Chapter 1: The Sophisticated Door

184 13 1
                                    

Hindi ko alam kung ano ang nakakaexcite sa tuwing sasapit ang unang araw ng pasukan pero hindi ko talaga mapigilan ang mga blood cells ko na matuwa.

"Misha, ano bang ginagawa mo? Late ka nanaman!" narinig kong sigaw ni mama mula sa baba.

Napapoker face ako sa narinig ko mula sa kanya. Iniisip ko na nga na positibo pa rin ang paggalaw ko pero ginising naman ako ng mahal kong ina sa katotohanan na late na naman ako.

"Naeexcite pa naman ako pumasok." nakangiti kong sabi habang bumababa ng hagdan.

"Excited ka pa ba sa lagay na yan?" natatawang sagot naman nito para tuluyan na akong magising.

"Mama! puro positive  thoughts na nga  yung naiisip ko pero pinapalitan mo naman ng negative thoughts!" napapadyak ako habang kinukuha ko ang baon sa lamesa.

Sinagot lamang ako nito ng mahinang tawa saka pinaalis na dahil baka malate na ako ng tuluyan. Pumara ako ng jeep saka sumakay papunta ng school.

"Kuya, bayad po…" iniabot ko ang aking pamasahe sa lalaking katabi ko upang makisuyong iabot ito sa driver.

Ilang segundo nang nakalahad ang aking kamay ngunit hindi pa rin ito inaabot ng lalaki.

"Kuya paabot naman." sabi ko habang inaabot sa kanya ang pera ko.

Ngunit tinignan lamang ako nito saka nagpipindot muli sa kanyang cellphone. Napairap na lamang ako at ako na ang tumayo upang iabot ito sa driver.

"Salamat kuy-- wahhhh!" halos madapa ako sa sahig ng jeep nang patidin ako nito.

Napapikit na lamang ako nang malapit na akong bumagsak sa sahig. Naramdaman ko ang pagsalo ng isang kamay sa akin saka ako napadilat.

"Miss, okay ka lang ba?" tanong nito sa akin habang salo pa rin ako.

"Oo. Salama--" napatigil ako sa sasabihin ko nang marinig ko ang pagsasalita noong lalaki kanina.

"You're  so annoying! Where's my car? Can you imagine that I am sitting inside of this cheap car while inhaling the polluted air of the Philippines!" napaupo muli ako sa kinauupuan ko kanina saka napairap dahil sa kaartehan ng lalaking ito.

"Jusko! kalalaking tao ang arte." bulong ko na ikinatawa naman ng katapat kong lalaki na siyang sumalo sa akin kanina.

"Salamat nga pala huh?" nakangiti kong pasasalamat sa kanya.

"No problem. Transferee ka sa Infinite Chimera Academy?" pagtatanong nito sa akin habang nakangiti.

Bakit napakagwapo nito? Jusko! Lord patawarin niyo po ako sa aking mga kasalanan hindi pa po ako handang pumunta ng kalangitan.

"Ahh, oo." pilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil sa anghel na kaharap ko ngayon.

"Kung maglalandian kayo. Wag sa tabi ko pwede?" napatingin ako sa katabi ko saka nakita ang nakakunot na noo ng lalaki kanina.

"Bishop? May buwanang dalaw ka ba huh? Baka naman gusto mo pa akong pababain at ibili ka ng diaper o sanitary napkin?" natawa ako sa sinabi ng lalaking kaharap ko.

"Manahimik ka nga Relic!" halatang naiinis na sabi nito sa katabi ko.

Natawa naman ito saka siya binatukan hindi ko na sila pinansin at bumaba na ng jeep dahil nasa tapat na kami ng school.

Ikinabit ko ang earphone ko saka naglakad habang dala ang aking mga libro sa kabila kong kamay. Hindi ko naman narinig ang sigawan sa likod ko kaya nabangga nila ako at nahulog ang dala kong libro.

Napalingon ako sa likod ko dahilan para makita ko ang kaguluhan dahil sa paglalakad nila Relic at Bishop. Agad kong niligpit ang aking gamit saka tumayo at naglakad ng mabilis.

"Ganoon pala sila kasikat rito." dahil sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko man lang napansin na lumagpas na pala ako sa classroom.

Pabalik na sana ako nang may makita akong kwarto. Lumingon ako sa iba pang rooms at parang ito lang ang modern at high-tech ang pagkakagawa.

Naglakad ako papunta sa pintuan saka hinawakan ang door knob nito ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng bumukas ito at iniluwa ang isang teacher.

"Go-good morning sir." bati ko sa kanya habang umaakto na parang napadaan lamang.

"Good morning, Ms. Fontazillo. Naligaw ka yata ang pagkakaalam ko ay roon lamang ang room niyo." itinuro nito ang aming room na kanina'y nalagpasan ko.

"Oo nga po. Hindi ko pa po kasi masyadong kabisado ang building." pagkukunwari ko na parang may hinahanap.

"Then I'll go first, I have my class." nakangiting sabi nito sa akin saka umalis.

Tinitigan kong muli ang kwarto na iyon. Ano kaya ang laman nito? Bakit napaka-modern at high-tec nito?

"Miss?" nagulat ako dahil sa pagtawag ng isang lalaki sa akin.

"Ahh yes?" kasabay nang paglingon ko ang pagkakita ko kay Relic.

"Ikaw pala. Anong tinitignan mo dyan?" tanong nito sa akin nang nagtataka.

"Yung room dito." itinuro ko ang pinaglalagyan nito habang nakatingin sa kanya.

"Huh? pero bakanteng lugar lang ang nandyan." nagtatakang sagot nito sa akin.

"Hindi. Meron talaga." bigla na lamang akong napanganga nang paglingon ko muli ay nawala ang room.

Tumakbo ako papunta rito saka ito kinapa-kapang muli.

"Ms.Misha?" rinig kong may tumawag sa akin.

Napalingon naman ako sa nagsabi ng aking pangalan.

"Hello! I am the President of your class and I'm one of your classmates. My name is Tessa Morillo, nice meeting you." inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko.

"I am Misha Fontazillo. Nice meeting you." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Misha, mauuna na ako." pagpapaalam sa akin ni Relic na kinindatan pa ako.

"Nakikita mo rin?" tanong ni Tessa sa akin na ikinagulat ko naman.

"Ang alin?" tanong ko rito nang naguguluhan.

"Ang Infinite Chimera." sagot nito sa akin. Eh school namin yun di ba?

"Ang academy iyon di ba?" natatawa kong sabi sa kanya.

"Soon, you will find out what Infinite Chimera is…" sabi nito saka ako iniwanan.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Infinite Chimera?

The Infinite ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon