placing her index on the side of her head as if thinking. "Nakalimutan ko. Pero basta Pinoy siya. 'Yong apelyido niya... ano. Ah! Tama! Magkaapelyido sila ni Harry!"

"Ah! So Potter din ang apelyido niya?"Carlene exclaimed. Keam elbowed her for joking lamely and I just laughed.

"Aray ko naman!"reklamo niya.

"Abnormal ka kasi! Hindi naman si Harry Potter 'yong tinutukoy ko kundi si Harrey Yu!"

Magka-apelyido sila ni Harrey? Hindi kaya magkapatid sila? Imposible. Poster Bae is too handsome to be someone else's brother.

FROM THE FOOD COURT,  I walked alone around the campus. Kakabalik ko lang mula sa mall. Tsk. Hindi kasi malabong kausap 'yong mga magaganda kong kaibigan eh. Magdedate daw kami. Bawal daw ang boyfriends. Pero ang nangyari ay ang kabaligtaran. Siyempre dahil wala naman dito sa Pinas ang aking prince, mas minabuti ko nalang na bumalik sa university. 

As I walked through the corridors, I heard girls worshiping the womanizer, Harrey Yu.

"Oy Harrey! Napapabalitang uuwi ang kuya mo?"tili no'ng babae. "Penge naman ng number ng kuya mo."

I watched them shoo away the girls. Nagtagumpay naman sila. They're good at doing that. kapag hindi nila type 'yong babae, pinagsasalitaan nila ng hindi maganda hanggang sa layuan sila.

"Is it true, dude? The other 'H' will be in the house?"nakangising tanong ni Noah.

"Tss. And you know how irritating his presence is to me." sagot naman ni Harrey. Magtagalog ka nga! Arte mo!

"Until now? Insecure ka parin sa kuya Harvey mo?" bulalas naman no'ng isa pa niyang kaibigan na laging nakabuntot sa kanya, si Kaito. 

"What? I am only irritated. I'm not insecure! Tsk. Maiinsecure lang ako kung mauunahan niya ako kay Demi."

Ha? Abnormal na lalaking to! Ba't ako nasali sa usapan! Hindi lang naman yata ako ang nag-iisang Demi sa mundo. Malamang, ibang babae ang tinutukoy niya.

"Well, Demi's really pretty. I like her."Noah said calmly.

"Oo nga e. Kapag ngumingiti siya, para siyang hindi totoo. Yong dimples niya 'yong nagdala."komento ni Crimson na nagpainit ng pisngi ko. Tsk. Ako ba ang pinag-uusapan nila? 

"Yep. She's perfect. And she's only mine."Harrey declared making me snort. Eww.

"Kung bakit naman nangyaring ikaw ang pinakasikat, pinakamayaman at tinitilian sa whole university di ka pinapansin ni Demi."natutunugan kong asar ni Noah.

"Shut up, dude. Demi will just be one of those girls. She'll fall for me."

Hep! Hep! Ang galing niyong mang-backbite eh nandito lang ako! Halleer! Lumingon nga kayo sa likuran niyo! Hoooyyyy! 

"Cheers to that. "Kaito cheered. "I'll bet my Audi for that."

"Are you out of your mind?"Noah jerked and laughed. "Demi announced last week that she has a boyfriend."

"May-ari yata ng McDonalds e. Patawa masyado."wika ni Kaito na nagpapantig ng tenga ko. Gusto ko na nga siyang batuhin ng sapatos ko. Tsk.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" 

Nakalimutan ko yatang sabihin sa inyo na prinsesa rin ako minsan ng kalampahan. Tulad ngayon, tuluyan na nilang napansin ang presensiya ko dahil natapilok nalang ako nang marinig yung huling sinabi ng gagong si Kaito. Nanggigil ako. Ugh. Ba't naman kasi gano'ng pangalan pa inimbento ko. Hindi tuloy kapani-paniwala. 

"Demi?"tawag nila.

Natapilok po ako. Hinay-hinay na tumalikod ako sa kanila. Kunwari akong narinig.

"Are you okay? You should have been more careful."sabi ng mayabang na si Yu.

"Yeah. My fault. Katext ko kasi 'yong boyfriend ko."pagmamayabang ko. Sabi ko sa inyo diba? Magaling akong magsinungaling.

"Oh! Poor lang ba 'yan  at nagkakasya lang sa texting?" pang-aasar ni Kaito. Parang babae talaga 'tong bibig nitong lalaking 'to e. Ang kapal ng mukhang laitin ang imaginary boyfriend ko e wala nga rin naman siyang girlfriend!

"Ang totoo, ako 'yong may gustong kapag nandito ako sa university, magte-text lang kami but he always calls me naman each time I am home. We also do video-chatting."

 Dumilim naman 'yong mukha ni Harry sa sinabi ko.

"If you're really alright, mauna na kami. Take care next time, Demi."paalam ni Harrey. Kumindat naman ang nakakadiring si Noah. Tsk.

Kung physical lang 'yong basehan, perfect guy naman sana. Wala nga lang sparks. Pero hindi talaga, ang yabang kasi.

Dahil busy si Keam at Carlene kasama ang mga boyfriends nila, mag-isa na naman ako sa library. Pinagtataguan ko rin kasi si Christian dahil nangungulit na makapartner ako sa sayaw para sa darating na English Festival. Psh, ang kulit niya. Hinindian ko na nga.

Isang text-message ang natanggap ko na nagpatakas ng kulay sa mukha ko. Kinusot ko pa ng paulit-ulit ang mga mata ko bago ko binasa sa pangalawang beses ang message.

From: Unknown Number

We should meet, girlfriend.

Tell me. This isn't the guy I claimed my boyfriend. Wyatt Ryuu McDonalds is too funny to even exist. Right?

Right?

Ayoko na sa earth.

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now