Chapter 7: The Lost Twin

49 4 0
                                    

Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko pero mas nangingibabaw ang inis kaysa takot sa akin.

Nakita kong may dumampot sa letrang nasa lupa dahilan para mapatingala ako, si Bishop.

"Tumayo ka na diyan." sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.

"S-si Wendell." mahina kong sabi sa kanya.

"Tumayo ka na." sabi niya saka inilahad ang kamay niya sa harap ko.

Kinuha ko ang kamay niya at itinayo niya ako mula sa pagkakaupo. Dumating naman si Sir Ethan ang aming adviser.

"Sir." ipinakita ni Tessa ang letter F sa aming adviser.

"Kanino iyan?" seryosong saad nito habang nakatingin sa letter.

"Wendell Forge, sir" bigla na lamang sumulpot si Relic sa tabi ko.

"Tessa!" nagulat kaming lahat sa pagsigaw ni Pierre mula sa di kalayuan.

"Bakit?" lumabas naman si Tessa mula sa likod ng mga kaklase ko.

Hinihingal na lumapit sa amin si Pierre. Hindi ko alam kung saan siya galing at bakit butil-butil ang pawis niya.

"May kailangan kayong makita." kapos pa rin ang hininga niya kaya nahihirapan siyang magsalita.

"Maghead-count kayo." utos nito sa buong section namin.

"Huh?" nabibigla naming tanong sa kanya.

"Please mag head count kayo." sabi nito matapos uminom ng tubig na binigay sa kanya ni Relic.

Naghead-count naman kami at doon lamang namin napagtanto na kulang kami ng dalawa.

"Nasan yung kambal?" tanong ni Pierre sa amin.

"Kasama namin silang tumakbo papunta rito." saad naman ni Tessa na kinakabahan na rin.

"Hindi pwede…" hindi mapakali si Pierre at pakiramdam ko ay may nakita rin siya.

"Ano ba 'yon?" tanong ko sa kanya habang nagdadasal nang palihim na sana ay hindi ito ang nasa isip ko.

"Sumunod kayo." sabi nito at nagsimulang pumunta sa loob ng main building.

Umakyat kami sa floor na kung saan naroon ang aming room at hindi muna kami pinapasok ni Pierre.

"May napapansin ba kayo?" tanong niya sa amin.

Tinitigan kong maigi ang magkabilang pinto ng aming kwarto.

"Wala naman." sabi ko sa kanya nang nagtataka.

"Siguro nga wala sa labas pero sa loob baka meron." saad ni Relic na nakayuko lamang.

Binitawan ni Bishop ang kamay ko at binuksan ang pinto sa harap. Umakyat kami dito nang magkahawak ang kamay?

Namula kaagad ako sa isiping iyon. Pumasok ako kasunod niya.

Napansin namin kaagad ang magkatabing desk ng kaklase naming kambal. Parehas nakabukas ang ilalim na compartment ng magkapatid.

"Nasaan ba sila?" tanong ko habang papalapit sa desk ni Raven Walker.

"Waaaahhh!" nagulat na lamang ako nang matagpuan kong puno ng iba't ibang klase ng uod ang loob ng compartment.

Agad na lumapit sa akin si Relic na napaiwas din ng tingin sa desk.

"May phobia ka?" tanong nito sa akin na hindi ko man lang masagot.

"Sh*t!" napamura ako at tinanggal ang sapatos ko. OA na kung OA ngunit pakiramdam ko ay mayroong uod sa sapatos ko kahit wala naman.

"Hey!" sabi sa akin ni Relic na hindi ko na napansin dahil nandidiri talaga ako.

"Ilayo niyo sa akin yan please." naiiyak na ako dahil simula bata ako ay takot talaga ako sa mga uod.

"Waahh!" napasigaw ako nang mahulog ang dalawang uod at magsimulang gumapang sa sahig ng room.

Ipinikit ko ang mata ko dahil naiiyak na ako at hindi na rin ako makahinga.

"Breath." sabi sa akin ni Bishop na diretsong nakatingin sa mata ko.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ito o kung totoong may nakita akong pag-aalala sa kanyang mga mata.

May nakapa akong malagkit sa bandang likod ko kaya napatalon ako at napayakap kay Bishop.

Naalala ko yung unang pagliligtas sa akin ni Bishop sa tapat ng fountain.

"I can't believe that they allowed you to be on our class. A weak women like you don't deserve to be on our rank."

Napangiwi ako sa alaalang iyon, 'yon ang unang masasakit na salitang binitawan ni Bishop sa akin.

"Sorry for being weak." unti-unting dumilim ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong pumikit.

Tessa's POV

Napatingin ako sa kinatatakutan ni Misha. Sino ba naman hindi mandidiri sa mga uod na ito? Maski ako ay hindi na rin makatingin sa compartment.

Sobrang daming uod na parang pinagkakasya lamang nila ang kanilang mga sarili sa loob. Para bang kapag nahulog ang isa ay makakahinga na ang iba.

"Sorry for being weak." napatingin ako kay Misha na ngayon ay nasa nakahiga sa sahig na walang malay.

"Castiel, dalhin mo na siya sa clinic." tumayo kaagad ito saka dinala sa baba si Misha.

"Robinson, pakitanggal naman nitong compartment ni Walker." utos ko habang papunta sa desk ni Walker 2.

"Bat ako?" napatingin ako sa kanya nang nakatapamewang.

"Oh sige na ako n--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sumingit si Samuel Grove, ang Treasurer ng klase.

"Ako na." nakangiting sabi nito habang nagsusuot ng gloves at inalis ang compartment mula sa desk ni Raven.

Tumingin muli ako sa desk ni Dawn at hinila ang babang compartment nito.

"No way." saad ko habang nakatakip ang panyo ko sa ilong dahil umalingasaw ang mabahong amoy mula sa desk niya.

Nakita ko ang maliliit na daga pero hindi lang basta daga kung hindi patay na daga. Nagsuot ng gloves at mask si Prince Castellan saka dinala ang compartment at tinapon ito sa baba.

Naupo kami sa kanya-kanya naming mga upuan. Walang nagsasalita sa buong klase namin hanggang sa tumunog ang speaker ng classroom na nakakonekta sa principal's office.

"To all students of Infinite Chimera Academy, the time of your classes will shortened because of important matter. You can pack up your things and leave the school. Thank you and have a nice day ahead."

Tawanan ng mga estudyante sa labas ng aming kwarto ang bumasag ng aming katahimikan.

Tumayo ako at pumunta sa harap ng locker ni Wendell.
Idinikit ko ang letter 'F' sa harapan nito. Napatingin ako sa locker ng magkapatid na Walker… hindi naman sila biktima di ba? Sana tama ako.

Kinuha ko ang martilyo sa ibabaw ng mesa at pinukpok ang padlock ng locker niya.

Unti-unti ko itong binuksan. Akala ko ay meron ding mahuhulog sa ulunan ko katulad kay Misha ngunit wala naman.

Tinignan ko kung ano ang nasa loob at doon nanlaki ang mata ko.

"Medical Kit, Wendell Forge." kinuha ko ang nasa loob ng locker niya at ipinakita sa kanila.

"Healing factor, from the word itself. It's the ability to heal."

The Infinite ChimeraNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