Chapter 22: The Secluded Truth

25 4 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako nahulog sa mga salita mo nakakainis.

"Kuya, pakibilisan naman po." saad ko sa driver nang makita ko ang oras.

"Ikaw na kaya dito?" nanlaki ang mata ko sa sinagot niya at napalingon sa tabi ko. Nakita ko ang nakangiting Bishop.

Naisip ko naman ang clue ni Tessa isang bolang crystal? Ginagamit ang bolang crystal sa panghuhula di ba? Na parang nakikita nila ang future?

"It's precognition. The ability to see the future." sabi ko saka napatingin sa cellphone ko.

"Ano 'yon, miss?" tanong sa akin ni Manong.

"Wala po." kasabay nang pagsagot ko ang paghinto ng taxi, nandito na ako.

"Miss, hindi ka ba bababa? Mali ba ang terminal na napuntahan natin? Teka, iiko--"

"Hindi po! Tama lang po. Baba na po ako." binayaran ko siya saka naglakad papasok ng airport.

Kinuha ko ang phone ko saka dinial ang number ni Bishop.

"The number you have dialed is--"

Napatakbo ako sa kanan na direksyon nang makita ko siya.

"Bishop!" sigaw ko para marinig niya ako ngunit mukhang naka-earphone yata ito.

"Bishop! Bishop Castiel!" pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa ingay ko ngunit hindi pa rin siya tumitingin.

Hinunad ko ang aking sapatos saka siya binato saka ito napatingin sa akin nang may masamang tingin.

"What the he--" hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin nang yakapin ko siya.

"Ano bang ginagawa mo?!" bulong nito sa akin.

"Ayaw ko na." saad ko sa kanya. Please sana maintindihan mo.

"Tapos na ang pag-uusap natin d'yan di ba? Misha, wag mo na akong pahirapan." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya saka bumitaw sa yakap.

"Ayaw ko nang bumilis ang tibok nito!" sabi ko saka tinuro ang puso ko. "Akala ko ba kasama kita palagi kahit anong maging desisyon ko? Napakadaya naman eh noh?" hinampas ko siya sa braso niya.

"Mish--"

"What's the difference between letting go and being let go?" saad ko habang umiiyak. "Being let go hurts pero bibita---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita ito habang nakapamulsa.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo nang diretso hindi yung ang daming drama." sabi nito saka ako hinigit papalapit sa kanya at halikan.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil na rin sa gulat. Nanlambot ang tuhod ko at muntikan pang matumba ngunit sinalo kaagad ako ni Bishop.

"Nakakapanghina pala ang halik ko?" natatawang sabi nito sa akin.

"Kung mawawala ang isa sa atin pwes bakit hindi pa tayo sabay mawala?" saad ko habang nakangiti.

Hinawakan nito ang kamay ko saka hinila palabas ng airport.

"Well… let's find the truth about the clues."

The Infinite ChimeraDove le storie prendono vita. Scoprilo ora