Chapter 11: The Another Lost

47 4 0
                                    

Hindi ko alam kung magiging malungkot o kakabahan ako sa narinig ko.

It will result to a harmful one.

Hindi ko napansin na ilang minuto na pala akong nananahimik at hindi nagsasalita.

"Hello Misha?" sabi ni Prince na nakikinig din pala sa linya ni Tessa.

"Ahh y-yes?" sagot ko nang magising mula sa pag-iisip.

"Okay ka lang?" tanong pa ni Prince.

"Pa'no naman hindi magiging okay yan? eh hindi naman siya yung nasaktan." mas lalo kong ikinainis ang sinabi ni Bishop sa akin.

"Una sa lahat, hindi ko kasi alam kung ano ang mararamdaman ko kung magiging malungkot ba ako kasi nawalan ako ng mga kaibigan o kakabahan ako dahil sa pinagsamang lakas ng kambal." hindi ko na mapigilan ang mga luhang umagos sa aking mga mata.

"At pangalawa, sana hindi mo na lang sinalo yung saksak para sa akin tumama 'di ba? Hindi yung sinusumbat mo pa sa akin lahat nang nangyari!" napasigaw na ako dahil sa nararamdaman kong inis.

"Misha, rela--" pinutol ko ang sasabihin ni Relic at ipinagpatuloy ang sasabihin ko.

"Edi sana ako yung nakahiga d'yan at hindi ikaw! Oo na nga di ba? Inamin ko na ang kasalanan ko. Nag-sorry na ako at ngayon, magpapasalamat ako. Salamat dahil sinalo mo 'yan at iniligtas ako. Salamat, napakabuti mong tao." umiiyak kong sabi kay Bishop.

Huminga ako bago ko ipagpatuloy ang aking sasabihin.

"Kung sagabal man ako sa inyo, please sabihin ni'yo na lang." sabi ko habang pinupunas ang luha ko. Wala naman akong narinig na kahit anong salita galing kay Bishop

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Kung bakit ako nasasaktan sa bawat masasakit na salitang ibinabato sa akin ni Bishop, nakakainis lang.

"Misha, hindi ka sagabal okay?" sabi naman ni Tessa sa akin ngunit hindi ko na siya sinagot.

"Bababa ko na 'to. Ingat kayo." sabi ko bago ibaba ang tawag at nagsimula muling maglakad papunta sa sakayan ng taxi.

Habang hinihintay ko na mayroong mapadaan na taxi ay mas lalong humihigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.

"Waaaahhh!" napasigaw ako at napasabunot sa buhok ko.

Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. Pakiramdam ko wala akong natutulong sa problemang ito.

"Tumayo ka d'yan."

Naiangat ko ang ulo ko saka pinunas ng panyo ang aking luha bago tumingin sa nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Bishop. Napansin ko din na hindi na siya nakasuot ng hospital gown dahil nakajacket na ito at plain white shirt sa loob saka naka-ripped jeans.

"Hindi ko alam." diretsong sagot nito sa akin na ikinainis ko.

"Wala ka na bang alam na sabihin kung hindi 'hindi ko alam'. Nakakainis na!" naiirita kong sabi sa kanya.

Sakto naman na may dumaan ng taxi sa harapan ko kaya pinara ko ito kaagad. Inilagay ko sa harap ang bag ko saka hinawakan ang hawakan ng pinto ng taxi.

"Sino may sabing umalis ka?" napahinto ako sa sinabi niya ngunit kaagad naman akong nakabawi at binuksan ang pinto ng taxi.

Aktong sasakay na ako ng hilahin ako ni Bishop papalabas.
Nakangiting ipinasok ni Bishop ang kanyang ulo sa loob ng taxi.

"Kuya, alis ka na po. Nagtatampo lang 'to." sabi niya dito habang hawak pa rin ako.

"Kabataan nga naman oh." napakamot na lang si Manong driver sa kanyang ulo.

"Pasensya na po." ikinagulat ko ang kanyang sinabi. Marunong naman palang humingi ng pasensya.

Nang makaalis ang taxi ay kaagad akong hinila nito papunta sa parking lot.

"Bitaw." may awtoridad kong sabi sa kanya na hindi niya naman pinansin.

