Chapter 12: The Violators

47 5 0
                                    

Naglaho ang aking ngiti at napalitan ng pagkagulat.

"Not a good joke." tumawa pa ako na mayroong kaba.

"Well, I guess she's not joking." napatingin ako kay Bishop na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"Imposibleng apat na tao ang mawala ngayong araw." sabi ko nang mayroong panic sa boses. "baka naman nasa bahay lang ng classmate lang natin." paninigurado ko sa kanila.

"Imposible. Dito kaming lahat nag-stay after class. Nauna nang umuwi ang mga kaklase natin maliban kay Prince at Pierre na nandito pa rin hanggang ngayon." pagpapaliwanag ni Tessa na halatang kinakabahan.

"Paano ni'yo nalaman na nawawala si Amelia?" tanong ko sa kanila.

"Tumawag ang magulang niya sa mga kaklase natin dahil nga hindi pa rin siya nakakauwi sa bahay nila." sabi ni Pierre sa kabilang linya.

Naramdaman ko ang pagpreno ni Bishop hudyat na nandito na kami sa labas ng bahay. Hindi ako pa rin ako kumilos at nanatili sa loob.

Sinenyasan ko naman si Bishop ng 'saglit lang' dahilan para  tumango naman ito.

"Papabukas pa ba natin ang paghahanap sa clue?" sabi ko sa kanila.

"Anong pinaplano mo?" tanong ni Bishop sa akin.

"Hindi na natin pwedeng ipabukas ito. Kailangan nating makita ang clue ngayon." alam kong masyadong desperada ang tingin nila sa akin pero ito lang ang naiisip kong paraan.

"Ipagpabukas na lang natin 'to, Misha." sabi ni Bishop habang seryosong nakatingin sa mata ko.

"Kailangan nating makita 'to, Bishop." may pagmamakaawang sabi ko kay Bishop. "Please." dagdag ko pang sabi sa kanya.

"Fine. Huwag ka lang lumayo sa akin mamaya." tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.

"Papasok ka pa ba sa bahay ni'yo?" pagtatanong nito sa akin.

"Hindi na." seryoso kong sabi dahil medyo gabi na rin at panigurado kapag pumasok ako d'yan ay hindi na ako papalabasin dahil sobrang gabi na.

"Seryoso ka?" pagtatanong ni Bishop sa akin kaya tumango ako bilang sagot. "Sure ka talaga?" hindi pa rin ito nakuntento at inulit pa ang sagot niya ngunit tinitigan ko na lamang ang kanyang mata. "Fine." sabi nito nang nawawalan ng pag-asa.

"Tessa, magkita tayo sa back gate ng academy." sabi ko kay Tessa sa kabilang linya.

"Sige. Ingat kayo." sagot nito bago ko ibaba ang tawag.

"Let's go." sabi ko kay Bishop habang nakatingin nang may paninindigan.

"Mukhang hindi ko na mababago ang isip mo." inistart niya ang kotse saka mabilis na tumungo papunta ng school.

Dahil ilang metro lamang ang layo ng bahay at ng academy ay agad din kaming nakarating.

Hindi kami lumabas ng kotse at hinintay ang pagdating nila Tessa
"Ngayon, paano pa pagtatakpan ng principal ang nangyayari sa loob ng academy?" tanong ni Bishop sa akin.

"Hindi ko alam pero sigurado ako na gagawa at gagawa sila ng paraan para lamang mapagtakpan ang nangyayari pati na ang mga naghahanap na mga magulang." ganoon din naman ang ginawa nila kay Kesha di ba?

Sinabi nila sa magulang nito na mayroon ng lead sa kaso kahit wala pa naman. Pinalit nila si Amelia sa pwesto ni Kesha para kunwari ay kumpleto pa rin ang section namin.

"Posibleng tama ang hinala mo noon." napatingin ako sa sinabi ni Bishop.

"Anong hinala?" napakunot ang noo ko nang magtanong ako sa kanya.

"Na posibleng ang suspect ay nasa loob lang din ng room." tumingin ito sa akin nang seryoso.

Parehas kaming nagulat nang may kumatok sa magkabilang bintana ng sasakyan.

