XVIII- Her Jacob

1.5K 54 16
                                    

🌺Demi's Point of View:

Like my intuition, Willow was shocked to know what happened to Wyatt. He's still unconscious for three days that he's in the hospital. Tama naman at kababalik lang ni Willow ng Pinas. Pupunta raw siya agad.

I was waiting for her. Si tito Ren naman, Wyatt's dad, left to check on his daughter. She's twelve and was very fond of her brother. The last time that Gia was here, nagwala siya nang makita ang kuya niya. She broke down and fainted. After that, hindi na siya pinapabalik ni tito ng hospital.

"Hi. Where's Ryu?"a tall woman of about 6ft came running to me. This must be Willow; she looked so much better in person. Kung sobra akong nagandahan sa kanya no'ng araw na tiningnan ko lahat ng pictures nila sa laptop ni Wyatt, mas maganda siya ng isang daang beses sa personal. Para siyang manika. And she's even sexier than in the picture too.

"Na—nasa loob."nauutal na sagot ko.

I couldn't even blink while staring at her perfect face. Sumunod ako sa kanya. Niyayakap niya si Wyatt habang umiiyak.

"Ryu, I'm here babe. Talk to me."

Parang hiniwa ng paulit-ulit 'yong puso ko kaya umalis nalang ako. I cried silently in the corner. Ito 'yon e. Kaya ayaw kong mahulog sa kanya kasi hindi kailanman magiging totoo ang kwentong isa lang namang imbento. Si Willow, she's the one he loves. Siya 'yong totoo. Sila 'yong totoong may 'sila'. Ako? Wala. I'm nobody.

Hindi ako pumunta ng hospital sa sumunod na araw. Pagkagaling sa klase, dumiretso ako ng bahay.

"Ba't ayaw mong puntahan ang boyfriend mo 'don? Dalhan mo ng McFries o kaya McFlurry, or McWater para magising."pangungulit ng maingay na si Noah.

Mapilit kasi kaya pinapasok ko nalang ng bahay.

"Funny. Ha-ha."I sarcastically muttered.

"Ito naman. Pinapagaan ko lang 'yong loob mo."

"Bakit? Mabigat ba? Hindi naman a."

"Demi, hindi mo 'ko maloloko. Kahit wala kang sasabihin, alam ko kung kailan ka masaya, kung kailan ka malungkot, kung kailan ka nasasaktan at alam kung kailan gusto mong mapag-isa. You don't want to be alone, Demi. Iyon 'yong nakikita ko."aniyang nagpatahimik sa'kin.

Tama naman kasi siya. Kaya ko nga siya hinayaang samahan ako di ba? Kahit na napakakulit niya.

"Alam mo, mali tayo ng nauwian."sambit niya mayamaya pa. Suot niya ang pilyo niyang ngiti kaya nagkunot ako ng noo. "Tara na. Laro nalang tayo."

Tama nga; matapos niya akong bilhan ng Gelatissimo na cookies 'n cream, dinala niya ako sa sa Tom's World.

"Aling stuff toy diyan ang gusto mo? I'll get it for you."magiliw na sabi niya sabay pakita ng tokens na hawak niya.

"Umuwi nalang tayo."malambing na wika ko.

"Demi, magkukulong ka lang naman do'n. Sige na. Ikaw ang maglaro. Ikuha mo 'ko ng kahit anong stuff toy."aniya sabay abot sa'kin ng tokens.

"Mauubos nalang lahat ng tokens dito, hindi ko makukuha ang gusto mo."

"Hindi mo pa nga sinusubukan e. At saka, isipin mo, aalagaan ko 'yon dahil alam kong pinaghirapan mo."

I remembered the stuff toy he got me on that night I met him here with his brother. I named it after him, its name is Noah too.

"Fine. I'll get you the wolf because you're my Jacob."nakangiting wika ko.

Lumapad 'yong ngiti niya. Cheer siya ng cheer sa'kin pero naubos ko na ang 30pieces na tokens, hindi ko parin nakukuha 'yong furry wolf na stuff toy sa loob ng glass stall.

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now