Chapter 27: The Barrier's Destroyer

22 2 0
                                    

Nagising ako nang maramdaman ko ang sobrang mahigpit na pagkakahawak sa kamay ko.

"Misha?" tawag sa akin ni Bishop nang magbukas ako ng mata.

"Excuse me, pare." nakita ko ang paghawi ni Relic sa balikat ni Bishop dahilan para mapatabi ito sa gilid.

Ngumiti ito sa akin saka inilapag sa tabi ko ang tray na dala niya.

"Kaya mong tumayo?" tanong sa akin nito.

Inalalayan niya akong umupo at isinandal ang likod ko sa pader.

"Pare, ako na." hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Bishop.

"Kaya ko na 'to. Magpahinga ka na rin." sagot ni Relic kay Bishop.

"Ako ang mas may karapatan dito." saad ni Bishop na ikinatingin ko sa kanya.

"Siguro nga, pero sa mundong 'to. Ako ang mas matimbang." nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki na nasa harap ko.

"P'wede bang iwan ni'yo muna ako?" nagtataka silang tumingin sa akin.

"Bakit?/ Why?" sabay nilang tanong sa akin na hindi ko na kailangang sagutin.

"Ako na bahala rito." napatingin ako sa pinto nang may magsalita.

"F-familiar ka." halatang nagulat sila Bishop at Relic sa nagsalita.

Ngunit ngumiti lamang ang g'wapong lalaking ito siguro kung papipiliin ko kung sino sa kanilang tatlo, pipiliin ko 'tong bagong dating.

"Leave, boys. Lubayan ni'yo kapatid ko." utos ng lalaking bagong dating.

Nakita ko naman ang pagsulyap sa akin ni Bishop ngunit nginitian ko na lang siya.

"K-kapatid mo 'ko?" nagugulat kong tanong sa kanya.

Nanlaki ang mata niya nang sabihin ko 'yon.

"Hayop talaga ang gumawa nito! Pati ikaw binura ang alaala!" galit itong tumayo ngunit pinigilan ko siya.

"Kuya…" tumingin ito sa akin at umupo nang kalmado.

"Fine. Kain na, bunso." nakakamiss pakinggan ang salitang 'yan kaya napangiti ako.

Inabot niya sa akin ang cookie at ang cookies and cream na flavored shake. Sinipsip ko ito dahil favorite ko talaga ang flavor nito.

"Gawa sa nectar 'yan." halos mabuga ko ang iniinom ko nang marinig 'yon.

"Narinig mo na ba ang nectar na iniinom ng gods and goddesses para gumaling? 'yan ang version natin noon." natatawang sabi niya sa akin.

"Kuya, bakit tayo nandito?" hindi ko alam kung saan ko napulot ang tanong na 'yon.

"Hindi ko rin alam, bunso. Ang tanging alam ko lang ay dumating na ang sisira sa barrier." napatingin siya sa ibang direksyon.

"Barrier?" tanong ko sa kanya dahil sa curiosity.

"Ang naghihiwalay ng mundong ito sa mundo ng mga normal na tao." paliwanag nito sa akin. "Akala mo ba kapag nakalabas tayo dito normal pa rin tayo? Ang ibinigay na ability sa'yo ay mananatili sa katawan mo habang buhay ka pa." dagdag pa nito habang nakayuko at parang gustong manuntok.

"Then, anong ability mo?" nakangiti kong tanong sa kanya dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Omnipresence, the ability to be present everywhere and anywhere simultaneously." napapalakpak ako sa kanyang sinabi.

"Grow up, bunso." natatawang sabi nito habang ginugulo ang aking buhok.

"Then, sino yung sinabi mong magtatanggal ng barrier?" tanong ko sakanya ng seryoso.

"Ikaw."

The Infinite ChimeraOnde histórias criam vida. Descubra agora