"Bitaw na kasi!" naiinis kong sabi sa kanya habang sinusubukang tanggalin ang kanyang kamay.

Mas lalo lang humigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Hindi ko napansin na nandito kami sa harap ng sasakyan niya.

Binuksan nito ang pinto na katabi ng driver's seat saka ako itinulak papasok. Umikot naman siya sa kabila saka pumasok at tumingin sa akin.

"Ano bang kalokohan 'to?" may inis pa rin ang tono nang pagtatanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako sinagot.

"Gusto mong mag-sorry ulit ako sayo? Fine! Sorry kung palagi ka na lang nasasaktan ng dahil sa akin. Sorry kasi pakiramdam mo may mabigat na responsibilidad na nakaatang d'yan sa balikat mo. Sorry kung napaka-weak ko! Sorry kung inoobliga kitang ilig--" naputol ang sasabihin ko nang hampasin niya nang malakas ang manibela.

"Kahit ilang beses akong masaktan, ayos lang! Hindi ka responsibilidad, kasi obligasyon ka. Wala akong pakialam kung weak ka kasi kahit anong hina mo ikaw lang ang pinakamalakas na taong kilala kong nakakapagpalabas ng ngiti ko!" dahil sa kanyang sinabi ay napatitig ako nang gulat sa kanya.

"Okay na? sapat na bang rason 'yon para tumigil ka kakadaldal?" bumalik ang seryoso nitong mukha.

Nanahimik ako saka tumingin na lamang sa labas ng salamin. Pinaandar na niya ang sasakyan.

"S'an mo ako dadalhin?" tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya.

"Gusto mong umuwi di ba? Ito na dadalhin na kita do'n." sabi nito sa akin.

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" tanong ko sa kanya habang nagdadrive siya.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam." 'yan nanaman siya sa sagot niya na 'hindi niya alam'.

Nakakainis pero hindi na lamang ako nagsalitang muli. Nakita ko sa peripheral view ko na ikinabit niya ang kanyang earpiece.

"Anong address ni'yo?" tanong nito sa akin na ikinapagtaka ko.

"Bakit?" napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang pagtatanong.

"Wag na. Natandaan ko na." saglit itong tumingin sa akin ngunit agad ding umiwas.

"Pa'no mo nalaman address namin?" nagtataka kong tanong.

"Hello? Good evening, may I order a korean dish? Yes, please deliver it to this address, No. 1322, Hera Subdivision, Quezon City. Yeah, thank you." sabi nito na ikinagulat ko.

"Bakit ka umorder?" nahampas ko ang kanyang braso dahil sa gulat.

"Ano ba 'yon? Alam mo bang masakit?" tanong nito na halatang pinipigilan ang tawa.

"Alam mo rin bang busog ako?" tanong ko dito ngunit tinawanan lamang ako nito nang malakas.

"Alam mo rin bang hindi para sa'yo 'yon at para kila Tita 'yon?" napahiya ako sa sinabi ko saka napaiwas na lamang ng tingin.

"Okay na ba 'yang sugat mo?" tanong ko sa kanya dahil gusto ko nang ibahin ang usapan.

"Hindi pa." alam ko naman na 'yon ang sasagot niya.

"Eh bakit ka umalis doon?" tanong ko dito habang seryosong nakatingin sa kanya.

"Walang masama sa pagtakas kung ang rason nang pagtakbo ko ay ang obligasyon ko." obligasyon? hindi mo ako obligasyon. Gustong-gusto kong sabihin yan sa kanya.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa loob ng bag.

"Si Tessa." sabi ko kay Bishop na tumango naman. Iniloudspeaker ko ang phone ko.

"Hell--" naputol ang sasabihin ko dahil sa pagkataranta ni Tessa.

"Tessa?" tawag ko sa kanya sa kabilang linya.

"Misha?" tawag rin nito sa pangalan ko.

"Magtawagan na lang kaya kayo sa pangalan ni'yo?" natatawang sagot ni Bishop na mahina kong binatukan.

"Misha?" tawag pa rin ni Tessa na ikinatawa ko.

"Oh?" sabi ko nang natatawa dahil sa pagtawag niya sa akin.

"Nawawala si Amelia Wartz."

The Infinite ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon