XXXVI- Meet Up

1.1K 45 10
                                    

🌺 Demi's Point of View:

What is Noah talking about? Sinong tinutukoy niya? Who could have stolen me away from him? Is he referring to Wyatt? Magkapatid sila? Paano naman sila magiging magkapatid?

"Palmer, ano'ng sinasabi mo?"

"Inamin ni daddy sa'min na matagal na niyang hinahanap si Wyatt. Ngayon lang niya nakita. Dad was in comatose for almost two years. He woke up remembering nothing. Noong nakaraang taon lang bumalik ang ala-ala niya. Now he found him."paliwanag niyang hindi kapani-paniwala sa'kin.

Sandaling tumigil sa pagtibok ang puso ko. Hindi totoo ang narinig ko. It can't be. Wyatt told me his father died in a car accident! Papunta na ang daddy niya sa hospital no'n habang ipinanganak siya ng mommy niya. How did it happen?

"His father is dead, Noah."

"They thought he was dead."

No. This can't be true. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano mapapagaan ang nararamdaman niya dahil 'yong puso ko mismo, sobrang bigat.

"Hinding-hindi ko siya matatanggap sa buhay ko, Demi. Bakit sa bilyon-bilyong tao sa mundo siya pa? He took you away from me and now he's taking a place in my father's life!"

"Aren't you being unfair Noah? Hindi naman niya kasalanan na magkapatid kayo e."

Tumalikod siya sa'kin at alam kong umiiyak na naman siya. Ang bigat-bigat na naman ng mga mata ko. Kaya hinayaan ko nalang na pakawalan 'yong mga luhang gustong-gusto ng pumatak.

"Sana hindi nalang siya totoo, Demi. Sana hindi siya naging totoo sa buhay mo. Sana hindi nalang siya totoo sa mga buhay natin. I wish he didn't exist."lumuluhang sambit niya na nagpaiyak ring lalo sa'kin.

"I'm so sorry Noah. I'm so sorry. Pero alam mo kung ano 'yong dapat na sana? Sana... I didn't exist in your life because maybe by now, you would've been able to accept the truth. And maybe you wouldn't have been in pain."

"No. No Demi-"

"I'm right Noah. Kung hindi mo 'ko nakilala, hindi sana kita nasaktan. Hindi si Wyatt 'yong dahilan ng nararamdaman mong sakit. Ako. Ako 'yon Noah."

"Demi naman e."sambit niya. "Ikaw na nga lang 'yong nakikita kong dahilan para magpatuloy sa nakakapagod na buhay na 'to."

"Don't say that Noah. Please. Gusto kong maging nariyan palagi para sayo pero hindi na pwede. Gusto kong suklian 'yong nararamdaman mo para sa'kin pero hindi na pwede." Napahagulhol ako. Why am I even saying this? Why am I breaking his heart again? "I'm so sorry. Noah, sa tingin ko, kailangan mo na akong kalimutan."

"Demi, sabi mo diba? You will always be here for me?"

"But I don't want to break your heart again and again. Mine breaks when yours does, Palmer. Please, do this for yourself."

For one last time, I wrapped my arms around him. I'm going to miss you, Noah Palmer. I'm going to miss you so badly. As I wished he would do, siya mismo ang bumitaw sa'kin. Ramdam ko 'yong milyon-milyong kutsilyong sumasaksak sa dibdib ko nang panoorin ko siyang lumayo. Selfishly, I silently whispered he'd look back.

But he didn't.

"Goodbye, Noah."

Maging ang pag-alis ng kotse niya ay hinintay ko pa. I watched him and his car disappear into the night. For a few minutes, I could not compose myself. I just cried silently remembering all the beautiful moments we spent together. They were all so beautiful that my heart was breaking to bits and pieces.

"Ano'ng nangyari? Did you guys kiss agai-Demi? Why are you crying?"she panicked when she saw my disposition.

Humagulhol lang ako sa balikat niya. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Ayaw ko siyang mawala e.
Pero iyon ang kailangan kong gawin.

Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now