Chapter 25: The New Archer

29 2 0
                                    

Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Ano pong pangalan ko?" hindi ko malaman ang mga nangyayati sa akin ngayon.

"Misha. Misha Fontazillo." sagot nito nang nakangiti.

"Nice to meet you, Sir Ethan Halt." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Then. Relic, dalhin mo si Bishop at Misha sa armory. Papiliin mo ng armas." utos niya kay Relic na kaagad nitong sinunod.

Nakita ko ang lalaking yumakap sa akin kanina. Mataman itong nakatingin sa mga mata ko na may gustong iparating.

Hinawakan ako ni Relic papalapit sa armory. Sumunod naman sa amin si Bishop na kasama ang isa sa mga student rin dito. Si… sino ba 'to?

"That's Pierre Johnson." nakangiting sabi niya sa akin. "Choose your arm." naging seryoso ang kanyang mukha.

"Arm?" nag-iisip ako kung ano ang kinalaman ng arm dito. "It's forearm, right?" tanong ko pabalik sa kanya dahilan para tumango ito.

Naglakad lakad ako saka ko natipuhan ang isang silver na bow at ang isang gold na dagger.

"Is that it?" nakangiting tanong sa akin ni Relic na nginitian ko bilang pagsagot.

Nakita ko si-- Bishop ba 'yon? na dumampot ng isang knuckles at isang set ng throwing knives.

Pumasok ang isang babae saka bumulong kay Relic.

"T--Tessa?" hindi ko alam kung saan nanggaling ang pangalan na 'yon ngunit parang may bumulong lamang sa isip ko.

"Yes. Nice meeting you,Misha." nakangiting sabi nito sa akin saka lumapit.

"Mauuna na ako. Tessa, ikaw na bahala rito." umalis na si Relic saka kami nagkatinginan ni Bishop.

Unti-unti itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Kung hindi mo man maalala lahat nang masasayang alaala natin ay tutulungan kitang mahanap ang sarili mo." nakangiting sabi nito sa akin habang hawak niya ang kamay ko.

"Kilala mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Siguro." nakangiting sabi nito habang nakatingin sa kanyang knife.

Hinila kaming dalawa ni Tessa papunta sa harap ng mga bahay.

"Hindi bahay ay tawag dito kung hindi mga chambers." paliwanag niya sa aming dalawa. "Since hindi niyo pa alam ang inyong ability ay dadalhin muna namin kayo sa 'Golden House'. Magbihis muna kayo roon." dagdag pa nito nang nakangiti.

"Para saan?" tanong ko sa kanya.

"Para sa laban." nagwink ito sa akin saka tuluyan kaming tinulak paloob sa Golden House.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" tanong ni Bishop sa akin.

"Paano naman kita makikilala kung maski sarili kong pangalan di ko matandaan?" natatawa kong sabi sa kanya.

Naghiwalay na kami para magbihis. Napili ko ang simpleng above the knee na white dress at greek style na brown sandals. Kinuha ko ang bracer at isinuot sa kanang kamay ko. Isinukbit ko ang aking bow sa aking likod at ibrinaid ang aking buhok.

"Let's do this." nakangiti akong lumabas. Nagulat pa ako dahil nasa harap si Bishop ng pinto.

"As gorgeous as ever." kinindatan ako nito saka kami sabay na lumabas.

Nakasuot ito ng simpleng white v-neck shirt at ripped jeans na pants. May suot rin siyang cestus sa kanan niyang kamay at knuckles sa kaliwa niyang kamay.

"Let's do this."

The Infinite ChimeraOù les histoires vivent. Découvrez maintenant