XXVII- Second Goodbye

1.3K 45 12
                                    

🌺Demi's Point of View: 

Nahihirapan akong ibuka 'yong mga mata ko. It hurt. Pero pinilit kong bumangon. I remembered I've been crying all night and that absolutely explained why my eyes are bulging and in pain. 

"Good morning, Demi."

"My morning isn't good."malungkot na sambit ko.

"I'll make it good for you."nakangiting sabi niya. "Get up babe. It's time for breakfast. Kailangan mo naring umuwi. Keam and Carlene are calling me this morning. Nag-aalala 'yong mommy mo."

Pinatay ko kasi ang phone ko para hindi nila ako matawagan. Pati si mommy, naiinis ako sa kanya. Kailan ba niya balak sabihin? Tss. Kung pwede lang sanang hindi na umuwi e. Matapos kumain, hinatid na agad ako ni Noah.

"Do you want me to come? Sasamahan kita."Noah thoughtfully offered when we're home. 

"Hindi na Noah. Okay lang."

Bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto. Eksaktong pagbaba ko ng kotse, bumukas 'yong gate at iniluwa no'n ang kotse ni Wyatt. Anticipatedly, it stopped. Pero napakunot nalang ako ng noo ng lumabas do'n si mommy at ang mga kaibigan ko. Wyatt stepped out last.

"Anak naman! Gusto mo ba akong mamatay sa pag-aalala sa'yo? I've been calling you all night! Hindi ka ma-contact. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo."naluluhang pahayag niya na nagpangitngit lang lalo ng dibdib ko. I suddenly hated her voice. 

"Well, I'm fine. I'm still alive."pamimilosopo ko.

Keam and Carlene are looking at me like I'm a creature of different form. Naiintindihan ko naman. Hindi nila kailanman narinig na sinagot ko ng gano'n si mommy. They knew well that mom means the world to me. Sa ngayon, galit ako sa kanya at ayaw ko rin siyang makita.

"Demi—"Noah muttered, tapping my arm.

"Hijo, hindi mo dapat kinonsenti ang anak ko. Sobra kaming nag-aala sa kanya. Akala namin—"

"Stop blaming her mom! Kung hindi man ako umuwi, hindi kasalanan ni Noah 'yon."singhal ko sa kanya. Pinipigilan ko ang mga luha kong pumatak. Nangingilid na sila sa mga  mata ko.

"Demi, your mom's right."Noah intervened. "I'm sorry tita—"

"Noah! Wala kang kasalanan."I snapped at him. "Stop blaming him. Wala siyang kasalanan rito. Magpasalamat nga kayo at nandiyan siya dahil kung hindi, hindi niyo na ako makikita mom!"

"Demi, anak. Mag-usap tayo ng maayos."

"No! Para sa'n pa? Ang tagal mo na dapat ginawa 'yan mommy e!"I finally let go of the tears. "Ngayon, alam ko na lahat. Wala na tayong pag-uusapan."

"Pwede ba anak, 'wag kang maging makasarili? Pakinggan mo muna ako."pakiusap niya na umiiyak na rin.

"Makasarili? Ako ba 'yon? Mommy, inintindi kita. Kailan? May naalala ka bang tinanong kita tungkol sa ama ko? Wala. Hindi ako nagtanong kasi alam kong nasasaktan ka. E paano naman ako? Habang buhay nalang bang hindi ko malalaman? I deserve to know mom! I didn't ask you but it was your obligation to tell me!"

Full of hate, I strode past them. 

" Demi—"

"Don't touch me Wyatt!"I shrieked when he tried to stop me. "Ba't ka nandito ha? I already told you, ayaw kitang makita."

"Please don't do this. Alam mo kung bakit ko ginawa 'yon. Intindihin mo naman ako."

"Woah. Gano'n nalang 'yon? Ako na naman ang iintindi? Paano naman 'yong nararamdaman ko? Wyatt, ang dami ng pagkakataon na pwede mong sabihin sa'kin! You know how I truly felt about wanting to know my father! Ikaw lang 'yong pinagkatiwalaan ko sa bagay na 'yan. Not even one of my friends knew. You could have told me. Hindi mo sana ako sinasaktan ng ganito ngayon."

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now