Chapter 9: The Signs

48 4 0
                                    

Humarap ako kay Bishop upang makita ang kanyang mukha. Ngunit unti-unti itong bumibigat. Napansin ko rin hawak niya ang kanyang tagiliran.

"Hey!" nagulat ako nang makita kong nagdurugo ang kanyang tagiliran.

"Yah!" naiiyak na ako. Bakit kailangan pang idamay siya?

Isinandal ko siya sa isang bench sa labas ng gate at tinakbo si kuyang guard sa guard house.

"Kuya!" saad ko nang makarating ako sa guard house.

"Ano 'yon, miss?" tanong nito sa akin nang nagtataka.

Sa sobrang hingal ay hindi ako makapagsalita kaya naman itinuro ko na lamang ang gate saka siya hinila papunta roon.

"Miss, ano ba 'yon? Sana sinasabi mo muna yung dahilan kung bakit mo ko hinihil--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang makita niya ang duguang Bishop.

"Anong nangyari?" agad itong tumayo at tumawag ng taxi.

Hindi ko na siya sinagot saka lumuhod sa gilid ni Bishop.

"Hindi naman kita inoobliga 'di ba? Bakit ba kasi palagi kang sumisingit pag may gustong manakit sa akin? Tigil-tigilan mo na nga 'yang pagkasuperhero mo." sabi ko habang nilalagyan ng pressure ang kanyang sugat.

"H-hindi ko naman 'to ginagawa dahil gusto ko eh. Tumutol man ako pero at the end natatagpuan ko na lang ang sarili ko sa tabi mo. Nakakainis di ba?" natatawa nitong sabi sa akin.

Nagulat ako sa kanyang sinabi dahilan para aksidente kong madiinan ang kanyang sugat.

"Aissh! Masakit!" sigaw niya sa akin.

"S-sorry, kasi naman sabihin mo kung nagco-confess ka na para makapaghanda ako." pabirong sabi ko dito habang nakatingin sa sugat niya.

"Ako? nagco-confess? correction, babae ang nagco-confess sa akin." kahit may sugat ay ganoon pa rin kataas ang lebel ng kahanginan ng lalaking ito.

"H'wag mong subukang pumikit, Bishop Castiel kung hindi sasapakin talaga kita nang malakas." ngayon ko lang nasilayan ang kanyang magandang ngiti.

"Yes, miss." nakangiting sabi nito habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Kuya, matagal pa ba? Mamamatay na yung kasama ko oh." sabi ko kay kuyang guard na pabalik na sa kinalalagyan namin.

Tinulungan ako ni kuyang buhatin si Bishop papasok ng taxi.

"Manong, pakibilisan naman po oh." sabi ko kay manong driver.

"Ikaw na kaya dito miss." sarkastikong sabi sa akin ni Manong.

"Sige po. Palit na po tayo." sarkastiko ko ring sagot sa kanya. Kita nang dinudugo yung kasama ko eh.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Bishop ngunit napalitan kaagad ito nang sakit.

"Akin na 'yong panyo mo." sabi ko sa kanya nang seryoso.

"Bakit?" tanong niya pabalik sa akin.

"Basta." kinukuha niya ito sa kanyang bulsa ngunit masyado nang mahina ang kanyang kamay, dahil na rin siguro sa madaming nabawas na dugo sa kanya.

Hinila ko naman ang kanyang panyo mula sa kanyang bulsa na ikinagulat niya. Pinagdugtong ko ang panyo ko at panyo niya saka ito itinali sa kanyang bewang hanggang sa makarating sa kanyang sugat.

"Hindi ko na kaya." napatingin siya sa akin nang napansin kong namumutla na siya.

"Subukan mo lang talaga pumikit." pagbabanta ko sa kanya ngunit parang wala na itong naririnig.

The Infinite ChimeraKde žijí příběhy. Začni objevovat