Chapter 13: The 'Dodge the Camera' Game

45 4 0
                                    

Nagulat ako sa sinabi ni Pierre dahilan para magtago sila. Medyo nataranta pa ako at hindi alam kung saan pupunta.

Nakatago na silang lahat maliban sa akin.

"Misha, magtago ka!" mahinang sabi ni Tessa sa akin.

Napatakbo ako sa likod ng isang sasakyan saka doon nagtago at nahiwalay sa mga kasama ko.

"Sh*t. Umikot ka!" narinig ko ang mahinang sigaw sa akin ni Bishop.

Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang sinag ng flashlight na papunta sa tinataguan ko.

"Pare! Anong ginagawa mo d'yan?" narinig kong tanong ng isang security guard na nakapwesto sa guard house.

"Parang may narinig kasi akong nagsasalita banda dito eh." sagot naman nito dahilan para lalong mapahigpit ang pagtakip ko sa aking bibig.

"Guni-guni mo lang 'yan." narinig ko pang sabi ng guard sa guard house.

Nakita ko ang pag-ikot ng sinag ng flashlight. Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko dahil hindi ko narinig ang paghakbang ng kanyang paa.

Kasabay nang pagsilip ng guard sa pinagtataguan ko ang pagtalon ko sa kabilang side ng kotse.

Nakita ko sa kanyang anino ang pagkamot nito sa ulo at ang pagtalikod nito.

"Bawas-bawasan ko na nga panunuod ng mga horror movies." sabi nito saka umalis at bumalik sa kanyang pwesto sa back gate.

Bawat paghakbang niya ay sinabayan ko nang paghakbang pabalik sa pwesto ko kanina.

"Tara." nabasa ko ang pagbuka ng bibig ni Prince.

Dahan-dahan akong tumakbo papunta sa direksyon nila.

"Ano bang iniisip mo? Sabi nang wag lalayo sa akin eh." gustong-gusto kong batukan muli si Bishop dahil sa kanyang sinabi.

"Kaya ko sarili ko." sagot ko naman sa kanya saka lumapit kay Tessa.

"Aww. Pare, busted ka na." natatawang sabi ni Prince kay Bishop.

"Busted? Well... I don't know that word. One more thing, I'm not courting her so shut your mouth if you want to live a happy life, kid." pagbabanta ni Bishop habang sumusunod sa amin ni Tessa.

"CCTV." turo ni Tessa sa camera na nakakabit sa poste na pagitan ng dalawang rooms.

"Where's the blind spot?" tanong ni Pierre kay Prince.

"There." napalingon kaming lahat sa nagsalita.

"Relic?" sabay-sabay naming tawag sa kanyang pangalan.

"Hi." bati nito sa amin habang nakangiti.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Relic.

"Well... I'm following my bestfriend here." sabi nito saka inakbayan si Bishop.

"Tss." nairita si Bishop rito ngunit halatang pinipigilan ang ngiti.

Wala akong pakialam kung weak ka kasi kahit anong hina mo ikaw lang ang pinakamalakas na taong kilala kong nakakapagpalabas ng ngiti ko.

I'm not the only one, boy.

"H'wag mo nang pigilan yan. Aminin mo na, na hindi lang ako nakakapagpalabas n'yan." sabi ko saka tumalikod sa kanya.

Nauna akong maglakad sa kanila saka dumaan sa tinurong blind spot ni Relic kanina.

"Ingat!" sabi ni Bishop saka ako hinila papunta sa kanila dahil may paparating na guard.

"I'm not your obligation." nakangiti kong sabi sa kanya saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

Ayoko ng ganito. Ayoko nang nakasasagabal sa iba. Kaya kong patunayan na hindi ako pabigat.

Nakakita ako ng isa pang CCTV sa susunod na room. Tinitigan kong mabuti ang pwesto nito at kung saan kami pwedeng dumaan.

"There." sabi ko at itinuro ang likod ng lumang white board.

Maingat kaming pumunta sa likod ng white board at doon namin nakita ang mga lumang upuan.

"Sa taas tayo tatapak." sabi ko habang pinipitik ang lumang upuan.

"Bakit?" nagtatakang tanong sa akin ni Prince.

"In case na may sumulpot na guard ay hindi nila makikita ang paa natin." paliwanag naman ni Bishop na ikinangiti ko.

Nagkakaintindihan naman pala kami dito eh.

Sinimulan ko ang pagtapak sa upuan at doon dahan-dahan lumakad para hindi makagawa ng kahit anong ingay.

Napahinto ako't napayuko nang marinig ko ang pagdating ng mga guard.

"Saan mo nakita?" tanong ng isang guard sa isa.

"Dito. Dito ko nakita yung anino kanina." parang familiar yung boses nito.

"Tignan mo nga." utos ng isa pang guard sa kanya.

Nagulat kami nang sumilip ito sa kinalalagyan namin. Inilagay ko ang aking daliri sa aking bibig.

Kaya pala familiar dahil siya yung tumulong sa amin ni Bishop noong nasaksak ito.

Dahan-dahan akong lumuhod nang walang ingay saka ipinagdikit ang aking palad na parang nagdadasal.

"Please, kuya." sabi ko habang nakaluhod. Nakita ko ang kanyang pagtango.

Tumalikod ito sa amin at nakita ko ang kanyang kamay na nagsasign na umalis na kami.

"Thank you po." bulong ko nang mahinang-mahina.

"W-wala naman doon. Tsk tsk baka guni-guni ko lang." nakita namin ang pag-alis nila.

Tumayo ako at dahan-dahan na naglakad papunta sa dulo ng white board.

Nakita namin ang susunod na CCTV.

"Kapag nalagpasan natin 'to, isa na lamang ang natitira at isang laser beam." paliwanag ni Tessa sa amin.

"Then." sabi ko at sumandal sa pader.

Hinihingal ako dahil sa pinagsamang kaba at pagod.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Relic. Tumango naman ako bilang pagsagot at umayos ng tayo.

"Since nandito tayo at ito lamang ang camera, madali tayong makadadaan." sabi ko dahil ang pinagkakabitan ng camera ay katabi kung saan kami nakatayo.

Dahan-dahan akong naglakad sa baba ng camera para hindi makita ang kahit anong parte ng katawan ko.

Sumunod naman sila sa akin. Nakalimutan kong sabihin na umiikot pala ang camera ng school namin.

"Wait. Iikot na siya." sabi ko saka tumigil. "Stand straight." utos ko sa kanila.

Bawat pag-ikot ng camera ay sinasabayan namin nang paghinto. Medyo mabagal man ngunit nakarating din kami sa dulo ng corridor na kung saan nandoon ang hagdan.

Umakyat kami sa hagdan papunta sa aming room. Nauuna akong maglakad sa kanila ng walang kasabay.

Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko. Nagulat na lamang ako nang may humila sa akin papunta sa gilid ng locker.

Narinig ko ang pagtakbo ng mga guards papunta sa amin na kung saan nanggaling ang ilaw.

"Baliw ka ba?" tanong sa akin ni Bishop habang hawak nang mahigpit ang phone ko upang hindi lumabas ang ilaw.

"Siguro?" may pagtatanong sa aking boses dahilan para matawa siya nang mahina.

Nakita ko naman si Tessa na sumesenyas na nakita na kami ng guard.

Nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Bishop dahil sinandal niya ako sa pader at hinalikan. Pumalag pa ako ngunit tuluyan nang nanlambot ang aking tuhod. Pakiramdam ko kahit anong oras ay matutumba ako.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni manong guard sa amin.

Inilagay niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Sagutin mo."

The Infinite ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon