XLIV- Game Night

1.4K 59 10
                                    

🌺 Demi's Point of View:

Mugto 'yong mga mata ko nang gumising ako. Wala akong ganang bumangon. Nakadapa lang ako't nakatitig sa lockscreen ng phone ko, the shirtless pretty boy, smiling so attractively. 

"Paano mo nakakaya? Paano ka nakakangiti ng ganyan? Paanong parang wala lang sa'yo 'yong nangyari noon? Paanong okay ka lang at ako hindi?"bulong ko sa picture niya.

"Demi! Demi, you'll get lost. Just stop!"tawag niya habang hinahabol ako.

Napahinto ako't humarap sa kanya.

"Tama na kasi, Wyatt. Gawin mo kung ano 'yong ginawa mo no'n."sigaw ko sa kanya. "Wag mong ipagyayabang sa lahat na mahal mo pa ako kasi kahit kailan, hindi ko na 'yan papaniwalaan. Sinukuan mo 'ko di ba? Pinalaya mo na ako."

"Dahil iyon ang gusto mo!"

"Sa tingin mo, ayaw ko na ipaglaban mo 'ko?"umiiyak na tanong ko. "Umalis ka dito. Iwan mo 'ko gaya ng ginawa mo no'n."

"Ikaw ang nang-iwan Demi. Ba't mo iniiba 'yong nakaraan?"

"Sino ba ang unang umalis? Hindi ba ikaw? Please, layuan mo na ako. Kung oo 'yong sagot mo sa tanong ni Gia, sorry. Pero kahit anong gawin mo, hindi na ako babalik sa'yo."

Nang maramdaman kong may pumasok sa kwarto, agad kong ipinikit ang mga mata ko para magpanggap na tulog. When I felt the warmth of her hand on mine, I knew it's mom. Bumangon agad ako at yumakap sa kanya.

"Your sister says sorry."sabi niya.

"I'm not angry with her."sagot ko kaagad. "Gusto ko ng umalis, mom."pag-amin ko. Kung hindi lang kasal ng mga magulang ko ang dahilan, matagal na akong umalis.

"It'll be two more weeks, munchkins. Hindi naman pwedeng wala ka. Ikaw ang maghahatid sa'kin sa daddy mo."

Umiiyak na tinanguan ko siya.

"Okay mom. Hindi ako mawawala sa araw na 'yon."

"Anak, alam kong nasasaktan ka parin."naluluhang wika niya. It made my tears spring out so fast. "Pero hindi ba, ikaw 'yong nagturo sa'king makinig? Sa tingin mo ba, hindi niya deserve na mapakinggan?"

"It's not that mom. Kasi ngayon, hindi na 'yong sa kanila ni Willow ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko. I don't care anymore about what happened that night. He gave me the saddest Christmas two years ago, mommy. He broke my heart."

Sa tingin ko, hiniling ni mommy kay Wyatt na 'wag akong lapitan. For the whole week, he's nowhere. Hindi ko siya nakita. We went out to dinners pero wala siya. Gia was still feeling guilty about the Truth or Dare thing which I really didn't mind. Hindi siya naniniwalang hindi ako galit sa kanya. Kaya siguro pumayag siyang wala ang kuya niya para bumawi sa'kin.

"Sayang beshy, hindi natupad ang pangarap nating maging magkapatid."seryosong wika ni Keam na nagpatawa sa'kin. 

Kakarating lang namin sa resort kung saan gaganapin ang kasal. In three days pa 'yon pero nandito na kami sa location. 

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now