Nakita namin sila Tessa na hindi pa nakapagpapit ng kanilang mga uniforms.

Bumaba kami sa sasakyan at nagsama-sama.

"Mayroon ba kayong copy ng security system ng academy?" tanong ko sa kanila.

"Alam kong hahanapin mo 'yan, Misha." sabi ni Prince saka inilabas ang kanyang tablet.

Nakita namin ang picture ng academy na kinuhanan mula sa taas.

"May tatlong CCTV Camera sa loob ng mga buildings. Sa isang floor ay may tatlong CCTV. Every main entrance ng building ay may dalawang nagbabantay na security guards." paliwanag ni Pierre habang lahat kami ay nakatingin sa tablet ni Prince.

"Okay na ba?" walang emosyong sabi ni Bishop, bumalik na siya sa dating Bishop na una kong nakita.

"Wait. Mayroon pa. Every door ng mga room ay mayroong laser beam na kung saan kapag nasagi mo ay tutunog ang alarm ng buong school." dagdag pa ni Tessa, paano niya 'yon nalaman?

"Let's break a leg!" sabi ni Prince saka naunang sumampa sa tuktok ng kotse ni Bishop at tumalon sa bakod na papunta sa loob ng academy.

"Kaya mo?" tanong ko kay Bishop dahil alam kong may tahi pa ito.

"Oo." aktong aalis na ito nang hinila ko siya pabalik.

"Pierre, Tessa pahiram naman ako ng panyo ni'yo." sabi ko habang hawak pa rin ang pulso ni Bishop.

Ibinigay nila sa akin ang panyo nila na pinagdugtong ko naman.

"Una na kayo. Hintayin ni'yo na lang kami sa kabila." sabi ko habang nagtatali ng panyo.

"Okeh! Bro, easyhan mo lang." sabi ni Pierre kay Bishop na ikinainis nito.

Tinulungan ni Pierre si Tessa na umakyat sa bakod at na sinundan naman kaagad niya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa parte na kung saan nandoon ang sugat niya. Itinaas ko ang kanyang shirt na kaagad niyang binaba.

"Don't mess with me." sabi nito na nakaiwas ang tingin.

"Anong don't mess with me? Tatalian ko lang 'yong sugat mo para in case na magdugo." sabi ko sa kanya.

"Faster." may awtoridad na utos nito sa akin saka itinaas ang kanyang shirt.

Napatingin muli ako sa kanyang sugat ngunit mukhang nagkamali ako dahil nakita ko ang kanyang abs dahilan para mapalunok ako. 
Misha, mamaya na 'yan at may nawawala ka pang kaklase.

Umiling ako saka binuksan ang bag ko para maghanap pa ng isang tela at sakto naman ay mayroon pa akong isang panyo na bagong bili. Itinupi ko ang panyo ng pasquare saka ito itinapal sa sugat niya.

"Hawak." utos ko rito na agad niyang sinunod.

Itinali ko ang panyo sa bewang niya dahilan para mapaatras siya.

"Anong ginagawa mo?" tanong nito sa akin.

"H'wag kang mag-alala wala akong balak pagsamantalahan ka." sabi ko rito at ibinuhol ang panyo sa tagiliran niya.

"H'wag kang masyadong gumalaw." saad ko saka isinara ang bag ko.

Ibinaba niya ang kanyang shirt saka inayos ang kanyang damit.

"Tara na." yaya ko sa kanya habang nakahawak sa dalawang strap ng bag ko.

Nauna siyang sumampa sa kotse ngunit inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

"Salamat." isinampa ko ang aking sarili sa bakod at sumilip sa kabila. Nakita ko naman si Prince na niyayaya na akong bumaba.

"Kapag hindi mo naalalayan 'yan. Alam mo na." nagulat ako sa sinabi ni Bishop dahilan para mabatukan ko siya.

Dahan-dahan akong sumampa saka tumalon sa bakod. Sumunod naman kaagad si Bishop na halatang sanay na sanay sa ganitong senaryo.

Lumakad kami papunta sa main building na kung saan nandoon ang aming classroom.

"Tago!"

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now