Chapter 6: The Trace of Paper

55 6 0
                                    

Nanginginig ako dahil alam kong muntik na akong sumunod sa mga kaklase kong nawawala. Napahawak ako sa laylayan ng uniform ni Bishop.

"Kung natatakot ka huwag mo nang subukang lumingon, miss." sabi nito habang akbay pa rin ako papuntang cr.

"S-salamat." nabigkas ko pa ang mga salitang iyon sa kabila nang panginginig.

Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa aking balikat. Napansin ko rin na nasa harap na ako ng pinto ng girl's cr.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dulot ng kaba kanina. Aalis na sana si Bishop ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay, humarap ito sa akin na halatang may gulat sa mukha.

"Pwedeng bang ano?" nag-aalangan kong sabi sa kanya habang nakayuko.

"Magpalit ka na. Dito lang ako." sumandal ito sa pader na malapit sa pinto.

"Thank you." nakangiti kong sabi sa kanya bago pumasok sa cr.

Hindi ko maiwasang tumingin-tingin muna sa paligid ko bago ako pumasok sa cubicle. Natauhan na yata ako sa nangyari sa akin ngayong araw.

Matapos kong tanggalin ang malagkit na bagay sa aking katawan ay saka ako lumabas at naghugas ng kamay.
Habang nagtutupi ako ay may nahulog na panyo, ito yung panyong nakita ko malapit sa room.

"KG ?"nag-isip ako ng malapit na pangalan na pwedeng ikonekta rito.

May mga pumasok na babae sa cr kaya naman agad kong ibinulsa ang panyo.

"Bes, nakita mo ba si Bishop sa labas? Oh my gosh! Ang gwapo talaga." sabi ng isang babaeng mahaba ang buhok at pulang-pula ang labi dahil sa lipstick.

Isinilid ko sa dala kong paper bag ang damit ko saka lumabas na. Nakita ko naman si Bishop na nakasandal pa rin sa pader habang nakapamulsa at may earphone sa tenga.

Kinalabit ko siya at tumingin ito sa akin saka naglakad palayo. Tumakbo naman ako upang maabutan siya. Naalala ko ang sandwich na pinabaon sa akin ni mama kanina. Napansin ko naman na wala siyang dalang bag, ibig sabihin nasa loob na ng room iyon.

Habang nakatingin siya sa ibang direksyon ay mabilis akong tumakbo papunta ng room. Inilabas ko ang isang sandwich sa bag ko at nilagyan ng sticky note.

'Siguro kung wala ka kanina, ako na yung sunod na mawawala. Thank you ng marami ngayong araw. ^_^'

Mabilis akong pumunta sa desk niya at inilapag  ko ang sandwich roon saka ako bumalik sa desk ko nang parang walang nangyari.

Ilang minuto pa at dumating na rin si Bishop, umupo ito sa kanyang upuan at binasa ang nasa desk niya. Hindi man ako diretsong nakatingin sa kanya ngunit nakikita ko siya gamit ang peripheral view ko.

Hindi siya ngumiti ngunit hindi rin siya sumimangot. Wala man lang reaksyon ang mukha niya ngunit inilagay niya ang sandwich sa bag niya.

"Cold." hindi ko alam ngunit nainis ako sa ginawa niya.

Ilang minuto pa at dumating na ang professor namin saka ako nagfocus sa kanya.

"Good morning class." masiglang bati nito sa amin.

"Good morning sir!" mas masigla pa rin kami kaysa sa kanya dahilan para mapangiti siya.

"Bakit madaming vacant seat? Where's Mr. Forge?" walang sumagot sa amin dahil hindi rin namin alam.

"And Mr. Robinson?" napayuko ako dahil sobrang daming nawawal sa aming klase.

"Pati si Mr. Bishop Castiel wala rin." nagulat ako saka tumingin sa upuan ni Bishop.

Kanina nandoon lang siya. Kinuha pa nga niya yung sandwich eh.

"Ms. Morillo, kindly check your classmates." utos ni sir dahil hindi pwedeng mabawasan nanaman kami dahil malapit na ang test.

Tumayo si Tessa at lalabas na sana ng kwarto nang tumayo rin ako at humarap sa Prof. namin.

"Sir, pwede ko po bang samahan si Tessa?" nananantya kong paalam sa aming guro.

Tumango lamang ito saka ipinagpatuloy ang pagsusulat sa white board. Isinuot namin ni Tessa and student's pass atsaka lumabas ng kwarto.

"Hindi pa nasanay si sir kina Bishop at Relic eh palagi namang wala yun sa klase niya." naiinis na sabi ni Tessa. Alam kong gusto niyang makinig dahil lahat naman kami ay gustong pumasa.

"Balik ka na doon. Ako na lang maghahanap sa kanila." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ayaw ko. Inutusan ako ni sir baka pagbantaan pa ako noon dahil hindi ko nahanap yung mga lalaking iyon." nakasimangot na sabi nito samantalang natawa na lamang ako.

Ilang minuto rin ang ginugol namin ngunit wala pa rin kaming makitang Bishop,Wendell at Relic.

"Nasan na ba ang mga iyon?" lumingon-lingon pa ako sa aking paligid at nagbabakasakaling matanaw sila.

"Mi-Misha? B-bag iyon ni W-wendell di-di ba?" nauutal na sabi ni Tessa habang hinihila ang laylayan ng damit ko.

Napatingin ako sa itinuturo niya. Doon ko nakita ang nakabukas na bag ni Wendell at nagkalat na mga gamit. Nilapitan namin ito ni Tessa.

Tinitigan naming dalawa ang mga gamit na parang may itinuturong daan. Hinawakan ko si Tessa sa balikat na hindi man lang nakatingin sa kanya.

"Tumawag ka ng security or ng teachers. Bilis!" sabi ko habang tintapik siya at nakatingin pa rin sa gamit ni Wendell.

Tumakbo ito paalis saka ko naman unti-unting sinundan ang mga gamit niya. Halatang ginawan ng paraan upang humaba pa ang guide dahil pati ang leaves ng notebook ay pinagpupunit at isinunod sa daan.

"Wendell?" tawag ko dahil nakapunta na ako sa likod ng main building.

Naramdaman ko ang pagbigat ng paghakbang ko. Tumataas na rin ang balahibo ko sa bawat pagyapak ko sa lupa.

"Wendell, tama na biruan. Tawag na tayo ni Sir." pinipilit kong ngumiti kahit ayaw ko nang hanapin ang dulo ng mga papel na ito.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko na ang dulo at para naman akong nabunutan ng tinik.

"Oyy, Wendell! Tara na!" sigaw ko pa habang natatawa dahil sa kalokohan na ito.

"Kinakabahan na ako. Tama na. Labas na Wendell!" sigaw ko pa habang palingon-lingon pa rin.

Pagkarating ko sa dulo ay parang bumaba lahat ng dugo ko papuntang talampakan.

Hindi ko magawang hawakan ang huling papel na nakita ko. Para bang tumigil ako sa paghinga nang makita ko ang huling papel.

"Misha!" tawag sa akin ni Tessa habang papalapit siya kasama ang mga kaklase namin ngunit parang echo na lamang ito sa aking pandinig.

"Ano na?" kasabay nang pagtatanong niya ang pagbagsak ko sa lupa habang nakatingin pa rin sa papel.

"Letter F."

The Infinite ChimeraWhere stories live. Discover now