Chapter 17: The Next Victims

32 3 0
                                    

Misha's POV

"Ayaw ko nang maulit ang nangyaring pagkawala ng aking anak." halos mabalibag ko ang pagsara ng pinto ng aking kwarto dahil sa sinabi ni Papa.

Alam kong mahirap para sa kanya ngunit ganito na siguro ang kapalaran namin.

Alam kong parehas kami ng iniisip ni Bishop na ang nangyari sa aking kapatid ay nangyayari muli sa aming magkakaklase.

Napahiga ako sa kama ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Alam kong gising ka." narinig ko ang boses ni Bishop dahilan para mapaupo ako sa aking kama.

"Teka! Anong ginagawa mo?" nagtataka kong tanong sa kanya dahil naglalatag siya ng kanyang blanket sa sahig.

"Utos 'to ng Papa mo." napatayo ako dahil sa kanyang sinabi at binuksan ang pinto.

Nakita ko si Papa na nakangiti at nakapamewang sa harap ng pinto.

"Pa, bakit?" nagkunwari akong naiiyak para maawa siya sa akin.

"Balik na sa loob at matulog ka na." utos nito saka ako tinulak paloob.

Napaupo akong muli sa aking kama. Napansin ko na wala siyang kumot na dala kaya nakabaluktot ito.

Binuksan ko ang drawer ko at doon kumuha ng isang kumot na color pink.

"Oh." inabot ko 'to sa kanya ngunit tinitigan lamang niya ito.

"Bat pink?" napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Siyempre babae ako tapos--bat ba ako nageexplain? wala na kasing available na kumot eh!" natatawa kong sabi sa kanya saka inihagis sa mukha niya 'yong kumot.

Humiga na ako saka nagkumot at pinatay ang lamp shade ngunit dilat pa rin ang mata ko.

"Naiisip mo ba 'yong nangyari sa kuya mo at nangyayari sa atin ngayon?" nagulat ako sa tanong niya.

"Oo. Hindi ba parang magkaparehas? Hindi ko alam kung saan na napunta si kuya ngunit ang tanging alam ko lang ay buhay pa siya." buo ang paniniwala ko na gising pa si kuya ngunit hindi ko lang alam kung saan.

"Paano kung biktima rin siya?" tanong nito sa akin dahilan para humigpit ang hawak ko sa aking kumot.

"Ewan. Kung biktima man siya, hahanapin ko siya kasama ng mga kaklase natin." sagot ko saka pumikit na.

"Kung anuman ang plano mo kasama mo ako." narinig ko pa ang huli niyang sinabi bago ako pumikit.

Kringgggg! Kringgggg!

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa phone ni Bishop.

"Bishop, phone mo." napaharap ako sa kabilang side ng kama dahil maingay.

Kringgg! Kringgg!

"Naman eh!" naiinis kong sabi saka umikot muli sa kabila upang gisingin si Bishop.

Sinilip ko siya sa sahig ngunit wala na ito.

"Ang ingay!" nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses sa tabi ko.

"Bat ka nandyan?!" napasigaw ako saka siya pinaghahampas ng unan.

"Aray ko! Pinalipat ako ni Tita dito!" balik na sigaw nito sa akin.

Si mama talaga oh. Pinatabihan ba naman sa lalaki ang kaisa-isang anak nilang babae. Inihagis ko sa kanya ang phone saka niya ito sinagot.

"Hello?" pagkatapos noon ay hindi na ito muli pang nagsalita hanggang sa maibaba niya ang phone.

"Bakit ganyan itsura mo?" natatawa kong sabi sa kanya.

"Si Prince tumawag." sabi niya saka tumingin sa akin.

"Ano raw?" tanong ko sa kanya.

"Mysticia Park and Kirby Raine are missing…"

The Infinite ChimeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon