IX- Angry

1.8K 73 20
                                    

🌺Demi's Point of View:

Ininvite ako nina Keam na sumama with them sa beach. Pero di ako sumama dahil malamang OP na naman ako. Kasama kaya nila ang mga boyfriends nila! Isa pa, si Camden nandoon at malamang nando'n din ang mga kupal na kaibigan nito, si Harrey, Noah? Naaaa. I'd rather stay at home. Dahil mamaya pa ang alis nila, pinipilit na muna nila akong sumama sa kanilang manood ng movie.

Iyon 'yong time na nanotice kong nakatingin sakin 'yong tipaklong na sumira ng weekend ko! Nakikinig pa siya sa usapan namin. Wala talagang manners ang kumag!

Nagpunta na lamang ako sa park nang magkaroon ako ng pagkakataon takasan sina Keam at Carlene.

Habang mag-isa, napaisip ako tungkol sa naging text ni Harvey sa'kin kagabi.

From: Prince Charming
Demi, sorry ulit. 'Wag mo nalang pansinin si Lianne. She can really be paranoid at times.

Lianne? 'Yan 'yong bagong babaeng inaway ako sa facebook. I viewed the profile pero sobrang private! Wala akong makitang picture. Akala ko nga poser e. Kaya hindi ko na pinansin. Itong text lang talaga ni Harvey ang nagpagulo ng lahat. Wala naman sana kasi akong pakialam kahit na ilang babae pa ang magmessage sa'kin sa facebook para awayin ako. Tss.

Di ba inamin nya namang girlfriend niya si Lizzie? Gosh! Hindi kaya totoo 'yong sinabi ni Nathaniel na pareho lang sila ni Harrey na sobrang babaero? Tsk. Tama nga. Ano pa nga ba di ba?

Mapayapa akong nakakapag-emote nang may mapansin akong lalaki na naglalakad sa park. Napatayo ako. Bubunutin ko na sana 'yong sapatos ko pero napatigil ako. Naalala ko ang nangyari sa hospital. Ang gago, ba't na naman siya nandito sa kung sa'n ako?

"Hey loser."tawag nito sa'kin.

"Stalker ka ano? Iniistalk mo 'ko!"

Ngumisi siya at saka umiling na nagpainis sa'kin. Bakit ba ang daling uminit ng ulo ko pagdating sa asungot na 'to?

"Itigil mo 'yang kasusunod sa'kin."saway ko sa kanya. He laughed!

"Hindi bagay ang gwapong katulad ko para maging stalker mo."mahangin na sagot nito.

"Ang kapal ng mukha! In case you don't know, hindi ka gwapo!"

"Hindi? You should see the dictionary."

"Uh-uh. Nope. No need. Maliban nalang kung nag-iba na ang meaning ng gwapo."

"Umamin ka na. Ikaw 'tong sunod ng sunod sa'kin. Siguro may gusto ka sa'kin, ano?"

"Eww. Nakakadiri ka. Para kang basura, masakit ka sa ilong at sa mata."

Napa-cross arms ako habang nakangiti ang gago. Takte, ang ganda ng ngipin. Demi, 'wag kang tumingin!

"Loving the view, Demi?"tanong niyang nagpa-shock sa'kin.

How the hell did he know my name?

"What?"

"Nakatitig ka kasi. Mukhang masaya ka sa nakikita mo."pabulong na sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa'kin.

"No. How did you know my name?"I asked, still shocked.

"Tss. Demiteyr Abrahams. Never nice to finally meet you."

"What? Who are you?"

Who the hell- Nope. This is not him, right? He isn't the guy I have in mind! He can't be the boyfriend I have invented!

Before he could even say anything else, I flounced away, far away from him.

The next day, nagpractice ulit kami ni Harvey. Nakakainis lang dahil hindi ko magawang maging consistent sa nararamdaman ko, ang magalit sa kanya matapos niya akong landiin habang may dalawang girlfriends siyang inaaway ako. Each time na nakikita ko siya kasi, nawawala nalang 'yong inis ko! Ang hirap na hindi maappreciate ang mukha niya. Perfect na perfect kasi.

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now