VIII- Flirting

1.7K 71 10
                                    

🌺 Demi's Point of View:

Sunday night, nagpapatherapy ako kay mommy to make sure that my foot is fine. Okay naman na talaga. Wala na akong maramdamang sakit. Di rin naman namaga in the first place. Ayaw ko lang talaga na 'wag matuloy ang practice bukas.

Whole weekend na hindi ko nakita si Harvey. Gusto ko ng makita ang perpekto niyang mukha. Bahala na kung nakakainis siya. Gusto ko lang siyang makita. Hindi ko naman siya lalandiin. Titingnan ko lang. Ugh.

"Whole day ang practice natin ngayon, babe."sabi niya habang nagmamaneho. Sinundo niya kasi ako.

"Sinabi mo na 'yan."

"Nope. Ngayon ko lang sinabi 'yan."

"Sinabi mo na nga 'yan! No'ng Saturday pa."

"Saturday? Kailan 'yon? No'ng hindi mo 'ko sinipot?"

Ayan. Naaalala ko na naman ang tipaklong na dahilan kung bakit hindi kami nagkita! Tsk. Wag na sanang magpakita pa ang kupal na 'yon dahil kakalmutin ko siya hanggang sa masira 'yong gwapong pagmumukha niya.

"Tss. May emergency no'n. Basta, sinabi mo na no'n na whole day ang practice."pag-iiba ko ng topic.

"Ang kulit mo Demi. Hindi ko nga sinabi."

"Ikaw ang makulit!"

"Alright. Kapag naprove kong hindi ko pa nasabi 'yon, iki-kiss mo 'ko."maharot na sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa'kin.

"Harvey, nagda-drive ka!"

"Ano, Demi?"ayaw paawat na bulong niya.

Anak ng! 'Yong puso ko, hindi mapakali. Parang lalabas na siya sa dibdib ko. Naco-conscious tuloy ako kung naririnig ba niya ang malakas na kabog ng puso ko kasi ako? Dinig na dinig ko e. Feeling ko nga mabibingi ako sa sobrang lakas.

"No way. 'Wag mong kalimutang may girlfriend ka."I finally muttered. "Eyes on the road!"

"Kung wala ba akong girlfriend hahalikan mo 'ko?" pilyong tanong niya.

Hindi. Re-rape-in kita. Haha.

"Asa ka pa."anas ko sabay ngisi.

"Kaya gusto kita e. Hindi mo ginagawang madali sa'kin ang lahat."makahulugang wika niya na nagpatameme sa'kin.

What does he even mean by that? Tss.

I shoved the thought away and focused on our practice. Half of the production, napeperfect na namin. Pareho naming mahal 'yong pagsasayaw kaya rin siguro pareho kaming focused.

"Break na muna tayo."Harvey said, making me smile in secret.

Yikes. Ayoko nalang magboyfriend ng dancer. Masasaktan yata ako ng maraming beses eh. Kasi, kita mo? Nakikipagbreak lagi lalo na kapag may practice. Ang daming break-ups no'n. At saka, masakit 'yon. Haha.

We stopped the rehearsal for almost thirty minutes now. Nakapagpalit narin ako ng bagong shirt. Namamasa sa pawis 'yong suot ko kanina e.

"Demi, hija. Kumain ka muna. Magpapahanda ako ng merienda."Harvey's mom thoughtfully offered.

Hindi ako nakasagot. Nakatulala lang ako. I'm talking to my future-mother-in-law. Yikes. Bessy, ang ganda ng mommy nila. Para ngang kapatid lang nila e. Ang ganda. May pinagmanahan nga silang magkapatid. Ang gwapo ng mom nila. I mean, maganda. Haha.

In fairness sa mommy niya, feeling-close sa'kin. Haha. Hindi na ako nahirapan. She's talky too. Hindi siya boring kausap. Inaya pa nga niya ako ng dinner kaya do'n na nga ako nagdinner. Teka, sino ang feeling close ngayon ha? Siya parin. Tumanggi ako pero mapilit siya.

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now