Chapter 31: The Forgotten Piece

26 3 0
                                    

"Anong meron kay Sir Ethan?" natatawa kong sabi at hindi sineryoso ang kanyang sinabi.

"Siya ang dahilan kung bakit tayo naririto." nakita ko ang nagbubutil na pawis ni Tessa.

"Sigurado ka ba?" tanong ko sa kanya dahil naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon.

"Gusto mo bang patunayan ko kung gaano siya kasigurado?" napatingin ako kay Bishop na seryoso lamang na nakatingin sa akin.

"Kaya ko ring patunayan." nakangiting saad ni Kuya Luke habang nakatingin sa akin.

"Proof ba ang kailangan mo?" napalingon din ako kay Relic na nakayuko lang.

"Ang ibig niyong sabihin, alam ninyong tatlo ang totoo pero hindi ni'yo man lang sinabi sa akin simula pa lang sa umpisa?" matalim kong tinignan ang kanilang mga mata.

"Gusto mong malaman ang totoo hindi ba? Sige na. Pinapayagan na kitang pasukin ang isip ko." nakita ko ang sinseridad sa mga mata ni Bishop nang sinabi niya iyon.

Lumabas kami sa tent ni Tessa at hinayaan siyang magpahinga. Pumasok na rin ang iba pa naming kasama hanggang sa kaming dalawa na lamang ang matira.

"Protektahan mo ang kinatatakutan mo. Hindi ko pa nakokontrol nang maayos ang ability ko." saad ko bago hawakan ang kanyang sentido.

"Bakit ko kailangang protektahan kung may tiwala naman ako sa'yo." hindi ko alam kung saan nanggaling ang nakakakiliting bagay sa aking t'yan.

Isinara ko ang aking mga mata saka sinimulang pumasok sa kanyang isip.
Pumasok ako sa isang alaala na kung saan nakita ko ang sarili ko.

"Don't try to touch or threat her again. If you do anything bad I'm telling you I will be your adversary… mark my words." kasabay nang pagkasabi niya noon ay ang pagtakbo ng babae na parang naiiyak na.

"Thank you." pagpapasalamat ko sa kanya habang nakayuko parin.

"I can't believe that they allowed you to be on our class. A weak woman like you don't deserve to be on our rank."

Nainis ako sa isiping iyon kaya naman lumabas ako sa alaalang 'yon. Nakita ko ang isang imahe na nakasakay kami sa kotse.

"Matalino ka nga talaga." sabi nito ng wala sa oras.

"Huh?" hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi.

"Don't yield your own grave, Misha."

Unti-unting bumibilis ang paggalaw ng mga alaala ni Bishop para bang may pumipigil sa akin na pasukin pa ang malalim na bahagi ng kanyang kaisipan.

"Wag mong hintayin na i-drive ko paalis ang sasakyan ko."

Sunod-sunod na ang pagplay ng mga salitang galing sa iba't ibang alaala ni Bishop.

"Kung natatakot ka huwag mo nang subukang lumingon, miss."

Sa hindi inaasahan ay nagulat ako sa aking nakita. Nakasandal ako sa lockers at nakadampi ang labi ni Bishop sa labi ko. Muntikan na akong mawala sa atensyon no'n pero nagawa kong kontrolin ang sarili ko.

"What the he--" hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin nang yakapin ko siya.

"Ano bang ginagawa mo?!" bulong nito sa akin.

"Ayaw ko na." saad ko sa kanya. Please sana maintindihan mo.

"Tapos na ang pag-uusap natin d'yan di ba? Misha, wag mo na akong pahirapan." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya saka bumitaw sa yakap.

"Ayaw ko nang bumilis ang tibok nito!" sabi ko saka tinuro ang puso ko. "Akala ko ba kasama kita palagi kahit anong maging desisyon ko? Napakadaya naman eh noh?" hinampas ko siya sa braso niya.

"Mish--"

"What's the difference between letting go and being let go?" saad ko habang umiiyak. "Being let go hurts pero bibita---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita ito habang nakapamulsa.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo nang diretso hindi yung ang daming drama." sabi nito saka ako hinigit papalapit sa kanya at halikan.

Kaya pala simula pa lamang nung una ay kakaiba ang pagtibok ng puso ko kapag nakikita siya. Kaya pala umukit ang ngiti ko nang siya ang huli kong masilayan noong mawalan ako ng malay. Kasi importante pala kami para sa isa't isa.

Nakita ko si Misha na nakasilid sa isang malaking container na may tubig na green, panigurado ay may kemikal ito. Sakto ang laki para sa height ng mga tao. Baliw! Baliw ang gagawa nito.

"Hindi ko na pala kailangang magpakapagod dahil narito na kayo." hindi ko makita ang mukha ng hayop na 'to dahil nakasuot ito ng mask.

"Sino ka?! Pakawalan mo mga kaklase ko!" susugurin ko na sana siya nang matumba si Pierre sa likod ko.

"1-0" parang baliw na tumawa ang kriminal.

Nakita ko si Relic na nakalagay rin sa container na katulad kay Misha. Si Tessa at ang iba pa naming kaklase ay narito rin.

"It's time to sleep." halatang nakangiti ito sa ilalim ng mask niya.

"Hindi mo ako mapapatulog." saad ko sa kanya bago pa ako tamaan ng isang baseball bat sa likod.

"Hindi nga ba?" tumawa pa ito ng malakas saka inilabas ang isang syringe. "Ayaw kong alisin ang 'yong mga alaala. Kaya matulog ka na lang huh?" saad nito saka itinurok sa batok ko ang syringe. Ibinaba niya ang kanyang mask saka ngumiti.

"Hayop ka." nasabi ko pa ang mga salitang 'yon bago makatulog.

Nalaman ko na ang dapat kong malaman. Sa pagsubok kong lumabas ay hindi ko sinasadyang mapasok ang fear ni Bishop.

Nakita ko ang aking sarili habang may arrow sa aking dibdib.  Ang paghagulgol ni Bishop ang nangingibabaw sa lahat. Ayaw niyang mawala ako. Lalong lumakas ang nakabibinging pagsigaw ni Bishop.

"Mishaaaaaa!"

The Infinite ChimeraWo Geschichten leben. Entdecke jetzt